Chapter 1: The Chapter Begins

10 2 2
                                    

FANY's POV

Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiing!

Agad kong pinatay ang aking alarm clock. Haaay, today is Monday and today, my chapter of being a 4th year high school student begins.

Kinuha ko ang aking tuwalya at tiyaka naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako, nagbihis, nagsuklay at kung ano ano pa. Bumaba naman agad ako sa baba para kumain ng pang almusal. Si mama yung nag hahanda ng aking pang almusal at paminsan minsan ay nilulutuan niya ako ng baon ko pero madalas talaga ay binibigyan niya lang ako ng pera para sa baon ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush ako at tiyaka nag paalam kay mama.

"Ma, alis na po ako" paalam ko kay mama. Binigyan naman ako ng pera ni mama para sa pamasahe ko at para na rin sa kakainin ko sa school. Medyo malapit lang naman yung school ko dito eh. Pwede pa namang malakad pero nagtatricycle talaga ako kapag pumapasok sa school kasi ayoko talagang malate.

Sumakay na ako ng tricycle dito sa subdivision namin. Ang astig lang isipin na mag cocollege ka na. Ambilis lang kasi talaga ng panahon. Kung dati, nene ka pa tas ngayon, medyo marunong ka ng mag ayos. Pero nakakalingkot rin na last school year ko na ngayon sa pagiging high school student, ibig sabihin ay matanda na talaga ako.

Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa school. Ok, this is it, papasok na talaga ako sa gate ng school namin. Pagpasok ko sa gate ay biglang may sumigaw.

"Fanny!" Tawag sa akin ng kalog kong kaibigan. Siya si Corine, ang bestfriend ko. Siya yung bestfriend kong sobrang kalog. Hahaha! She's my bestfriwnd since we were 1st year high school. New student kasi ako nun eh siya yung tumabi sakin at siya din yung pinaka una-unahang kumausap sakin nung mga panahong iyon. Super masaya siyang kasama at super good influence siya sakin.

"Ano ba yan, first day na first day, energetic na energetic tayo ah." Natatawa kong sabi kay Corine.

"Ano ka ba, di ka pa nasanay." Natatawa sin niyang sabi.

"Tatakbo ka ba bilang student council this school year?" Tanong sakin ni Corine.

"Wow ha! Ako pa talaga yung tinanong mo niyan ah. Siyempre hindi. Di naman ako mananalo niyan for sure kasi di naman ako famous dito eh. Kung ikaw siguro yung tatakbo eh may chance pa kasi marami ka namang kaclose dito dahil diyan sa kakalogan mo. Sali ka kaya?"

"What the!? Ayoko nga. Ayokong magkaroon ng maraming pimples dahil sa stress noh! Tiyaka duh? You know naman na kailangan nating i maintain yung grade natin kasi dun nakasalalay ang pagiging varsity natin." Yes, tama kayo ng rinig kay Corine, varsity nga. Varsity kami sa volleyball. Since 1st year ako naging varsity. Actually, di talaga sana ako mag ta-try out nung nagpa try out. Di kasi talaga ako mahilig sa mga sports pero wala eh, pinilit kasi ako ni Corine kaya ayun. Tiyaka nung nalaman ko na magkakaroon ka ng scholarship kapag varsity ka dito, ayun tinry kong mag try out. Buti nga natanggap ako eh. Ang saya lang isipin na pareho kami ni Corine na nasa top lagi. Yun kasi talaga yung goal naming magkakaibigan na makasama sa top. Madami kaming goals na mag bestfriend. Una na doon ay ang makasali kami kahit na sa nonorable mention man lang this school year, pangalawa naman ay angmakatapos sa pag aaral, at ang pangatlo ay iikutin namin ang buong mundo kapag may mga sweldo na kami. Well ganun kami.

Agad na kaming pumasok sa classroom namin. Maaga pa panaman kaya onti palang kami dito sa classroom. Lima palang kaming mga old students dito at may dalawang new student. Patuloy tuloy ang pag pasok ng mga kaklase namin dito sa classroom.

After 30 mins ay nag start na ang klase. Well, every first day of school kasi, di pa kami nag lelesson. Parang rule na kasi yan dito sa school na ito kaya di ko pa dinala yung mga books ko, isang notebook lang para sa mga reminders o ano pa yan. Nagpakilala na samin yung magiging adviser namin this school year. Siya din yung adviser namin last school year, siya ay si Ms. Montesor. Mabait siyang adviser at masayahing tao. Siya nga yung favorite teacher ko eh. Math teacher din siya namin.

So ayun, as usual, every first day of school ay nagpakilala isa-isa yung mga teachers at sinabi kung ano ang hawak nila na subject. Pina punta naman yung nga new students sa harapan para magpakilala. Pinapunta din naman kaming mga old students sa harap para magpakilala sa mga new teachers.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EmotionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon