Chapter 20

108 2 0
                                    

On the day of the Christmas party everyone is very hyper and happy. You will feel in the air the love, the lightness of the mood and the twinkle of the lights casting magically inside the venue. The excitement in their eyes is vivid and imprinted.  Laughters and giggles are echoing on the air.



"Hey bro your so handsome" sabi ni Luke kay Aoki ng makita ito



"As Always" sabay may pa daan ng hinlalaki sa kanyang ilong



"Tssk! Ang hangin!" sabi ni Luke sabay irap



Natawa na lang si Aoki sa tinuran ng kaibigan. Ipinalibot ng binata ang kanyang paningin para hanapin ang kanyang nobya. Marami-rami rin ang dadalo sa kanilang Christmas Party. It was arrange for the whole campus kaya naman ganyak na ganyak ang lahat na dumalo dahil ito ang kauna-unahang magiging Christmas Party na magkakasama ang lahat. 




Makikita na nalilibang ang lahat dahil nag-effort rin ang mga Student Council ng kanilang Campus to produce fake snow. Kaya naman mararamdaman mo na talagang Christmas na. The theme of their Christmas Party if WHITE CHRISTMAS so everythings around is white. 




"Huy, baka mabali leeg mo kakahanap kay Tyrese" komento ng kakarating na is Rowan




"Tss" tanging naging reaction ni Aoki na ikinatawa naman ni Rowan






Si Tyrese naman ay kasalukuyang nakaharap ngayon sa salamin ng kanyang kwarto. Sinisipat niya ang kanyang sarili. Kanina pa siya panay ang tingin sa kanyang sarili. She was currently with Kim na ngayon ay nakaupo sa kanyang katre na nagbabasa sa kanyang cellphone ng wattpad at paminsan-minsan at tumitingin sa kanya para magbigay ng komento.



"Maganda ka na Cap" puna ni Kim sabay binaba ang kanyang cellphone at ipinasok sa kanyang shoulder bag na dala "Laglag pa nga na si Aoki sayo kaya tara na uy. Baka mamaya niyang mabasag ang salamin" 




Namumula namang napangiti si Tyrese sa sinabi ng kanyang kaibigan. Ito ang unang pagkakataon na nag-ayos siya ng bongga. "Tara na nga dami mong alam" tanging nasabi ng dalaga



"Sus kinilig naman ang aming Captain" panunukso pa ni Kim 



"Tse!" pabirong galit na sabi ni Tyrese sabay umirap




Napagkasunduan kasi nilang magsabay na. Alas sais kasi ng gabi gaganapin ang kanilang Christmas Party. Sinipat ni Tyrese ang orasan niya sa loob ng kanyang kwarto at saktong ala singko medya na kaya naman gumanyak na sila at lumabas sa kaniyang kwarto. Paglabas nila ay nakita nila ang kanyang mga magulang na inaayos ang mga daldalhin nilang pagkain. Isa rin iyon sa rason kung bakit nagpasama siya kay Kim dahil pinayagan daw itong magdala ng sasakyan. Dala-dala nila ang kanilang exchange gift pagkalabas sa kwarto

SHS Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)Where stories live. Discover now