Chapter 42: The Secrets and Confrontations

19 11 0
                                    

Third Person's POV

Sa gitna ng gabi ay namayani ang katahimikan. Maririnig lamang ang malalim na paghinga ng bawat naruon sa gitna ng kanina ay magulong laban. Nakatitig ang mga naruon sa mga katawan ng kalaban na wala ng mga buhay. Ang ilan sa kanilang mga napaslang ay hindi naglaho. Bagamat nalusaw ang mga ito, mayroon pa rin ang naiwan.

Nilingon ni Lynx ang lugar ni Norn. Nakita niya itong naglalakad palapit sa water cocoon na kinalalagyan ni Eos. Hinawakan ito ng dalaga. Sumunod naman si Misha na hindi mo rin mababasa ang ekspresyon sa mukha na siyang humawak sa balikat ni Norn bago sila maglahong tatlo.

Hindi naman nawala ang titig nila sa pwesto nito kanina. Subalit ang katahimikang iyon ay hindi nagtagal ng isa-isang dumating ang mga Exi Archés na bigla na lamang lumitaw. Lumapit ang mga ito sa headmaster na naruon.

“What happened here?” Kaagad na tanong ni Astera D'Alia. Ang deity mula sa Prásiros kingdom at nagbibigay basbas sa kanilang agrikultura. Ang kaharian na pinagmulan ni Princess Nalani East.

“Bakit ngayon lang kayo nakarating? Ang daming sumugod dito! Batalyon ng mga halimaw ang kinalaban namin.” Tugon ng Headmaster. Nagpalinga-linga naman sa paligid ang mga Archés.

“Mukha ngang ganun ang nangyari. Pero Skargo, hindi lamang dito kundi sa ibang bayan rin. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil duon. Pinaghati-hatian namin ang mga bayan na aming poprotektahan.”  Pag-amin naman ni Julius Hackler. Isang deity na may kakayahang magpaulan at namamalagi sa Psithyroi kingdom. Ang kaharian na pinagmulan ni Princess Syria Brandel.

“Maging sa ibang bayan? Akala ko ay sa isang lugar lamang lumilitaw ang sakuna. Mukhang sa pagtagal ng panahon ay sa paglala rin ng mga ito. What scares me is the fact that the d*mon that should appear the exact time as the phenomenon ended never showed up. I don't think we can fight against to powerful enemies.” Anang headmaster at umigting ang mga panga.

Nakakaramdam na siya ng pagkabalisa. Ang katotohanang wala siyang nalalaman sa kung ano ba ang nangyayari ay isa sa ikinababahala niya. Sa katunayan ay lahat sila. Natatakot sa paparating na bagay na hindi nila malaman kung kailan darating. Hinihiling nila na sana ay hindi ito sa panahong hindi sila handa.

“Let's talk about this after we clean up this mess.”  Wika naman ni Princess Calliope Netherdane na diring-diri sa nakikita niya. Siya ay nagmula sa Págos kingdom. Kapatid nito ang reyna duon na siyang naging tagapagmana ng kaharian. Pamangkin niya si Princess Gisheia.

“Kami na ang bahala rito at asikasuhin mo ang mga istudyante mo.” Matapos sabihin iyon ay lumisan na si Prince Calvert Slander na nagmula sa Potia Kingdoms, patungo sa mga katawang nagkalat ruon.

Ang tiyuhin ni Princess Cosima Gaccione sa kaniyang ina. Si Calvert ay bunso kaya ang kaniyang ate, na ina ni Cosima, ang naging reyna ng kaharian.

“What a mess....” mahinang bulong naman ni Finral Pleonsé. Ang orakulo ng hari ng Alogaira. Ang Alogaira Kingdom ay ang pinagmulan ng kambal na prinsipe, si Prinsipe Koa at Prinsipe Cole.

Nagsilisan na rin naman ang iba pang mga Archés at namaalam sa Headmaster. Nais na rin sanang umalis nito nang lumapit naman sa kaniya si professor Valerie sa napakabilis nitong kilos, kakayahan nga ng bampira.

“Headmaster, there is an urgent matter you have to see. I already ordered the Alpha Centauri knights to help here. Ganun din naman ang sinabi ko sa Canopus knights. May mas importante kang dapat gawin.” anito sa kaniya.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon