HTWOTS 1

21 2 0
                                    

HTWOTS 1

Harboring the Warmth of the Sun.




"Hindi namin kilala 'yan.." sabay na sabi ng magkapatid na Padua, umiiling at nakaporma nang ekis ang mga braso. Tumaas ang sulok nang labi ko sa ginawa nilang 'yon atsaka sila matalim na tinignan.

Mga walanghiya! Harap-harapan talaga nila akong dineny!

Pero kung ako rin naman sila, 'yan din ang gagawin ko. Kahiya-hiya naman talaga 'tong pinagsasabi ko. Mabuti na lang ay makapal nang kaunti ang pagmumukha ko kaya heto, bumuboses ako.

Muli akong tumingin sa gwapong nilalang na nasa harapan ko. Nagningning na naman ang mga mata ko.

Nakakastarstruck talaga ang kanyang angking kakisigan!

"Gusto mo bang ako na lang pumalit sa aso mo?" Malapad akong nakangiti habang inuulit 'yong tanong ko. Wala kasi siyang naging reaksyon kanina kaya inisip ko na baka hindi niya narinig.

Nagpungay pa ako nang mga mata. Tinodo ko na ang pagpapacute para naman mapansin niya ako. Dahil kapansin-pansin naman talaga ang ganda ko!

Pero ang lalaki, seryoso pa rin ang mukha. Kumunot pa nga ang noo niya na para bang naweweirduhan siya sa mga pinagsasabi at pinagagawa ko. Hindi ba ako cute sa paningin niya? Bakit feeling ko nandidiri siya sa pagbebeautiful eyes ko? O baka naman kinikilig siya at defense mechanism lang niya 'yang pagkunot-kunot ng noo? Sana 'yong huli ang tama!

"Ayoko. Hindi mo mapapalitan 'yong aso ko." seryoso niyang utas.

Napalunok ako—ang manly ng boses niya! At parang may kung anong hagod 'yong pananalita niya. 'Yong tipong kapag narinig mo 'to sa unang beses ay mapapahawak ka nang mahigpit sa garter ng panty mo dahil baka malaglag.

"Then, I volunteer to become your dog.."  matapang kong sabi.

"Hindi talaga namin kilala 'yan," muli akong itinanggi ni Millen nang marinig ang sinabi ko bago hinila paalis ang kapatid niyang natatawa.

Oo, mabuti 'yan! Mabuting lumayas sila para kami lang ang maiwan dito para naman makapagsolo kami. We need our own space para makapagmoment kami.

Pinanood lang sila ng lalaking nasa harapan ko bago niya ako tapunan nang tingin. Bakit naman ganyan? Kinikilig ako kahit ang lamig nang pagtingin niya sa akin? Para kasing tumatagos 'to sa aking kalamnan at buto-buto. Nakakapanginig nang kilig!

"Miss.." bigkas niya, nakatingin sa mga mata ko.

"Yes, mister... ko?" Para na siguro akong loka-loka sa lawak nang pagkakangiti ko.

"Hindi mo ako mister," umawang ang labi ko sa bagsik nang pananalita niya. He's too straightforward! Kung akala niya masasaktan ako—aba, hindi! Mas lalo pa akong humanga sa kanya. Oo na, crush ko na siya kahit ngayon ko lang siya nakita. Ganito kasing lalaki 'yong tipo ko. 'Yong seryoso sa buhay tapos masungit.

Kumbaga, challenging pero yummy!

"Ngayon, hindi. Pero pagdating nang panahon, magiging mister din kita.." sagot ko.

"Hindi 'yon mangyayari." Walang gana niyang sagot, binabalewala 'yong sinabi ko.

Tumaas ang sulok nang labi ko dahil tinanggihan na naman niya ako. He is indirectly rejecting me! Kainis! Bukod sa hindi tanggap ng ego ko na hindi tumatalab sa kanya ang panglalandi ko ay masakit din na tuldukan na niya 'yong hinaharap! Ang sakit naman niyang mangreject, ni hindi man lang ako binigyan nang pagkakataon na maipakita ko sa kanya ang charms ko!

Mas masakit pa yata 'to kaysa 'yong sinabi ni Tolkien na hindi niya gusto!

Pero hindi ako susuko 'no!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Harboring the Warmth of the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon