Wala akong pasok dahil nga hindi nakakapagbayad sa tuition fee ko si mama.Grabe yung taas ng tuition fee ko kasalanan ko din naman dahil napabayaan ko na pag-aaral ko kakalaro.Sobrang disappointed ako sa sarili ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko.Parang sunod-sunod yung malas na dumadating pagkatapos makipaghiwalay sa akin ng Ex ko ilang buwan na rin akong nanahimik at inaabala ang sarili sa paglalaro at mga kaibigan.
Gumising ako para bumili ng ulam namin nakasanayan ko na ako gumagawa ng gawaing bahay dahil nga nag stop ako at wala naman ako magawa sa bahay.Lumabas ako na ako at nakita ko si Jayden na may kasamang babae maputi, 5'3 ang height,mahaba ang buhok at may bangs.Hindi naman kami close masyado ni Jayden kaya nginitian ko na lang siya.Hindi ko naman kilala yung babae siguro hindi yun taga dito sa lugar namin.
Tuwing linggo naman ay nasa church ako upang maglinis kapalit ng paglilinis ko ay binibigyan ako ng Pastor namin ng 200 pesos iniipon ko lang yung pera minsan nagagastos ko pag walang ulam na natitira para sa akin.Lagi ko naman kasama sila Drew dahil malapit ang bahay nila sa church at lagi akong nakatambay sa kanila.Minsan napapatingin ako sa kanila dalawa ng girlfriend niya eh hindi naman ako naiinggit kuntento na akong ganito pero sana gusto ko yung katulad ng relationship nila nagtutulungan sa isa't-isa antagal na nga nila eh tapos ako ito pinipilit mabuhay.Inaamin ko naman hindi ako matalino siguro nga din ay napabayaan ko na ang Sarili ko ng dahil sa sobrang paglilibang.
Lumipas ang mga araw ay nagkita kita kami magkakaibigan sa bahay ni Christian nakita ko naman si Jayden doon at dahil nga iisang circle lang ng friends kami.Tinanong ko si Jayden about dun sa girl na kasama niya.
"Sino yung kasama mong babae nung nakasalubong kita nung nakaraang araw?"pagtatanong ko sa kanya.
"Ah si Caroline ganda noh?! Kaso boring siya eh laging busy" parang naiinis niyang sabi.
"Nag-aaral kasi ng mabuti hindi katulad mo puro pambabae!"singit ni Christian
"Wow makapagsabi ka ng ganiyan parang hindi babaero ah!"pangdepensa naman ni Jayden.
"Alam nyo umiyak nga yun eh hiniwalayan ko na kasi may bago na akong girlfriend!" Sabi niya na parang proud pa siya sa sarili niya.
"Alam mo kung interesado ka sa kanya wala akong pakialam parehas naman kayong walang love life!"singit pa ni Jayden
"Hindi naman ako interesado pero mali talaga yung ginawa mo!."Nasabi kong naiinis Kay Jayden.
Nanahimik na lang silang dalawa at naglaro na lang sakto naman dumating si Drew.
"Naglalaro na naman kayo noh?! Tara Jogging bukas!"pag-aaya ni Dirk samin.
"Pass may date ako!'' sabi ni pagtanggi ni Jayden
"Oh kayo sasama?"tanong ulit no drew.
"Sige sama kami ni Rein wala naman kaming gagawin."pagpupumilit ni Christian na hinahawakan pa ako.
"Sige,sige agahan natin pangit kasi pag maaraw na!" Pagsang-ayon ko naman sa kanila
Pagkatapos namin maglaro ay umuwi na ako sa bahay.Agad ko naman binabad ang mga damit na puti para madali nang labhan dahil nga hindi kaya ni ate maglaba busy siya sa trabaho ay ako na lang ang nag-aasikaso sa gawaing bahay.
"Ate if magbabayad tayo ng tuition ko macocover nla yung 1st sem"sabi ko kay ate nageencode na sa laptop nya.
"Wala pa tayong pera kasi para dyan tapos si tita hindi pa nagpapadala"malungkot na sagot ni ate.
YOU ARE READING
Ethernal Sunshine
RomanceDespite their experiences of childhood traumas, broken hearts, past pains, and difficulties in life Caroline Cabrera, an English major at PLP, and Rein De Guzman, a Computer Engineering student at ICCT, have found ways to look beyond their misery. T...