Momma im scared...

56 1 1
                                    

Isa akong single mom.

Kami lang ng anak ko ang magkasama ngayon.

Buntis palang ako nung namatay ang asawa ko. Dahil sa isang malubhang sakit.

Pero hindi naman nakulangan sa pagmamahal ang nag iisang anak kong si pixie.

Nagluluto ako para sa dinner namin ng anak ko. Habang siya naglalaro doon sa kwarto niya.

"Anak kakain na tayo" pagtawag ko sakanya. Pero hindi siya sumagot kaya pinuntahan ko nalang sa kwarto niya.

Nakita ko siyang naglalaro ng lutulutuan. Nakakatuwa siyang panoorin, napaka saya, napaka inosente.

"Baby it's time to eat na." Tapos tumayo na siya at nagpakarga sakin.

"Mommy what's for dinner po?"

"I cooked some sinigang for you baby! Diba it's your favorite?"

"No mommy! I like adobo kaya"

Ikinagulat ko naman yung sagot niya kaya nagtataka akong tumingin sakanya.

"Im just joking mommy hahaha" tumawa ako tapos inupo ko na siya at nilagyan ng bib.

Tahimik lang siyang kumakain. Nakakapanibago kase madalas siyang maingay at magulo. Pero okay na toh at least hindi ko siya sinasaway.

Habang kumakain kami may narinig akong kumalabog sa kwarto niya kaya tumayo ako para icheck yun.

Pagpasok ko wala naman akong nakitang natumba o nahulog. Siguro sa kapit bahay yun.

Bumalik na ko sa dining para tapusin yung pag kain.

Pagbalik ko tapos nang kumain si pixie. Ang galing naman naubos niya

"Mommy look! Simot sarap!"

"Woooow! Ang galing naman ng baby ko! Hmmmm. Do you want ice cream for dessert?"

"Waaaaaah yes mommy! I want cookies and cream huh."

"Sure thing baby let me just finish my food okay?"

"But mommy i want it now!"

"No baby your just gonna have to wait for mommy. Mabilis lang naman."

Hindi na siya umimik kaya inupo ko na siya at nagpatuloy sa pagkain.

Tinitignan niya lang ako ng masama kaya binilisan ko na ang pagkain at nagligpit na.

Pagkaligpit kinuha ko na yung ice cream.

Nagulat ako nung wala na si pixie sa dining table namin.

Narinig kong kumalabog yung pintuan ng kwarto niya kaya pinuntahan ko na siya dun.

Nagtampo nanaman. Hay nako..

Bubuksan ko na sana yung pinto kaso naka lock.

"Pixie. Open the door! Baby mommy's sorry na tara na your ice cream is gonna melt na"

Hindi parin siya sumasagot kaya kinatok ko lang siya ng kinatok.

"Pixie....."

"Baby...."

"Im getting angry na.."

"Pix-"

"Mommy im right here!"

halos mapatalon ako sa gulat nung kinalabit ako ni pixie.

Teka kung nandito si pixie.. S-sino y-yung nasa....

"Mommy why do you keep on calling me there ba? Naihi po ako kaya nag cr lang."

Nag cr siya? Eh s-sino...

"Mommy? Helloo?"

"Uhm. Baby akala ko kasi kwarto mo yung kumalabog. But baby why is your room locked?"

"Huh? Mommy it's not my room. And hindi po siya locked kaya! Look."

Nabuksan nga... P-pero naka lock yan kanina eh...

"Mom guniguni mo lang po yan! Lets eat our ice cream na."

Siguro nga guniguni ko lang...

"Oo nga baby... Let's go"

Kumain na kami habang nanonood ng TV.

Pagkatapos kumain binihisan ko na siya kasi matutulog na.

After she kissed me goodnight she ran up to her room.kaya ako naman ang nag ready para matulog.

Before i slept nag check muna ko ng emails galing sa mga clients.

"MOMMYYYYYYYYYYYY!!! AHHHHHHH!!!"

Aw sht. Ano nangyare!? Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kwarto ni pixie. Nakita ko siyang nakahiga at nakatalukbong ng kumot.

"Baby what happened to you!?"

"Mom someone's in my closet."

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Nanginginig ako sa takot....

Kahit takot na takot pinuntahan ko yung closet niya at dahan dahang binuksan at nagulat ako sa nakita ko.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
S-si Pixie
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mommy may batang kamukha ko na nakahiga sa kama.."

-----------
DyosangAuthorsNote:
Okaaaaay ang cornyyyy hahahahahahahahahaha.
1st story po kaya pagbigyan niyo na huhu :( xD
Kamsahamnidaaaa ~~~

Momma im scared - [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon