Dos

0 0 0
                                    

*2 years later. Senior High Days*

Gabriella's pov

1st day of school. 1st day of being an ABM student

same school, same place but different classmates and teachers

kung minamalas nga naman kasi, sa 40 plus na kaklase ko nung grade 7 hanggang grade 10 wala man lang akong naging kaklase ngayong SHS kahit isa huhu

I'm afraid of being alone, nasanay ako masyadong meron sila Jasmine, mga naging friends ko nung grade 9 dahil Kiara left me and go back to her old circle of friends, well Jasmine is in Humss yung iba naman nag ABM pero different school

Si Rhianna na nga lang kasama kong ABM na dito parin nag aral magka iba naman kami ng section nakakaloka haaa!!

napabuntong hininga na lamang ako

well what can I do, maybe this is the time na matutunan kong maging independent

Bumaba na ako sa sasakyan when my driver said na nandito na kami

I fixed may uniform and started walking

nahanap ko naman agad ang room ko

I saw the girl na nakausap ko through chat. I messaged her kasi agad when I saw her name sa list ng section namin since siya lang kilala ko and kaklase siya ng pinsan ko noong jhs

"Hiii dito ka nag reserve kami seat for you" she said, people are not lying when they said that she's kind

ngumiti ako at umupo, pinakilala niya rin ako sa ibang mates namin, they all look nice but I feel a different aura. Or maybe I'm not comfortable pa kasi nga bago ko palang sila nakasama.

Well, as usual nag introduce yourself, my most hated ganap pag first day, may stage freight kasi ako kaya nanlalamig ako kapag nag sasalita sa harap ng maraming tao. Sa daldal kong toh ha may stage freight ako, oh ei bakit ba wala namang perpektong tao ha.

After class nag kita kita ulit kami nila jasmine sa park malapit sa school na nilipatan niya, the school kung san nag aaral si sage, yes until now I have feelings for sage. I don't know why, he's not the most handsome naman not the most matalino rin an average guy lang pero andami ring nag ccrush, but everytime na pinipilit kong magka gusto sa iba,

I even accept manliligaw nung grade 10 pero ang ending pinatigil ko rin sa panliligaw, I feel like ginagawa ko lang kasi siyang panakip sa feelings ko for Sage. Feelings na akala ko crush lang gusto lang, pero mukang tama si Kiara noon love nga toh, first love puppy love what ever you call it.

Hindi naging kami, lahat ng pwedeng maging start ng story namin naudlot, talagang pinagtagpo lang pero never itatadhana. Pero pag nalalaman ko na may nililigawan siya or nakikita ko may kasama siyang babae nasasaktan ako. Pumapasok lahat ng what if's, what if hinayaan ko siya mang asar noon, what if nung napansin kong lumayo siya kasi nalaman niyang may gusto yung kaklase namin sakin tinanong at nilapitan ko siya, what if I confess my feelings for him back then. Pero di ko ginawa lahat yun kasi iniisip ko we were to young to feel those things.

Pero ngayong tumatanda ako, I realized wala namang pinipiling age ang love, it comes unconditionally. Kaya ayan ang dami kong what if and regrets ngayon. Bwisit ka Sage, pag ako talaga naka move sa pag ka stuck ko sayo who you ka talaga sakin.

"Hoy Gabriella! Todo na naman ang pagka lutang mo" sigaw ni Jasmine habang tinatawanan nila ako

Lalim na pala ng iniisip ko kanina pa pala sila salita ng salita

"Sorry may iniisip lang, ano ba yun?" Sagot ko nalang

"Sabi ko I saw Sage kanina sila na nung nililigawan niya. Siraulo pa yung mga tropa niya kanina sila Aslan inaasar si Sage sakin hahaha"

Malandi.  Am I a bad friend? Haha pakealam ko. Look how insensitive she is, she know damn well that I like Sage. No, that I love Sage.

But look they don't even care about how I feel. I don't even know bat pa ako sumasama sa kanila, e alam ko naman noon palang they call me a friend but don't treat me as one. Isa pa tong si Rhianne sa kanilang lima siya ang pinaka close ko pero kilig na kilig pa rin mag kwento dahil nakita niya rin daw yung reaction ni Sage kay Jasmine.

