Prologue

15 1 0
                                    

"Doc, ano, nakita mo na ba 'yong sinend sa'yong email ni Lyka?"

Napahinto ako sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha sa tanong na iyon ni Yumi sa akin. Abala ako sa paghahanda papasok ng duty ko sa ospital. Bigla-biglang tumawag ang babae na 'to lalo na't hindi ako sanay na ibang topic ang pinag-uusapan namin.  Saka lamang  kasi ito nagpaparamdam kapag ganoon na may away sila ng mister niya. Ako pa naman ang ultimate advicer niyan kahit ako itong walang karanasan sa  love na 'yan.

"Sinong Lyka?"

Isinandal ko ang selpon ko sa may tumbler ko upang maipagpatuloy ang paglalagay ng kolorete sa mukha ko. Through video call ang tawag niya sa akin kaya kitang-kita niya ang ginagawa kong pag-aayos. Kitang-kita ko rin ang ginagawa niyang pagpapadede sa kanyang anak para makatulog ito.

"Gaga, edi 'yong batch valedictorian natin nong highschool."

Napaface palm ako nang mapagtanto kung sino 'yong Lyka na tinutukoy niya. Sa tagal naman kasi ng panahon matapos kong magtapos ng highschool, hindi ko na rin kilala kung sino-sino ang mga kabatchmates namin. Kung hindi ko pa makikita ang mga mukha nila ay hindi ko sila makikilala.

"Sus! Limot na limot mo 'yong ibang batchmates natin pero 'yong isa, sariwang-sariwa sa utak mo." Pambubuyo nito sa akin.

Napahinto muli ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko at tinitigan si Yumi sa may screen at parehas na kaming nakangiti. Sa lapad ng ngiti ko, nakatanggap pa ako ng malutong na mura sa kanya. Pinagdilatan ko naman siya dahil buhat-buhat niya 'yong anak niya.

Alam namin parehas kung sino 'yong taon 'yon. Aaminin ko, nakalimutan ko na ang mga pangalan ng mga batchmates namin nong highschool pero may bukod tangi akong inalaaala at itinamin sa puso't isip ko para hindi siya makalimutan.

"Nakangiti na naman ang babae. Sus! Moveon na. Hindi na 'yon babalik."

"Babalik 'yon, huwag mo kasing inuusog."

"Jusko! Linya mo na 'yan ng halos sampung taon, e, nasan na? Binalikan ka ba? Sa sobrang tagal mo ng nag-aantay, baka nga may asawa't anak na 'yon e."

Tinapunan ko ng masamang tingin si Yumi dahil hindi maganda sa pandinig ko ang sinabi niya.

"Alam mo ikaw, basher. Buti pa si Grasya supportive sa'kin."

"Paanong 'di supportive sa'yo e parehas kayong tanga pagdating sa pag-ibig."

"Hoy!" Pinagdilatan ko siya na may kasamang panduduro pa. "Baka nakakalimutan mong magmukha kang tanga na nag-antay  din kay Father ng ilang taon." Pambubuking ko sa kanya dahilan para matawa siya ng mahina.

"Bakla ka, tumigil ka nga, baka marinig ka ng mister ko." Pangsusuway niya sa akin na naging dahilan para mapatakip ako ng bibig ko.

"E ikaw naman kasi ang nauna e." Paninisi ko sa kanya.

"Oo na. O siya, icheck mo na 'yong email ni Lyka sa'yo ah? Tatawag nalang ulit ako mamaya." Pag-iiba nito sa usapan.

Napatango ako. "Okay, madam. Bye."

Matapos ang usapan naming iyon ni Yumi ay naghanda na ako papasok ng ospital. Inayos ko 'yong bag ko na dadalhin ko. Iyong inihanda kong baon ko ay inilagay ko na din sa bag ko. Naglagay ako ng pabango sa buo kong katawan bago tuluyang isinuot iyong white coat ko. Nang makasigurado na naihanda ko na lahat ay gumayak na ako papasok ng ospital.

Wala namang bago na nangyari sa buong duty ko kagaya ng nakasanayan ko. May mga patient akong binisita para tignan ang mga kalagayan nila. May dalawa akong inoperahan sa magkaibang disease issue. After ng ilang break, balik duty ulit pero hindi ko nakakalimutang icheck ang Facebook status ng taong hinihintay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since We Were Sixteen (Paghanga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon