Episode 14

1.2K 26 0
                                    

Owen's POV 

Nagdrive na si Liam papunta sa restaurant na pinareserve ko kanina. Feeling ko sa oras na ito ay napaka espesyal kong tao dahil sa quality time naming dalawa. Habang nag ddrive si Liam ay nagpamusic nalang ako sa kotse para di ako antukin sa byahe. Wala namang ibang nangyari samin sa kotse kundi tawanan at kwentuhan.

"love, lapit naba tayo?" tanong ko kay Liam

"yup, hahanap nalang ako kung san pwedeng pag parkingan" tugon nito sa tanong ko.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Liam at inayos na ang bag at wallet na dala dala ko. Matapos mag park ni Liam ay bumaba na kami ng sasakyan at dumiretso na kami sa restaurant na kakainan namin. 

"Good afternoon po table for 2" sabi ni Liam sa waiter habang nakahawak ito sa aking bewang.

"dito po sir" turo ng waiter sa table na nasa harap namin sabay punta namin at upo.

Matapos naming umupo ay binigay na ng waiter ang menu at nagsimula na kaming pumili ng pagkain.

"can i have grilled chicken and tiramisu?" order ni Liam sa waiter habang ako naman ay tumitingin pa.

Nilista na ng waiter ang order ni Liam sabay tingin sakin ng waiter para kuhanin ang order ko.

"risotto and milkshake yung akin" sabi ko sa waiter sabay lista nito sa hawak nitong papel.

Pagtapos kunin ng waiter samin ang order namin ay agad na itong umalis. Nagkwentuhan muna kami ni Liam tungkol saming dalawa. Hinawakan ni Liam ang kamay ko habang hinihimas ito kaya diko maiwasang kiligin dahil sa lakas ng appeal nito sa sobrang gwapo nya lalo't nakaayos sya ngayon. Napakasaya ko sa oras nato dahil alam ko sa sarili kong ako lang ang mahal ni Liam at wala ng iba. Kitang kita ko sa singkit nyang mata na kuntento na sya sakin, yung tipong di na sya maghahanap ng iba para sumaya. Sa malalalim nyang boses habang kinakausap nyako ay kaya kong sabihin na sakin lang sya sumasaya at natutuwa.

"iloveyou love" sambit ni Liam sakin sabay halik neto sa kamay ko.

*ring*

"iloveyoutoo love, thank you for staying loyal to me ha?" sambit ko kay Liam habang hinihimas ko din ang kamay nya.

"syempre naman love, ikaw lang naman mahal ko at wala ng iba" tugon nito sa sinabi ko.

*ring*

"I know, di mo nga kayang magluto eh hahahaha" sagot ko kay Liam sabay tawa ng mahina.

*ring*

Napangisi naman si Liam sa sabi ko sa kanya dahil totoong di ito marunong magluto, minsa'y marami sa toyo, asin, suka, at asukal kaya hindi ito maaasahan sa kusina. Nabother ako sa panay tunog ng phone ni Liam kaya sinabi ko na sa kanya kung sino ba iyong nag memessage sa kanya.

"kanina pa tunog ng tunog yang phone mo ah sino yan love?" tanong ko kay Liam habang nakatingin sa phone nya.

"ahhh wait sino ba to?" tugon ni Liam sa tanong ko sabay bukas ng phone nya.

"ahhh wala to yung mga kaibigan ko lang love, di importante hehe* sabi nito sakin sabay talikod ng phone nya.

Dumating na nga ang order namin ni Liam dala dala ng waiter sabay lapag nito sa table. Kumain na kami agad ni Liam dahil baka lumamig pa ang pagkaing sinerve sa amin. Susubo palang ako ng pagkain ay agad na nag ring ang cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha. Tinatawagan pala ako ng kapatid ng tita ko kaya ko ito sinagot.

"uhm hello po tita" sagot ko ng mahinahon.

"nak yung tito mo nahulog sa hagdan, napaupo sa sahig kaya nahihirapan makalakad, di naman raw nabalian pero sumasakit lang yung katawan nya at kailangan munang mag stay sa ospital" sabi ni tita sa phone.

