"Ang dami mo namang papers sa table mo, ma'am Rivera." sambit ng aking kapwa guro.
"Why? dadagdagan mo?"
Tumawa ito
"Actually, babasahin at pipirmahan mo lang naman ito, ma'am."
"Sir, Manuel. Parehas lang naman yan sa ginagawa ko ngayon. Basa, pirma, basa, and pirma." ibinaba ko ang ballpen at tumingin sakaniya.
"Magugustuhan mo ito, ma'am. siyaka approved na ito ng principal."
"Ano ba iyan?" inilahad ko ang aking kamay kay sir Manuel at sinenyasan na iabot sa akin ang paper na kawak niya .
Lumiwanag ang mukha nito "Here, ma'am."
"THE. BIG. MAIN. CELEBRATION" dahan-dahan ko itong binasa
Sa pangalan pa lang ng event ay nakuha na ang interes ko.
Binasa ko ng maigi ang first page hanggang second page ng papel.
Nakakapag taka naman, nung nag aral ako rito ay wala namang Foundation Day, at parang napakalaking budget ang ilalabas sa event na ito.
"So, you want me to be your co-host in this event?" I asked him.
"Actually, the school wants you to be one of the host" pag papaliwanag nito.
"Wait, pipirmahan ko ito. But I have a question."
"Go a head, ma'am. " ngumiti lang ito
"Parang ang laki naman ng event na ito? Kakayanin ba ng school ang ganitong event?"
"Ahh, nag donate po ng pera ang magulang ng mga student leaders natin, ma'am."
Napangiti ako sa sinabi nito, paano kaya kung nagampanan ko ang pagiging presidente ko sa student council noon?
"At aksidenteng nabasa rin po ito ng isa sa mga stake holders natin, interesado raw po siya at nag donate rin ng malaking pera."
"Okay okay. Hanggang kailan ba ito kailangan?"
"until tomorrow, ma'am" agarang sagot nito
"Okay, I think, I cannot sign it today because I have a lot of papers on my table" tinapik ko ang mga papel ko na nasa ibabaw ng table ko "but tomorrow, I'll give this to you straight away."
Tumango ito at ngumiti.
"Thank you, ma'am!" lumabas na ito ng faculty
"Hindi ko alam kung teacher pa ba ako o ano. Ang daming pinapagawa sakin, buti kung bawat pirma ko rito ay may nalabas na pera." reklamo ko sa aking sarili.
Nakakapagod maging teacher, kaya bilib din ako sa mga kapwa guro ko dahil kahit na napaka hirap ng trabaho namin ay hindi pa rin sila nasuko.
May mga iilang nag punta na ng ibang bansa para don na mag turo, pero hindi ko sila masisisi. Bukod sa napaka hirap ng trabaho namin ay ang liit din ng sahod.
Bandang alas sais ng gabi ay natapos na ako kaka basa at kaka pirma. Kinuha ko ang proposal sakin ni sir Manuel at isinama ito sa akin.
Nag da-drive na ako ngayon papunta sa aking café restaurant.
Naalala ko, 2 years ago ay sobrang hirap na hirap ako sa pag papatakbo ng negosyo habang nag tuturo pero ngayon ay parang tambayan ko nalang ang aking sariling resto. Ang dating 1 story na resto ko ay may 2nd floor na ngayon.
Napangiti ako nang bumungad sa akin ang matagal kong pinaghirapan na resto
Chapter Café-Restaurant
YOU ARE READING
Leading With Love(Student Leaders Series#1)
Teen FictionCelene Elouegh Rivera is a Humanities and Social Sciences student. She is a great student and used to be a student leader in their school, but she stopped being what she used to. But everything changed when the T.I.N.D.I.G. Partylist came into her l...