tw // mentions of bullying
Dumidilim na ang kalangitan nang makita ni Tia ang magkapatid na nakaupo sa lilim ng matayog na puno. Mayroong bakanteng upuan sa pagitan ng dalawa na tila nagkakatuwaan sa pag-uusap. Unang napansin ni Tia ang tumakas na tawa sa labi ni Anselm. Kung titignan mo ang binata ay halos laging diretso ang mukha nito at walang bahid ng emosyon bukod sa salubong na kilay. Subalit sa tuwing nag-iisang kasama ang kapatid ay halos mapunit na ang kanyang labi sa ganda ng taglay niyang ngiti.
Ramdam ng nakatatanda ang paghaplos nito sakanyang kaloob-looban. Hindi makakaila na masungit ang chinito, ngunit isa siyang mapagmahal na kapatid. Gaano man kalayo ang distansya ay ramdam ni Tia ang pagmamahal na meron ang panganay para sa bunso.
"Tia!" Kumaway ang dalaga at sinundan ito ng tingin ni Anselm. Nang magtama ang kanilang mata, akala ni Tia ay mawawala na ang ngiti ng nakababata.
Akala niya itatago niya dahil may kasama ng iba. Akala niya ay babalik na siya sa pagiging masungit. Akala niya ay gaya pa rin ng dati.
"You're here," wika ni Anselm. Nakangiti. Mas lumawak kung titignang mabuti habang ang mga mata'y nakapako sa pares ng itim na bola ni Tia.
Halos huminto na ang oras sa pagitan nila bago maramdaman ang kabog sa dibdib ng bawat isa. Napangiti si Madi sa nakikita. Alam niyang magkakasundo ang dalawa dahil sa tagal ba naman niyang kasama ay alam na niya ang tipo nila. Hindi na niya kailangan pagurin ang sarili na pagtulakan sila sa isa't isa. Gagawa at gagawa ng paraan ang isa sakanila upang magkalapit. Hindi siya nabigo.
Hinila ni Anselm ang upuan sa tabi niya at tinapik 'yon. Nahihiyang umupo si Tia doon, "Salamat."
Tinanguan siya ni Anselm bago hinila ni Tia ang kanyang atensyon sa mga nais niyang ikwento. Tahimik lamang na nakikinig si Anselm. Minsan ay sumasali sa usapan, pero madalas ay hinahayaan niya na lamang na mag-usap ang dalawa. Gustuhin niya mang umalis ay ayaw pumayag ng kapatid.
"Natanong nga ako ng kuya mo kung paano mo ako nakilala." Napaangat ng tingin ang binata sa biglang saad ng katabi. Tinignan ni Madi ang nakatatandang kapatid, "Bakit hindi ako ang tinanong mo?!"
Nagkibit-balikat ang lalaki, "Baka hindi mo sagutin. Ayaw nga sabihin sa'kin ng best friend mo."
Dinaanan niya ng tingin si Tia bago umiwas na akala mo ay nagbibilang ng tupa sa langit. Natawa nang bahagya si Madi, "Nakilala ko siya noong Grade 11 ako."
Kumunot ang noo ni Anselm nang unti-unting pumasok sakanyang isip kung gaano na katagal, "Third year college siya noon..."
Tumango si Tia, nagmamatyag sa reaksyon ng binata. Umukit ang ngipin ni Madi sakanyang ibabang labi bago nagsalita ulit, "May nambully sa akin noon."
"What?" Salubong ang makakapal na kilay at matalim kung tumitig ang sumalubong sa dalawa. "What the fuck, Madi?"
Pinatong ni Tia ang kanyang kamay sa balikat ni Sunghoon upang pakalmahin ang nakababata. Kahit matagal na panahon na ang lumipas ay parang kahapon lang nangyari kung magalit ito. Hindi niya rin masisisi si Anselm. Halos protektahan na niya gamit ang buhay niya ang babaeng kapatid.
"Kuya... kalma. Wala na sila ngayon." Huminga nang malalim si Madi. "Noong oras na 'yon, pinagtanggol ako ni Tia. Simula no'n, lagi na niya akong sinasamahan sa tuwing vacant niya o kapag may oras siya. Baka kasi maulit. Naging gano'n ang setup namin hanggang sa naging magkaibigan na kami."
Binalot ang tatlo ng katahimikan. Ang dalawang magkaibigan ay parehong tinitimbang ang reaksyon ni Anselm. Tahimik lamang ito ngunit salubong pa rin ang kilay at mabilis ang paghinga. Hindi pa rin inaalis ni Tia ang kamay niya sa balikat ng nakababata.
Saglit siyang sinulyapan ni Anselm bago ito nagsalita, "I'm sorry you had to experience that and I didn't know."
"Hindi mo naman kasalanan! Bakit ka nag-sosorry!" Nakasimangot na ang dalaga. "Alam mo kuya, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapoprotektahan mo ako. Nandyan naman si Tia, pero gaya mo hindi niya rin ako mapoprotektahan palagi."
Inabot ni Madi ang kamay ng kanyang kuya at binalot ito ng kanyang maliliit na palad, "Okay lang 'yun, kuya. Gano'n talaga. Hihingi naman ako ng tulong kung kailangan ko ng proteksyon mo proteksyon niyo."
Isang malungkot na ngiti lamang ang sinukli ng nakatatandang kapatid. Inalis na ni Tia ang pagkakahawak sakanyang balikat. Kahit hindi sabihin ni Anselm, alam na ni Tia ang nararamdaman nito. May sakit dahil hindi niya naprotektahan ang kapatid. May pait dahil lumalaki na si Madi.
YOU ARE READING
dreamy and sparky
Teen Fictioneverything is chaotic when anselm is a "little" protective of his sister, madelice, whose best friend is salustiana. "...and every single time i run into your arms, i feel like i exist for love." an epistolary novel by twentyhendy