"ahh ganon po ba, ayos lang po ba si tito? saang ospital po naroon kayo?" tanong ko kay tita.

"ayos lang naman sya, dito lang malapit sa amin, at tsaka nga pala pwede pakitawagan yung anak ko kasi kanina pa ako tumatawag sa kanya pero di sumasagot eh walang magbabantay sa kanya ngayon" sagot ni tita sa tanong ko.

"ayy sge po try ko pong contackin mamaya tita" sagot ko sa kanya.

"osge salamat talaga nak" tugon nito sa sinabi ko.

"love sino yun?" tanong sa'kin ni Liam.

"ahh si tita tumawag, naaksidente kasi si tito eh pinapacontact sakin yung anak nya kasi wala raw nagbabantay" sabi ko kay Liam.

"ahhh okay" sabi ni Liam sabay tango.

Kumain na kami ni Liam hanggang sa maubos na ito. Nagpahinga muna kami sandali ng mahigit 10 minuto. Matapos magpahinga ay nag cr muna ko para maghugas ng kamay. Pagpasok ko sa cr ay walang katao tao rito kaya mas naging kalma ako sa oras na iyon. Habang nag huhugas ng kamay ay aksidente kong nahulog ang wallet ko, nang pinulot ko ito ay kitang kita ko na may apat na paa ang nasa loob ng isbg cubicle, sa posisyon ng paa ang mukhang nakatalikod ang isa kaya napangisi ang at diko nalang sila pinansin. Nang matapos nako sa paglinis ng kamay ay lumabas nako deretso sa table namin ni Liam.

Nag cecellphone si Liam sa lagay nya ngayon habang naglalakad ako papunta sa kanya na para bang may kausap ito pero diko na pinansin dahil baka mga kaibigan nya lang ito.

"love tara na" aya ko dito.

"sure tara na ikaw lang hinihintay ko" sambit nito sakin.

Tumayo narin si Liam sabay hawak nito sa bewang ko na pilit na siniksik sa kanyang katawan. Sinubukan ko naring tawagan ang anak ni tita habang naglalakad papuntang parking lot. Hindi sumagot ito sa unang tawag at pangalawang tawag kaya tinigilan ko muna. Nang makarating na kami ng parking lot ay pinakbuksan ako ni Liam ng pintuan sabay sakay ko sa loob. Sumakay narin si Liam sa kotse at nagsimula na syang mag drive papalabas. Habang nag ddrive si Liam ay sinubukan ko ulit na tawagan ang anak ni tita at sa wakas ay sumagot na ito.

"oy pre buti naman sumagot ka" sabi ko dito.

"napatawag ka pala? sorry ah busy kasi ngayong finals eh nandito ako ngayon sa bahay ng kaklase ko pre dito kami natutulog" tugon nya sa sinabi ko.

"ahh ganun ba kasi sabi ni tita sakin naaksidente daw si tito eh nabalitaan monaba?" tanong ko rito.

"ha? si erpat na aksidente? bakit daw?" tanong nito sakin.

Napapatingin si Liam sa usapan namin.

"nahulog daw sa hagdan eh pero di naman nabalian sabi ng doctor, makakauwi ka daw ba?" sabi ko kanya.

"hala, diko alam kung makakauwi ako kasi baka bumagsak ako pag diko naasikaso to hays, kawawa naman sge mamaya tatawag ako kay ermatss pre salamat ah". tugon nito sa sabi ko.

Binaba kona ang tawag at nilagay ang phone ko sa unahan ng kotse at nag patugtog. 

"hays kawawa naman yun love" sabi ko kay Liam habang nag ddrive ito.

"kaya nga eh" tugon nito sa sinabi ko.

Bandang alas 5 na ng umalis kami sa restaurant kaya habang nag ddrive si Liam ay dinadapuan ako ng antok. Dinantay ko muna ang aking mukha sa salamin sa gilid ko at pumikit muna dahil inaantok nako sa mga oras na yon. Diko namalayang nakatulog na pala ko dahil sa smooth ang pag drive ni Liam at wala ring traffic na naganap.

itutuloy...

My Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon