Hate at first sight.
That was what I felt when I first saw him. Una ko siyang nakita sa school, marami akong dalang libro at dahil sa katangahan niya, nakagkabanggaan kami at nahulog lahat ng dala ko. Mula noon, sobrang init na ng ulo ko sa kanya. Sobrang antipatiko rin kase ng gago.
Ngayon naman, tinapakan niya ang puting sapatos ko at tinapunan pa ng kape ang uniporme ko.
"Aray, ano ba?" Singhal ko sa lalaking nakabangga sa'kin. Ang init pa ng kapeng natapon sa damit ko, lumusot ang init papunta sa balat ko. Hindi ko man makita pero sigurado akong namumula na ito.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi kase tumitingin sa dinadaanan." His voice was masculine. But unlike other girls who would blush when they hear him, what I felt was only irritation.
Naiinis ako sa paraan niya ng pagsasabi. Para bang pinapahiwatig na ako ang may kasalanan. Ang kapal ng mukha.
Inirapan ko siya. "Kung tumingin ka sa dinadaanan mo, ikaw mismo ang iiwas. Edi sana hindi tayo nagkabanggaan." Pinanliitan ko siya ng mata, "unless gusto mo lang talagang magpapansin sakin kaya you intentionally bumped me. Pangalawa na ito. Crush mo siguro ako 'no?"
"Delusional." That's the only word I heard from him before he walked pass by me. Walang lingon-lingong umalis siya.
Inis naman akong napapadyak. Wala na akong klase kaya pwede na umuwi pero may gala pa sana kami ng mga kaibigan ko. Paano ako gagala kung ganito karumi ang suot ko? Kung uuwi naman ako, paniguradong tatamarin na akong lumabas ulit.
"Nakakairita ka, Miyoshi Levian! Umuwi ka sanang gutom at hindi ka natirhan ng pagkain." Naiiyak na napababa ang tingin ko sa suot ko. Ano na ang gagawin ko?
"Girl, anong binubulong-bulong mo riyan?" I jumped out in shock when someone spoke beside me, sinisilip kung anong ginagawa ko.
"Rayezel, ano ba!? 'Wag ka nga bigla biglang susulpot!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Sa tuwing makikita ko ang babaeng ito, para akong aatakihin sa puso. Kung hindi kase siya bigla biglang susulpot, bigla bigla namang mawawala. Hindi ko alam kung kabute ba siya sa nakaraang buhay niya o ano.
Tinignan niya ako from head to toe. "And what happened to you? Gaga ka, iniwan lang kita sandali tapos pagkakita ko ulit sayo mukha ka nang batang hamog." Inamoy pa ako ng gaga.
"Shut up!" I rolled my eyes. Kung hindi ba naman isa't kalahating tanga ang lalaking 'yon, hindi naman sana magkakaganito. Malinis pa sana ako ngayon at hindi mukhang 'batang hamog'.
"Do you have extra shirt?" I fished out my panyo at pinunasan ang basa kong shirt.
She stared at me before answering, "I don't. I suggest you go home and change. Sumunod ka nalang samin."
Once again, I rolled my eyes. I don't want to go home. Napaka-hassle kung uuwi pa ako tapos aalis na naman ulit. Tamad akong tao kaya hindi ko gustong magpabalikbalik.
I was about to answer her but someone cleared their throat. Lumingon ako at nakita ko ang taong nakasira ng araw ko. I couldn't count kung ilang beses na ako umirap sa araw na ito.
Napansin kong may hawak siyang tela. Wait, is that a shirt? Parang puting damit nga. Is that for me? Nakonsensiya ba siya kaya siya bumalik para bigyan ako ng pamalit? He isn't that bad, huh?
"Para sakin ba 'yan?" Tinuro ko ang damit na hawak niya. "Buti naman nakonsensiya ka sa pagsira ng araw ko. Give me that para makapagpalit na ako." Inilahad ko ang kamay ko, naghihintay na ibigay niya sa akin ang damit.
He looked at me, amused. He chuckled a bit bago sumagot. "Delulu talaga. Miss, hindi 'to para sayo. Pinadala lang 'to sakin ng kaibigan ko. At bakit naman kita bibigyan ng pamalit kung kasalanan mo naman? Sino ka ba?"
Did I say that he's not that bad? Pwes, binabawi ko na! Nakakairita talaga itong lalaking ito, ang sarap i-lechon!
I glared at him. Siguro kung mamamatay tao lang ako, kanina pa 'to nakabulagta. Nakakaubos ng pasensiya, walangya.
"Then why are you here? Bakit ka bumalik? Sabihin mo, nahihiya ka lang kase crush mo ako kaya mo tinatanggi na para sakin yan." Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
Dahil sa tahimik ng paligid ay tila lumakas ng mga boses namin. Ang iba ay napapatingin na sa direksyon namin. Para tuloy kaming artista na pinagtitinginan. Though wala akong pake kase hindi naman ako nag-e-eskandalo. Sadyang nonchalant lang talaga ang mga tao kaya sobrang tahimik dito.
"I came back for this." Yumuko siya at may kinuha sa lapag. Ipinakita niya sakin ang pinulot niyang puting panyo sa lapag. Nabahiran na ito ng dumi dahil nga nasa lapag na.
I heard some murmurs at doon ko lang naalala na marami palang nakarinig sa pinagsasasabi ko. My eyes widen at that realization. Shuta, nakakahiya!
"Nasobrahan ka ata sa pagiging delusional mo, Miss. Hinay hinay lang. Baka ikaw talaga ang may gusto sa'kin, ha? Wag ka na mahiya, umamin ka na. Binabaliktad mo pa para mapansin kita eh." Ngumisi siya. I'm telling you, ang sarap lakumutin ng mukha niya para lang mawala ang ngisi niya.
"Hindi kita crush-" He cut me off, he fucking cut me off!
"Sus, wag ka na magkunwari, Miss. Single naman ako eh, hindi lang kita gusto." Wtf? The audacity of this man!
Wala akong masabi sa kakapalan ng mukha niya. Mas makapal pa sa Shree Haricharitramrut Sagar.
"As if naman gusto kita!" Sobrang lapit na maubos ang pasensiya ko. Konti nalang talaga, ihahampas ko na talaga ang hawak na libro ni Raye.
"Okay. Kunwari hindi ko alam na nagpapapansin ka talaga sa'kin. Kunwari ka pang galit ka pero ang totoo, tuwang-tuwa ka at kilig na kilig na nalapitan mo ako." Umakto siyang parang pumapagpag ng dumi sa balikat niya. "Kalma ako lang to." He proudly said.
Saan niya kaya nakukuha ang lakas ng loob at kakapalan ng mukha niya? Pinaglihi ata 'to sa hangin ng nanay niya.
Actually, gwapo naman talaga siya. Moreno siya, he has back hair and dark brown tantalizing eyes. He also has high nose brige and a think pinkish lips. He has a body na parang laging tambay sa gym. He's not that hunk, tama lang para sa edad namin. He's not patpatin at all. Kung hindi lang siguro niya sinira ang araw ko, magiging crush ko sana siya. Kung sa ibang pagkakataon lang kami nagkita. Pero wag nalang pala, hindi ko din magugustuhan ang ugali.
Sa lahat ng tao, siya lang ang bukod tanging nakaka-ubos ng pasensiya ko in less than an hour.
I look at him boredly. Magsasalita pa ulit sana siya pero inunahan ko na siya.
"Paghilom oy. Lami kaayo paslakag baki imong baba." I said nonchalantly.
YOU ARE READING
Collecting Teardrops
Teen FictionMiyoshi panget. Written in Filipino-English language. (Taglish) Date Started: July 17, 2024 Date Finished: