Chapter 1 : La Sinfonia

64 28 111
                                    

SAMARA FAYE
POINT OF VIEW

  

"Are you done picking the flower that you like?"

Tumingin ako kay Theodore na nakatayo ngayon sa gilid ko. Hinapit niya ang bewang ko tsaka ako pinasadahan ng mga halik sa iba't ibang parte ng mukha ko.

"Love! Ano ba!" Tumawa ako habang pinipigilan siya sa ginagawa sa akin.

Nakakakiliti kaya!

"Ang ganda rito, mahal," nag-inat ako ng braso at humikab.

Ala sais pa lang ng umaga at kakagising lang namin. Alanganin ang pagdating namin ni Theo rito sa La Sinfonia para pumili ng bulaklak para sa kasal namin.

Naramdaman kong pumulupot ang bisig niya sa akin mula sa likod ko.

"Malapit na, mahal," bulong ni Theo sa akin matapos akong halikan sa balikat. "Magiging asawa na kita."

I chuckled remembering what happened to both of us before.

"Akalain mo 'yon, ano?" Humarap ako sa kaniya, nakayakap kami sa isa't isa. "Magiging asawa ko ang kidnapper ko?"

Tumawa kaming dalawa.

"You seduced me, Samara," ngumisi siya sa akin.

"Kapal ng mukha, ha!" Tinulak ko si Theo papalayo sa akin.

Seduced daw?! Akala mo kung sinong pogi! Pero pogi naman talaga kaso makapal lang ang mukha!

Tumawa si Theo, "bakit hindi ba?" pa simple niyang hinawakan ang leeg niya kung saan ko siya hinalikan noong nasa dagat kami.

"Doon ka nga!"

I walked out, pero tinatago ko ang ngiti sa labi ko. Manuyo ka ngayon! Makasabi ng gano'n eh bumigay naman siya.

"Samara, come on! Ang pikon," pang aasar niya.

Wow, ha. Wow lang talaga. Ang lakas lakas na ng loob gumanito sa akin ngayon?

Humarap ako sa kaniya, muntikan pa akong mauntog sa dibdib niya.

"Ako? Pikon? Ha, pikon?" Inirapan ko siya. Naghahanap yata 'to ng away, ah? "Eh, sino kaya rito 'yung galit na galit nung may kahalikan ako sa cubicle ng bar niya?" pagganti ko.

"Ah, ganiyan, Samara?"

Nagpamewang pa talaga ang lalaki na 'to sa akin! Akala mo hindi makisig at nonchalant kapag kaharap trabahador niya tapos babakla bakla naman sa harapan ko.

"Oo, bakit?"  Tinaasan ko siya ng kilay at tumingkayad para magpantay ang mukha namin pero hindi ko pa rin siya mapantayan, bakit ba ang tangkad ng lalaking 'to?

"A-Ahhh!" Akala ko matutumba ako dahil na out of balance ako pero sinalo ni Theo ang likod ko, laking gulat ko lang na mismong pang upo ko ang hawak hawak niya, talagang pinisil pa!

"Bitaw!" galit na saad ko sa kaniya, ngingisi ngisi pa ang lalaki na 'to.

"Ayoko, lambot lambot," tumawa siya at pinisil nanaman ng dalawang beses.

The Emitted Rays of Tomorrow (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon