JUSTIN'S POV
"Sabi na nga ba't dito kita matatagpuan." Ani ng lalake buhat sa aking likuran. Di ko man ito lingunin ay alam na alam ko na kung sino ang nagsalita. It's Josh Cullen Santos, my father's best friend. Ang taong umampon sakin nang mamatay ang tunay ko magulang.
"Tito Dad, ikaw po pala. Kanina pa po ba kayo?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago ako humarap sa kanya.
"Nope, kadarating ko lang. Are you okay?" May pag-aalalang tanong nito. "Bat pa nga ba ako nagtatanong, of course you're not. Pumupunta ka lang naman dito tuwing malungkot ka."
Yeah, it's true.
My father's grave ang tanging takbuhan ko tuwing may problema ako. Dito kasi ay napapayapa ako. Sa tuwing umiiyak ako o di ka kaya ay problemado, pag di ko na talaga kaya ang bigat na nararamdaman ko, dito at dito pa rin ako dinadala ng mga paa ko.
"I saw him." Panimula ko. "I saw my other dad. His so happy na parang walang anak na nasasaktan."
"Don't tell me pumunta ka." He said. Hindi ako sumagot. "I told you Jah na wag na wag mo syang pupuntahan. Masasaktan ka lang. He's happy now with his wife and kids. He doesn't know you."
"Wala ba talaga akong karapatan? Nawala na nga sakin si Papa pati ba naman sya? Sana pala namatay na lang ako noon kasama si Papa, or di kaya ay di na lang nila ko ginawa." Di ko mapigilan na mapaluha. Today is my birthday, dapat masaya ako pero di ko magawang mag celebrate dahil ito rin ang araw ng kamatayan ng tatay ko, si Stellvester Ajero. Namatay sya pagkatapos nya kong maisilang, from there ay si Tito Dad na ang nag-alaga sa akin. Tinuring nya ako na parang tunay nyang anak pero di nya pinagkait sakin ang katotohanan tungkol sa tunay kong pagkatao.
Nagpapasalamat ako sa pag aaruga na binibigay nya sakin pero di ko maalis sa aking sarili ang kakulangan sa aring buhay.
May butas sa aking puso na kahit anong bigay na pagmamahal ni Tito Dad ay hindi nito iyon mapunuan.
Lumapit sakin si Tito Dad at ikinulong ako nito sa kanyang mga yakap. Kung sana ay hindi ko na lang nalaman kung sino ba ang tunay kong ama, kung sana ay nakuntento na lang ako sa pagmamahal at pag-aalala ni Tito Dad at ni Tito lolo eh di sana ay hindi na ko nasasaktan pa.
Sa kagustuhan kong mapunuan ang butas sa aking puso ay hinanap ko sya, pero nang makita ko sya ay masayang masaya ito sa piling ng kanyang pamilya.
Sino ako para guluhin sya diba? Isa lang akong pagkakamali na pinagsaluhan ng aking mga magulang na piniling ibaon na lang sa limot. Not knowing na nasasaktan at naghahanap rin ng pagmamahal at pag-aaruga mula sa tunay nitong magulang.
⌚
JOSH'S POV
It's hard for me na makitang nasasaktan si Justin. Hindi man ito nagmula sa akin ay hindi ko ito itinuring na iba. Minahal ko ito na parang tunay kong anak.
18 years old lang si Stell noon nang mabuntis ito kay Justin. Tinakwil ito ng kanyang mga magulang nang malaman ng mga ito na nagdadalang tao si Stell. Puro paghihirap at sama ng loob lang ang natanggap ni Stell ng mga panahon na yun kaya naman naging maselan para dito ang pagbuntis.
Nag part-time job si Stell non para buhayin ang sarili, at saksi ako kung ilang beses umiyak ang best friend ko sa hirap na dinaranas nito.
Hindi mayaman sila Stell kaya naman hindi na rin ito nag aksaya ng panahon na humingi ng tulong sa mga magulang lalo't sya lang naman talaga ang bumubuhay sa sarili nito at nagpapaaral din sa kanya. Kung minsan pa nga ay sya pa ang nagpapadala ng pera sa kanyang pamilya at nang mabuntis nga ito at itinakwil agad sya ng mga ito.
YOU ARE READING
La Familia (JahStellJun AU)
FanfictionJahStellJun Story A story of a family na never nabuo. Pero what if bigyan ka ni God ng chance para makilala ang parents mo sa past? Igagrab mo ba yung chance Or mananatili ka na lang sa future? Pero what if mapakialaman mo yung past at mabago mo i...