CHAPTER 8

926 8 0
                                    

Chapter Eight

Welcome To Our World


Patuloy na umikot ang akin tiyan habang walang tigil sa paghakbang palayo sa lugar na naging tahanan ko ng ilang taon. I was exhausted. My feet was getting weak in each step, but I couldn't stop. Ni hindi ako pwedeng manghina dahil kailangan kong marating ang itinuturo sa akin ng relong ibinigay sa akin ni Milev bago kami maghiwalay.

The sun was rising. Ilang oras na akong tumatakbo at naglalakad sa madilim at delikadong gubat pero wala pa ako sa kalahati.

Humigpit ang kapit ko sa hawak kong snow ball. It was the only thing I saved for myself before I lost everything again.

Pinilit kong pigilan ang mga luha. There was no time for weakness in times like this. Ang sabi ni Milev, kung saan man ako pupunta ay magiging ligtas ako. She said she will meet me there. Hindi ko man alam kung paano dahil hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari at bakit kailangan niyang sunugin ang lahat pero wala akong magawa kung hindi ang sumunod. Hindi ko pa man alam ang totoo at eksaktong ginagalawang mundo ni Milev ay alam kong kailangan ko ang lahat ng mga natutunan ko sa kanya para mapabilang doon.

I didn't shed a tear. Ilang kilometro pa nang paglalakad ay nabuhayan ako ng pag-asa nang makarinig ng lagaslas ng tubig.

Maliwanag na ang paligid nang marating ko ang ilog. Hindi ko na napigilang mapaluhod nang makalapit dito at pagkatapos ay walang sabing sinalok ng mga palad sa tubig upang makainom. I did it until I felt full. Hindi ko kasi alam kung kailan pa ulit ako makakahanap ng ilog na pwedeng inuman. Sa tantiya ko rin ay dalawang araw pa akong maglalakad bago marating ang lugar na itinuturo sa akin ng mapa.

I cleaned myself and sleep a bit. Nang magising ay uminom ulit ako bago nagpatuloy sa paglalakbay. My body was exhausted. Mabuti na lang at marunong akong gumawa ng sariling pana at manghuli ng pagkain sa gubat kaya kahit paano ay naka-survive ako sa unang gabi.

The snow ball was the only entertainment I had. Iyon lang ang tanging bumuhay sa natitirang pag-asa sa aking puso at nagbigay ng lakas upang magpatuloy.

Kahit na nag-aalala ako para kay Milev dahil wala na kaming komunikasyon ay umaasa pa rin akong sa dulo nito ay makikita ko nga siya. I may be strong compared to who I was before she took me in but I don't think I can live without her. Marami pa akong dapat na matutunan sa kanya at siya lang ang tanging makapagbibigay sa akin no'n. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko at wala ng iba.

I continued with my journey. Lakad-takbo ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. I killed five snakes and eaten four birds on my way until I finally had a glimpse of the place where my watch was pointing me to.

Halos mabitiwan ko ang aking pana at snow ball nang matanaw ang mala-palasyong kulang puting kastillo sa ibaba ng burol na aking kinatatayuan. It was situated at the middle of thousands of hectares of green lands. Ilang beses akong napalunok at pagkatapos ay wala sa sariling sinulyapan ang relo dahil baka mali lang ito pero doon talaga ako itinuturo.

The place looks heavily guarded from where I was standing. Lumihis ang mga mata ko patungo sa kanang bahagi kung saan naroon ang kalsada. There were tons of heavy armored trucks going back and forth. The place looked peaceful, but there was so much more to it. Hindi ko maipaliwanag. Gayunpaman, wala akong nagawa kung hindi ang tuntunin iyon pero wala pa ako sa kapatagan ay nalaglag na ang puso ko nang sunod kong nakita ang mga armadong lalaking agad na humuli sa akin. I was quick to run away but it was too impossible to escape them!

They blindfolded ang tied my hands. Wala akong ginawa kung hindi ang magsisisigaw kaya binusalan rin nila ang aking bibig.

I was so scared for my life again. Alam kong mali ang lahat pero wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang aking pagkatalo. Na ang lahat ng mga pinaghirapan namin ni Milev ay mapupunta lang rin sa wala at ito na ang tamang panahon para tuluyan akong sumuko sa kamatayan. I've already outrun death multiple times but it was finally time to lose.

Desirable Maids 3: Istredd Dominika Zavŭrshil [Valados Alcatraz Series 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon