"Mayaaaa! ano hindi kapa babangon dyan! inuutusan pa kitang mamalengke!"wala nakong nagawa at bumangon na dahil narinig kona ang putak ng nanay ko
"Magandang umaga sa nanay kong chismos--aray ang aga aga maa nananakit ka"nakanguso kong sabi at himas himas ang tagiliran kong kinurit nya
"Batang to talaga"parang naiistres nyang sabi kay lalo akong napanguso"Sya kumain kana bago kapa tanghaliin sa pupuntahan mo..punta lang ako sa ninang mo at nagpapatulong sa gagawing pinindot"mahabang litanya nya at sya narin ang kumuha ng plato
"Ikaw ma hindi kapa kakain? sayang yang kaseksihan mo kapag namayat ka"biro kong muli kaya nakatanggap na nman ng hampas mula sa kanya
"kumain kana lang dyang bata ka kung ayaw mong madagdagan yang kurit ko syo at sya nga pala sabihin mo kay priston bigyan ng painum ng mga manok"huling sabi nya at lumabas na ng bahay
Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula ng kumain ng mabilis at naligo na ng saglit kaya saktong labas ko ng banyo ay nakita ko si ton in short sa priston
"Oy ton-ton napainum mona ga ang mga manok?"bungad ko kaya nman napatingin sya saakin
galing sya sa pangungumpay dahil may alaga kaming isang baka"Oo nman te kanina pa"saad nya habang nag aalis ng bota
"sige mag ayos ka ng damit mo at magpapahatid ako sayo sa kanto"agad kong sabi at umalis sa harapan nya para magbihis
"Ate mayaa!tara na may pupuntahan parin ako!"rinig kong sigaw nya sa labas
"Dahan lang sa pagmamaneho wagkang kaskasero hindi sayo ang daan"Paalala ko sa kanya bago umandar sya nmang ikinatango
pagdating namin sa kanto sakto nmang may dadaang jeep kaya dali dali akong bumaba sa kanya at kumaway sa jeep
"Mag chachat ako sayo ah pag pauwi nako!"habol kong sabi sa kanya bago pa umandar ang jeep
Pagdating ko sa palengke ay agad kong hinanap ang mga dapat kong bilhin
tiningnan kong muli ang listahan kong dala
Kamatis
Itlog na maalat
Repolyo
Sibuyas
Bawang
Paminta
Yan lang ang bibilihin ko sa palengke at yung iba nman ay sa IMART na
"Ganda anong hanap?"
"Ganda bili kana dito"
"Bili kana ganda"
"Nay magkano dito sa Kamatis?"tanong ko medyo may katandaang babae habang hinihimas ang mga kamatis
"Mamili ka muna nak at kikiluhin ko"nakangiti nyang sabi at titig na titig sa mukha ko kaya medyo naiilabg ako sa kanya
nang makapili ako ay ay binigay ko agad sa kanya
"kwarenta'y sinko nak pero kwarenta nlang ibigay mo maganda ka nman"Nahihiya pakong iabot sa kanya ang pera at pakamot kamot pa ng ulo kahit hindi nman nangangati
bakit ba eh nahihiya ako eh
"Nay sakin din porty nlang tutal gwapo nman ako"biglang salita ng lalaking pinaglihi sa hangin ksya napatigil yung ale sa pag kuha ng perang isusukli sakin at sabay taas ng mga kilay nya
"Naku berto tigil tigilan moko sa paiging mahangin mo at naasiwa ako sa mukha mo"mataray nyang saad at tumingin sakin"nak ito na sukli mo salamat"nakangiti at iniabot sakin ang sukli kaya nagpasamat nman ako