Thank you ha sobrang caring niyo ha. Sana this senior high year I will meet people that will really treat me like I belong to their circle of friends and friends na totoo yung iisipin ang nararamdaman mo.

Na miss ko tuloy si Kiara, I was hurt when she suddenly leave me to go back to her old friends but she was true to me, care for me always ask me if I'm okay before speaking about a serious matter. Di tulad nito lagi mo ngang kasama lagi ka namang sasaktan.

"Huy Gabriella mag react ka naman hahahaha" sabi ni Rhianna.  Ano gusto mong i react ko sampalin ko kayo?

"So what? Di ko naman na crush yan" sabi ko nalang at tumingin kay Phoebe one of our friend din, the oldest one and the matured one. I know na feel niya na uncomfortable na ako kaya nag salita na rin siya

"Ano ba kayo hayaan niyo na si Gab, tagal tagal na nun, ano pa pake niya kay Sage tsaka pumunta tayo dito para mag bonding at kumain hindi para kay Sage" I look at her and bumulong ng thank you

Tumango naman sila at nag lakad na kami papunta sa park para mag food trip. And then what a freaking day, Sage was their with his friends

Nagka tinginan kami, umiwas ako agad. Ayaw ko na umasa, tangina tama na yung 4 years na pagka lugmok ko sayo. Tumotodo kana sino kaba para iyakan ko. Bwisit

At eto namang mga insensitive na tao pinalapit pa ang hayop. Buti nalang nag ring ang phone ko tumatawag si mommy pina pauwi na ako dahil oras naman na raw ng uwian. Ilang sandali rin dumating na ang driver ko, nagpaalam na ako sa kanila at sumakay sa sasakyan hindi ko na nilingon si Sage.

Tama na Anastasia Gabriella, wala ng pag asa, kahit naman noon pa walang pag asa kaya tama na. Nag mumuka ka ng tanga, tama na yung apat na taon na minahal mo siya sa malayo, kung tutuusin sobra na yun.  Umikot na ang buong junior high mo sa kanya, hindi na pwedeng pati shs ay sa kanya parin.

Pagka uwing pagka uwi ko di na ako nag bihis at tumakbo ako papunta sa kapitbahay kung nasan ang pinsan ko. Si ate Cheska, I hugged her and hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong tumulo. I don't know why I feel this, he was never my ex boyfriend, but he's my ex maybe, ex what if's, ex almost kaya siguro masakit kasi andaming paano kung ganito paano kung ganyan.

"Si Sage na naman noh" sabi ni ate, di na ako umimik alam naman na niya e. Wala naman akong ibang iiyakan kung hindi sa family problem, si Sage lang

"Gab, admiring and loving someone is not wrong pero kung yung love nayun ay sinasaktan kana at nauubos kana tama na dahil hindi na pag mamahal yan, obsession na yan, obsessed kana sa lahat ng what if and regret mo. It's been four years tama na ang kasasabing kung siya ang para sayo babalik siya kasi umaasa ka lang lalo. To the point na kahit sa sarili mo wala ng pagmamahal na natira."

"Kung talagang siya ang para sayo, may nangyari na sana sa kwento niyo sa loob ng apat na taon na yun. Pero wala e, kahit anong gaslight mo sa sarili mo wala. Dahil nung una palang tinapos niya na ang kwento niyo, ikaw nalang ang patuloy na nagsusulat para sa mga susunod na pahina para lang di magsara ang libro niyo. Pero Gab halatang pagod kana, tignan mo naman ang worth mo. Maganda ka, matalino you can do a lot of things that other girls can't, madaming magkakandarapa sayo. So stop wasting your tears for a guy that don't care about your feelings."

"It's time for you to close the book" sabi ni ate

And that was the time that reality hit me so hard. She was right, masyado kong pinaniwala ang sarili ko to look for the bright side, in fact maliwanag na maliwanag naman na wala na talagang susunod sa chapter ng story namin hindi ko lang talaga magawang isara ang libro dahil sa mga regrets at baka sakali ko.

But now, this is the last time I will cry for a guy that never shed even a bit of tear for me. I'm closing the book of our story and now opening a new book where he will just gonna be a memory.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretty Little Coincidence Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon