CHAPTER 26

274 5 2
                                    

Yuri's POV

"FUCK!!! YOU'RE BLEEDING!!"  malakas na sigaw ni Yuze, dahan-dahan kung tinanggal ang dalawang butones sa suot kung damit nang maramdaman kong may nakatarak sa dibdib ko.

At nang matanggal kona ang butones ay bigla akong nanghina at nahilo nang makita ang basag na salamin na nakatarak do'n habang patuloy ito sa pagdurugo.

"Stay still, You're gonna be okay" si Yuze at hindi ko na alam anong nangyari basta nahihilo na ako at bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

"YURIIII!!!!!"

Fevarri's POV

"Ano? pinasundan mo ba ang anak ko!?"

"Oo, and I'm sure magugulat ka sa sasabihin ko sa'yo"

Tinignan ko si Darius at umupo sa harapan nito saka ko kinuha ang mga document na nasa mesa.

"Siguraduhin mong magugulat ako, Darius!"

"Well, hindi mo yata alam na hindi si Monique ang kinababaliwan ng anak mo!" Bigla akong natigilan sa ginagawa ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"HAHAHAHAHAHAHA hindi mo nga alam. Naisahan ka ng anak-anakan mo, Fevarri!"

"Anak ko si Hendrix!! Kaya mag dahan-dahan ka sa mga sinasabi mo!!"

"Tsk! Mas tinuring mo pang anak ang anak ng kaaway mo kaysa sarili mong anak! Anong klaseng pag-iisip yan, Fevarri!"

"Tsk! bakit? ano ba ang magagawa mo!? Sabihin mo na nga sa akin kung sino ang babae ng anak ko!!"

"yan tignan mo yan!!" Initsa niya ang malaking envelope sa harapan ko. "Tignan mong maigi kung sino nga ba ang babaeng kinababaliwan ng anak-anak-

PPPPAAAAKKKKK!!!!!!

"Isang beses ko pang marinig yan, Darius. Makakatikim ka sa akin! Tandaan mo mas may silbi pa si Hendrix kaysa sa'yo! Anak ko si Hendrix kaya 'wag na 'wag mong bigkasin ang katagang yan sa harapan ko at sa harap ni Hendrix o kahit na sino pamang tao sa mundong ito! kundi ako ang papatay sa'yo, Darius. Tandaan mo handa ako maging kriminal para sa anak ko!" luhaang at galit na bigkas ko binuksan ang laman ng envelope.

Tinignan ko isa-isa ang larawan at do'n nanginginig ang kalamnan ko nang makita ang nasa larawan.

"Si-sino ang babaeng ito!!? SINO! SINO ANG BABAENG ITO!!!?"

"siya lang naman ang first love ni Hendrix!!"

"FIRST LOVE!!? HA! FIRST LOVE!? HINDI KO SINABING KUNG ANO SIYA SA BUHAY NG ANAK KO!! ANG TANONG KO KUNG SINO ANG BABAENG ITO!"

"Hindi mo kailangan magalit sa akin Fevarri! yang babaeng yan ay ang anak ng isa sa mga bestfriend ng lalaking kinabaliwan mo!!"

Bigla akong natigilan sa sinabi nito at tinignan ang isa sa mga larawan kung saan hinalikan ng anak ko ang babaeng ito!

"Sino sa mga bestfriend ni Brylle?"

"Si Mr. Carter, ang babaeng yan ay ang nag-iisang babae at bunsong anak ni Mr. Carter"

agad akong napaupo sa upuan ng bigkasin niya ang katagang ito.

Bakit? 

inilayo na nga kita sa mga taong may connection sa tunay mong pamilya. Peru, bakit inilapit mo ang sarili mo sa kanila? Hendrix! hindi ako nagkulang sa'yo. Ibinigay ko ang buhay na dapat sa anak ko, nirespeto ka ng mga tao at nakuha mo lahat ng gusto mo dahil sa akin. Peru, bakit? ikaw pa mismo ang lumapit sa mga taong sumira sa buhay ko.

Sexret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon