𝟎𝟑

50 7 0
                                        

Habang wala pa ang pangatlong prof namin ay sinusubukan naman na taposin ng iba ang kanilang mga plates na patapos na rin. Kami naman ni Daniela ay nag chikahan muna dahil tapos na kami sa aming plates at nung dumating na ang prof ay napatigil ang lahat at bumalik na sa kaniya-kaniyang upuan.

Akala nga ng iba naming kaklase ay kailangan na talagang ipasa. Nakaginhawa naman sila nung binigyan pa sila ng pagkakataon na taposin at pagandahin pa ang kanilang plates. Bukas nalang daw ang ipasa at nung nagtanong ako kung pwede bang magpasa na ang mga tapos na ay tumango naman ang prof at sinabing sa office nalang daw niya ipasa.

Nasira daw kasi ang kaniyang laptop at computer lang ng school muna ang ginagamit niya. e-make sure lang daw namin na nasa USB na. Buti nga ay pinag consult lang ang iba ngayong araw para siguraduhing ginagawa nila ang kanilang plates saka na umalis ang prof.

Nagpasiya kami ni Daniela na mag pasa nalang before kami mag lunch para wala na kaming p-problemahin kapag kakain na. Hindi rin namin kasama si Patricia ngayon dahil absent ito ngayon. Nilagnat daw kasi.

Malayo-layo nga ang office nila ma'am Lotte sa building namin at kailangan pa naming daanan ang building ng maritime at engineering. Kaya habang naglalakad kami ay nag ayos ako ng buhok at hindi mapigilang tignan ang bawat sulok ng hallways. Ewan ko. Kahit anong gawin kong pag limot at iwas sa kaniya hindi parin talaga uubra.

Naka lagpas na kami sa maritime at nasa engineering building na kami pero hanggang sa ma tapos na naming baklasin ang building ay wala 'yong hinahanap ko.

"Naka busangot kapa. Alam kong si Nereus hinahanap mo," napatingin ako ni Daniela at saka hinawakan ang braso ng babae.

"Hah?!" gulat kong pahayag. "Hindi, ah! Imbento ka"

Tinaasan niya lang ako ng kilay sa pahayag. Hindi ba nila alam na may girlfriend na si Nereus?

Pumasok na kami sa office ni ma'am Lotte at na datnan ang prof na kumakain ng lunch.

"I'm sorry to interrupt your lunchtime ma'am. We just wanna submit our..." hindi na kami pinatapos ng prof.

"Yeah, No problem girls..."

bahagya siyang tumigil sa pagkain at tumayo para kunin ang USB namin. Nagpasalamat muna kami saka na nag paalam sa prof. Pareho kaming napahinga nang malalim ni Daniela nung nakalabas na kami sa office. At nag apir pa talaga sa tuwa.

Binabaklas namin ang hallway ng engineering nang may nakita akong grupo ng mga babae sa gilid ng isang classroom. Lima sila at wala akong ka alam-alam kung ano 'yon at dinaanan lang namin.

Dalawang hakbang lang ang layo namin sa grupong iyon nang hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga tawa nila. Para bang kami ang tinatawanan nila dahil nung dumaan kami ay pinasadahan nila kami ng tingin.

"Yuck..." mahinang saad ng isa sa kanila na sinundan ng tawa.

Hindi naman ito nakaligtas sa pandinig namin. Huminto ako sa paglalakad at ganun na rin si Daniela na mas na una lang sa akin nang kaunti. Nilingon ko ang mga babae na nasa kaliwang bahagi namin. Nasa kaliwa ko rin si Daniela. Nakatingin sa amin ang mga babae na parang nandidiri ito sa amin ngunit may kaunting ngisi naman sa mukha nito.

I saw Daniela's puzzled face bago ako tumingin sa mga babae. Nagkasalubong ang mga kilay kong tinatanaw sila. Bahagya kong inayos ang salamin sa mga mata.

"Excuse me?" I asked with a calm tone voice. Pero kita naman ang kunting pagkainis sa mukha ko. Itinaas ng isang babae ang mga kilay "Kami ba ang tinutukoy niyo?"

Tumawa uli ang isa sa kanila saka nag salita "ay hindi ba obvious?" ngisi at sarkastikong saad nito na naglagay na talaga ng inis sa mukha ko. Tumingin ako uli sa babaeng kasama ko at pinasadahan ko ito ng tingin. Nakita ko ang medyo pulang mantsa sa puwetang bahagi ni Daniela.

Mending the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon