Prolouge

20 2 2
                                    

Isa lang naman akong simpleng tao o isang simpleng babae. Ako kasi yung tipo na hindi maarteng manamit at pati na rin sa aking mukha ay hindi ako mahilig mag lagay ng mga kung ano ano. Ako yung tipong hindi marunong maglabas ng emosyon kapag may ibang tao. Feeling ko tuloy ay napaka weak kong tao. Tanggap ko nanaman na din sa saril ko yun eh. Ang lungkot lang kasi na yung tipong wala akong mapag sabihan tungkol sa mga problema ko kasi ako lang namann yung nag iisang anak nina mama at papa. Takot rin kasi talaga akong mag sabi ng mga problema sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam, pero hindi ko kasi talaga kaya. Pumapasok nga minsan sa utak ko na bakit kaya sila, na kaya nilang ishare yung mga problema nila sa mga kaibigan nila samantalang ako takot na takot akong mag sabi ng mga ganung bagay. Naiisip ko rin minsan na siguro, kaya hindi ko masabi ang mga iyon dahil nakakahiya lang na pandagdag lang ako sa mga problema nila. Ako kasi yung tipong kapag problema ko ay problema ko lang talaga.Pero nagpapasalamat parin talaga ako na may kaibigan ako, na kahit hindi ko naman nailalabas ang mga problema ko sa kanila ay sila parin yung dahilan kung bakit ako sumasaya paminsan minsan. Kapag kasama ko lang kasi sila ako nagiging masaya eh o di kaya kapag nasa school ako. Ewan ko rin kung bakit. Kapag kasi nasa bahay na ako, parang nawawasak kasi talaga yung kasiyahan ko eh. Pero hayaan mo na, siguro balang araw, maiintindihan ko rin itong sitwasyong ito. Alam ko naman na lahat ng mga pangyayari ay may dahilan.

I'm Corine delos Santos, 16 years old and I am a 4th year high school student.


"Emotions" by Erica_amber

EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon