Simula

9 0 0
                                    

Nandito ako sa loob ng kwarto ko ngayun, Simula nang mawala si Daddy. Hindi parin ako bumalik sa pag aartista.

May 1 month narin na wala akong ginawa kundi dito lang tumunganga madalas.

Hindi rin pumayag si Kuya na umuwi na ako sa condo ko baka daw ano gawin ko sa buhay ko.

Hanggang ngayun, hindi ko alam kung paano ko ulit sisimulan yung buhay ko. Kinakapa kapa ko pa kung kakayanin ko ba lahat.

"I missed you so much, Daddy" I whispered. Wala na akong maiyak, wala na akong mailabas pa.

Pinili ko nalamang mag isa kaysa makipagsalamuha sa mga tao.

Hindi ko muna tinuloy ang pag Artista ko, nagpahinga na muna ako. Kahit papaano hindi naman nakalimot ang team ko, palagi parin nila ako Kinakamusta.

Hindi ko alam na ganun na pala ako katagal na nakatulala dahil hindi ko namalayan na nandito na si Mommy sa Tabi ko.

"Anak.... pumasok na ako kanina pa kita tinatawag hmm Halika na kain na tayo." Mom said.

Ramdam ko rin na bumabawi saakin si Mommy at Kuya, dahil sa hindi nila pag sabi sakin sa kalagayan ni Daddy.

Naiintindihan ko naman sila, kung ako din siguro yung nasabihan ni Daddy. Baka ganun din yung gagawin ko.

"Anak" pagtatawag ni mommy sa atensyon ko.. "Halika na, sabay kana samin ng Kuya mo." Dagdag niya

Wala kayang trabaho yung isang yun, at parati ko nalang siya nakikita dito sa bahay.

O baka dahil pag lumabas na ko ng kwarto ko ay gabi na.

Palaging nangungulit ang gawain niya sa loob na pag stay ko dito sa bahay ulit.

"Sunod nalang po ako." Sabi ko kay mommy.

Hinintay ko siya magsalita ulit, dahil pag tatanggi ako mangungulit lang ulit si mommy. Kaso si Kuya ang narinig ko na nagsalita.

"Baby, Halika na kain na tayo." Kuya Isarael said. Kaya pala hindi na ako kinulit ni mom, kasi nandito narin si kuya.

"Wala akong gana Kuya." I said, hindi ko siya nagawang lingunin nakatuon na ang atensyon ko sa isang frame kung nasaan ang picture namin ni Daddy.

Eto nanaman yung luha ko, akala ko ba ubos na to bakit eto nanaman..

"Baby" pagtatawag ng atensyon ni Kuya saakin, kaya lumingon na ako.

Yung luha ko na nagbabandya kanina, napalitan ng inis dahil ayaw ko na tinatawag ako ni kuya ng "baby" ang cringe.

"Kuya..." may bahid na inis sa tono na ko. Agad naman siya lumapit sakin para yakapin ako.

Sumabat naman si Mommy saamin. "Wag mo simulan kapatid mo Israel, Hali na kayo at kakain na tayo." She said at tumayo na.

Tipid na ngumiti saakin si Mommy at hinalikan niya yung noo ko, tsaka pismpleng kinurot si kuya. Natawa naman si Kuya doon.

Nauna nang bumaba saamin si Mommy, tumayo narin ako para mag ayos. Hanggat nandito yung mokong na to mangungulit din naman.

Nagulat ako dahil sa pagyakap sakin ni Kuya.

"Isabella...Miss ko na yung masayahin na kapatid ko." He said nang kumalas siya sa yakap namin.

Tinulak ko naman siya dahil sobrang lapit niya sakin at inabot ko yung phone ko na nasa table ko katabi nang ipad at laptop ko.

Tsaka ako bumaimg sakanya"Yuck Kuya, ang tapang ng pabango mo." Sabi ko sakanya.

Tinawanan niya lang ako sa sinabi ko na yun at inaya niya na ako bumaba.

Pinagmasdan ko si Kuya, mukhang may trabaho siya ngayun. Nakabihis siya maging si Mommy kanina.

Embracing New Chapter After LossWhere stories live. Discover now