Coffee

9.8K 10 0
                                    


"Congratulations! You're hired Ms. Figueras!"

Finally! After applying for 5 companies, na hired din ako!

Tuwang tuwa akong binalita kay Jairus ang good news. I click the video call button on messenger and scream in so much happiness!

"May trabaho na ko babe!" Hinalikan ko siya sa screen at tawa siya nang tawa

"Anong work mo?" Natatawa pa rin siya

"Call Center Agent!" I said showing my white and beautiful complete set of teeth

"Ahhh...magkano daw sahod mo?"

"Auhm around 18k with package, good for newbie na rin!"

"Nice congrats babe, goodluck!" Ngiti nito. Mas lalo ako ngumiti.

Madami akong inapplyan. I am a high school graduate. Nag apply na ako sa mall, fastfood, at factory pero sa Call Center lang ako natanggap!

Ang bait nga ng mga tao doon lalo na yung nag final interview sa akin na Senior Operations Manager na tingin ko ay type ako dahil ako lang ang hs grad na pinasa.

Unknown number:
Hi Charmaine! This is Eric, the one who conducted your final interview earlier.

Ngumiti ako at napakagat labi sa biglang notif. Pogi typings!

Me:
Thank you po uli Sir sa opportunity! :)

Eric:
Ang bilis mo nakauwi, hindi kita naabutan. :)

Ang bilis mag reply ha. At ano namang gagawin niya if naabutan ako?

Me:
Hehe nagutom na po ako eh, kumain at umuwi na :)

Eric:
Aayain nga sana kita kumain eh. :<

Me:
Hahaha sige po Sir Eric, next time!

Eric:
Sure, see you around in the office. :)

"Babe??" Napatingin ako kay Jairus sa screen. Nakalimutan kong magka vc pa pala kami!

"B-bakit Babe? Sorry nag reply lang ako sa manager."

"Wala. May work na ako, alis na ko, sige na i love you!"

"I love you too!"

Jairus is my boyfriend for 4 years and 1 month now. Ldr kami, he's residing in Baguio while I'm here in Batangas.

Nagkikita lang kami pag may okasyon o monthsarry at anniversary namin. Paano kami nagkakilala? Syempre dating app. Nag clicked kami ng bonggang bongga!

Masaya at kontento ako sa relasyon namin. Mabuti at gwapong bf si Jairus, mahilig din magpadala ng pagkain at regalo sa akin dahil stable ang work niya as Sales Specialist. 9 years ang agwat namin, 19 ako at 28 years old na siya.

Legal din kami both sides at future purposes nalang ang pinag iipunan. Jairus is matured and goal oriented. Matino at wala kaming malala na problema na dinanas sa relasyon. Siguro, long distance but hindi naging hadlang 'yun, tumagal nga kami ng ilang taon e!

Gusto ko na rin mag mature, ayaw ko na siya bigyan pa ng sakit ng ulo na kada totopakin ako ay pupunta siya rito para personal na manuyo. That's sick.

Kaya ngayong may trabaho na ako ay mas may kabuluhan na ang pagiging busy ko!

Eric:
Do you have whatsapp? or any convenient app so we can talk properly?

Tagalog SPG StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon