BestFriend

12 0 0
                                    

Si boy bestfriend na itago na lang natin sa pangalang "Nate"

Si girl bestfriend na itago na lang natin sa pangalang "Pauline"

At si extra na itago na lang natin sa pangalang "Chase"

Paano nga ba kung magka-gusto ka sa bestfriend mong babae pero may gusto naman siya sa bestfriend mong lalaki...sounds complicated right?

Si Pauline ay nagkagusto kay Chase oh no scratch that mahal niya na ito at sabi nito na mahal rin daw nya si Pauline...pero mukhang nagkamali siya..ginamit lang pala ito para sa magulang nito...sobra siyang nasaktan ngunit hindi niya ito mabitaw-bitawan...

Habang siya ay nasasaktan may lihim na nagbabantay sa kanya at yun ay si Nate bestfriend niya at bestfriend din ni Chase..wala siyang ka-alam-alam na may lihim na pagtingin sa kanya ang kaibigan pero di nagtagal ay umamin rin si Nate na may lihim siyang pagtingin kay Pauline..pero hindi niya magawang suklian ang pagmamahal na yun dahil hindi pa rin niya mabitawan si Chase..naintindihan naman iyon ni Nate at tinulungan si Pauline na hanapin ang kanyang kaligayahan

Sa tagal ng pagsasama ni Nate at Pauline ay hindi maiwasang madevelop ang feelings ni Pauline para kay Nate pero ayaw niya itong aminin sa sarili niya dahil hindi pa rin niya nabibitawan si Chase at ayaw niyang masira ang pagka-kaibigan nila ni Nate kung saka-sakali...sa kabilang banda ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ni Nate para kay Pauline ngunit siya ay nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba niya ang nararamdaman niya o isusuko na niya.

Ano na kaya ang mangyayari sa kanila??

Ano ang dapat gawin??

Una sa lahat ang maitutulong ko lang kay Pauline ay huwag siyang matakot sa maaring pwedeng mangyari...huwag siyang matakot sa consequences at huwag siyang matakot masaktan ulit...parte na ng pagmamahal ang sakit kaya hindi talaga maiiwasan pero yung sakit na yun..yun ang nagpapatibay sa nararamdaman ng isang tao at sa relasyon ng tao...nagsisilbing lesson rin ito sa isang tao para hindi na maulit ang minsan ng pagkakamali...huwag niyang hintayin na huli na ang lahat..baka siya rin ang magsisi...hindi niya tuluyang matatanggap si Nate sa buhay niya kung hindi pa rin niya nabibitawan si Chase

Para naman kay Nate..ay gawin niya kung ano yung makakapagpa-saya sa kanya..oo wala siyang assurance kung may pag-asa ba o wala..pero "Love is worth the wait" hindi ba..kung hindi man masuklian yung pagmamahal niya atleast napatunayan niyang malakas siya at totoo siyang nagmamahal..."Effort leads to a Good Ending" mas masarap sa pakiramdam ang makamit yung matagal mo ng iniintay kapag alam mong pinaghirapan mo talaga

Ayuuun lang :)) sana maayos na itonv problema na ito

Tandaan lagi

Magtira tayo kahit katiting na pagmamahal para sa sarili natin huwag puro sakripisyo

At huwag din sana nating kalimutan ang pagkakauba ng Fantasy sa Reality :))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Problems?? Share It :D (Random)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon