Chapter 4

211 20 20
                                        

Chapter 4

Nang tumunog ang alarm ko ay kaagad kong binuksan ang mga mata ko, bumangon at tsaka pinatay ang cellphone. Nakita ko sa orasan ng cellphone ko na alas kwatro pa pala ng umaga. Kahit na antok pa ako ay pinilit kong tumayo mula sa kama. Kinusot ko ang mga mata ko at tsaka pinatay ang aircon gamit ng remote control na nakalagay sa tabi ng lampshade. Pagkatapos no'n ay napaupo ako ulit sa kama.

I suddenly reminisced all things that happened yesterday. Now, this marks as the first day that I'll be living here in this mansion to pay the debt of my parents. Also, I remembered all the things that Apollo and Edevane had said to me, and all that I said towards them. And that fucking scandal with Edevane and the house-helper.

Napasapo ako sa ulo ko. Kung bangungot lang 'to, sana naman gumising na ako. Dahil ayaw ko na.

Sinubukan kong sampalih at kurutin ang sarili ko para malaman kung binabangungot ba ako o hindi. Pero sa kasamaang palad, hindi. I'm not dreaming. That means, everything that's been happening lately, are real. Fuck.

"Damn it." Was all that I said. Hindi pala talaga ako nananaginip.

I gritted my teeth and I punched the matress. Gusto ko nang mamatay. Gusto ko nang lumisan sa mundong ito at manirahan sa lugar na payapa at walang problema. Ginagawa nalang kasi akong punching bag ng mundo.

Lahat nalang, sa'kin sinisisi. Parang ako nalang ang nagbubuwis ng buhay ko para kargahin ang isang toneladang krus papunta sa lugar na hindi ko alam. Sa'kin nalang pinapaubaya ang lahat ng mga mabibigat na bagay na dapat ang ibang tao mismo ang nagbubuhat.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Baka ito na siguro ang buhay ko hanggang sa tumanda ako at lumisan sa mundong ito. Baka ito na siguro ang kapalaran ko—ang maging si Cinderella, habambuhay.

Pero baka pwede ko pang mabago ang buhay ko. Baka pwede ko pang mabago ang kapalaran ko. I just need to sacrifice, work hard, pray, have faith and believe. Life is vast and long—although it won't last for eternity. Sigurado akong marami pang mga bagay ang hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. And I believe that what I'm expecting will just come into my life in the future. I'm sure of that.

Sa ngayon, kailangan muna nating magpakumbaba at magtiis. Baka hindi pa ito ang tamang panahon para maranasan ko kung pano maging masaya. Tama. Baka hindi pa ito ang panahon ko para madama ko ang kasarinlan at kapayapaan.

I'll make my phone wallpaper my motivation everyday, dahil naniniwala ako na iyon ang mensaheng natanggap ko mula sa panginoon.

"Okay. Then let's do this." I said to myself.

Pagkatapos no'n ay tumayo ulit ako sa kama at tsaka pumunta sa loob ng banyo. Pagkapasok ko ay bumulagta sa'kin ang lamig na nangagaling sa aircon. Tumingin ako sa kanang bahagi ng eleganteng banyo at nakita ko do'n ang isang wall-mounted na airconditioner.

Nakakagulat, pati pala ang banyo nila may aircon rin. I guess they're really that rich para magkaroon ng aircon sa loob ng banyo. Biglang napadako ang tingin ko sa kabuuan ng banyo. Malawak siya at malaki, pero hindi naman sing laki ng ballroom. Tama-tama lang. Saklaw nito ang isang magaramg sink na may mga kagamitan kagaya ng deodorant, iba't ibang klase ng pabango, mga facial wash and creams, at mga pulbo.

Sa itaas no'n ay isang bathroom rack kung sa'n ay nakalagay do'n ang mga towel. Kumuha ako ng isa at hinubad ko ang suot kong damit at nilagay ko sa rounded shaped na sink. Do' ko lang na realize na wala pala akong maipapalit na suot. Anong gagawin ko? Pa'no ko magpapakita do'n kung wala akong masusuot? Tangina, ang galing rin ng tadhana, ginagawa akong tanga.

the tune of usWhere stories live. Discover now