PART THREE with my past

37 4 2
                                    

A/N: Happy birthday sa kapangalan ng character ko! Sharlean Mae, ito na regalo ko. updated! Hahahaha. Enjoy reading..







Chapter 3.


                          Tatlo o apat na oras na ata akong nakahiga dito sa kama ako simula nung dumating ako galing trabaho. Hindi ako makatulog. 6am na ng umaga!!








Tumayo ako at lumabas ng kwarto, sa tapat ng pinto nito ang tinatawag kong kusina kahit hindi naman mukang kusina.


May lababo at lalagyanan lang naman ng pinggan dito at sa taas ang nag iisang drawer ng mga pwede kong istock na pagkain. Kinuha ko sa gilid ng lababo yung natira kong alak last night. Medyo paubos na din tong alak ko.


Dumeretso ako sa sala kung nasaan ang tv, radio at pintuan palabas ng mabahong apartment na to.

Umupo ako sa isang lumang sofa sa harap ng tv at binuksan ang radio. Hindi ko feel ibabad ang mata ko sa screen ng tv. At mas pinili ko nalang na makinig ng kung ano ano sa radio. Nakapikit kong nilalaklak tong hawak kong alak.



Inilapag ko ang ulo ko sa sandalan ng lumang sofa na inuupuan ko.






"Hey hon, what happened?"


Sinalubong ng lalaki ang babaeng pumasok sa malaking pinto ng bahay nito.

Umupo muna ang babae sa sofa na hindi kalayuan sa main door ng malaking bahay na pinasukan nito.


"Nothing.. Its just a, ahm office problem."

Lumapit ang lalaki dito at hinimas himas ang likod dito.
"Don't stress yourself hon, don't mind them. They are just your employee."


Tumayo ang babae at humarap sa lalaking kausap nito.
"Employee? Oo nga, employee ko lang sila pero tangina Ge-"








*knock knock*

Bigla ako napamulat at napatingin sa pintuan sa gilid ko. Umalis ako sa pagkakasandal at inilapag ang hawak kong baso ng alak.


"Sino yan?"

Tumayo na ko at binuksan ang pinto ng apartment ko.




Bumungad sakin ang hindi ko kilalang lalaki.

"Sino ka?"

Ngumiti ito sakin at may kinuha sa bag nyang mga papel.
"Mga bills po mam."


Inilahad ko ang kamay ko para kunin pero inisa isa pa nya ito habang binibigay sakin, parang yung mga nag bibigay ng sukli na mga counters.


A Million ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon