My world sank.
Napaluhod ako at nahulog yung dala kong cake para kay Mama. Wala na, wala na yung munting pangarap ko na sana maayos pa ang pamilya ko, na sana magiging okay yung mga magulang ko.
Iyak ako ng iyak sa harapan ng mga aunties & uncles ko.
I don't know anong nangyari doon sa dala kong cake kanina dahil nagising nalang ako kinagabihan at narinig si Mama na may katawagan.
Wala ba siyang pagsisisi sa nangyari? Is she happy that he broke my dad's heart? Is she contented sa mga nangyari saming pamilya?
I don't know the answer. And the moment that I will know her answer kung bakit nagawa niya yun, alam kong masasaktan parin ako.
Nag-aaral parin naman ako, pero tila ba na wala na akong gustong patunayan. Kuntento na ako maging top 2 at top 1 naman si Mierre. She was the top 2 when we were in elementary but I think ngayon na yung time niya to shine talaga, she came from the family of educators and singers.
Dumating na ako sa punto na tinatanggap ko na unti unti na hindi na ako babalik siguro sa dating sigla na nakasanayan. Tapos na siguro ang mga araw na yun.
My bond with Maureen became strong, lagi na kaming magkasama, lagi na kaming magkatabi sa klase.
Pumasok na yung teacher namin sa Math at may recitations kami.
Lahat ng hindi makakasagot ay tatayo sa upuan, at makakaupo ka lang kung tama na yung sagot mo.
At isa ako sa nakatayo, ako na palaging best in Math, ako na always perfect ang quizzes sa math at halos ma perfect ko na ang mga exams sa math.
Nakakatawa ako, sobrang nakakatawa na nakakahiya when everyone stared at me after I failed to answer that one question about math dynamics.
Kahit si Mierre napatayo ng teacher namin, atleast almost sa class nakatayo, I sighed.
Nang naawa yung teacher namin samin, pina upo niya na kami at nagturo nalang ng lessons niya.
December came and family day na. Nasa sulok lang ako kasama si Mama, everyone is happy with their moms & dads, ngumingiti naman ako pero deep inside nawawasak ako, nawawasak ako dahil ito yung unang family day na hindi ko kasama si Dada. Tuwing may nagtatanong kung nasaan si Papa, sinasagot ko nalang na nasa trabaho.
Mama lang din ni Maureen yung kasama niya kasi nasa laot daw ang step-dad niya. Kahit sa family day, the same parin kami ng status ni Maureen, kaya siguro.
Valentine's Day when someone gave me a letter and a flower, it was from Sivan our Principal's son. Grade 10 na siya at alam yun ng buong faculty sa school na gusto niya ako, ewan ko ba do'n.
Pagkauwi ko sa bahay, walang tao kasi nasa ospital na si Mama, manganganak na yata siya.
Inayos ko lang ang mga gamit ko at nag study na kasi malapit na ang finals.
February 15 naipanganak na si Ean sa mundo, my baby brother looks so fine pagka dating nila sa bahay after a week.
Ang saya saya ko nung naiuwi na siya, I want to cuddle him everyday kaso hindi pa pwede dahil sensitive pa daw siya masyado. I read his birth certificate and glad that my surname and his is the same. Si Dada din yung tatay na nakalagay, I smiled.
Una si Sivan na naging boyfriend ko sa high school, okay naman siya, laging nagpapadala ng letters at flowers. And we broke up bago pa ako mag grade nine.
Nang nasa junior high na kami, Ecoh came back, classmate namin noong grade seven at naging close ni Haf sa klase pero nag transfer ng school when we were in grade eight. Ewan ko ba bakit dikit ng dikit siya sakin.
"Ako na ang boy bestfriend mo ha?", bigla niyang sinabi sakin sa canteen.
"At bakit naman?", tanong ko sa kanya. "Wala lang, gusto ko lang", sagot niya naman.
Ecoh is our guidance counselor's son. Mahilig sa music at arts, gusto niya pa nga maging si Ranz Kyle kuno ng Chicser kaya yung buhok niya amoy gatsby palagi para daw maayos niya ma design.
"Bakit hindi na kayo close ni Haf?, tanong ko sa kanya. "He's a bully", Ecoh answered.
At nalaman ko nalang na dahil lang pala yun sa sugat ni Ecoh sa ulo na dala ng gupit niya, dalawa yung sugat niya sa ulo na may scars na ngayon. Pinagtawanan raw siya ni Haf noon, sinasabihan na, "Hahaha ah dalawa yung lungsod niya sa ulo", kwento niya sakin.
Lumaki na yung circle of friends ko, nag transfer din si Laurence sa ibang school, wala na akong kasama sa badminton sport. She's very good at it kasi ang tangkad niya rin eh. I became friends with Jasmin also, classmate ni Maureen sa elementary noon.
Audrey invited me to a friendly game against our seniors, she plays badminton in singles also. Sa singles din ako pero minsan nag do-doubles kasama si Laurence but I guess si Audrey na ang magiging kasama ko.
"Congratulations!", everyone is cheering for us including Ecoh na may mga props pang dala.
Kumain lang kami sandali sa canteen at naghanap na ng trycicle na papayag na pagkasyahin kami nina Mierre, Audrey, Francin, Marie, Yuvia para maihatid namin una si Maureen. Anim lang kasi dapat ang sasakay eh kaso si Maureen kawawa walang kasama pauwi sa kanila. We don't live in the same baranggay kasi.
"Mauuna po si Maureen, manong", sabi ko sa driver ng trycicle. Pinagkasya nalang namin si Yuvia sa likod at pina upo sa mga legs namin kasi siya yung pinaka maliit samin at pinaka payat.
Enjoy na enjoy kami tutuwing hinahatid namin si Maureen sa bahay nila kasi aside sa may signal sa kanila, malapit lang din sila sa dagat nakatira.
Pagka dating namin sa kanila, pinakain muna kami kasama yung driver.
Eto kasi yung maganda sa friendship namin eh, kahit na minsan hirap na hirap na sa mga buhay, nagawa parin talaga namin mag saya bilang mga bata at estudyante.
How I wish ganito nalang palagi. Dinadasal ko araw-araw na habang buhay na kaming ganito kasi hindi ko yata kakayanin na wala ang mga ito sa buhay ko.
They are now my happy pills.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
His First but not His Last (new version)
Подростковая литератураShe was his ultimate crush and became his first love, first kiss, and the first woman he hurt the most. Panahon nga naman, hindi natin malalaman kung ano ang sasalubong sa atin kinabukasan. Bukas na hindi na pala ikaw ang mahal niya, hindi na pala i...