Otso

14 1 0
                                    

Ito tulala iniinisip sya--char lang nawalan tlaga ako ng enerhiya sa pagsasagot ng mga quiz kanina

Tapos eto ako ngayon mag isang nasa library kunyaring nag rereview pero tulala lang na nakatingin sa libro

kung itatanong nyo kung nasan yung apat ewan kodin basta kona lang sila tinakasan

Ramdam kong may umupo sa unahan ng table kung san ako nakaupo ngayon hindi kona lang pinagtuunan ng pansin

Pinagmasdan kona lang ang mga larawan ng mga ibon dito sa libro at hinahanap ang katulad ni pau para hindi ko sya mamiss ng sobra pero sa totoo lang miss kona sya huhu gusto kunang umuwe

Bakit ganon parang pamilyar yung amoy nitong kaharap ko yung amoy na nakaka adik tas gusto mona lang itabi sa kama at amuyin magdamag

Pagbaba ko ng libro ganon nlang ang gulat ko ng bumungad saakin ang mala marian rivera nyang mata at parang Kathryn bernardo ang ngiti

Lord sinusundo nyo naba ako?kung Oo, sana pakisama ng angel sa unahan ko

"Baka matunaw ako nyan"agad akong napaiwas ng tingin sa sinabi nya at ramdam kona namng umiinit ang dalawa kong tenga

Lord ano na naman tong nangyayari sakin! arrghhh kasalanan to nung apat na tukmol eh!

"Mahilig ka pala sa ibon?"tanong nya sakin kaya agad akong napa angat ng tingin sya nman ay nakatingin sa librong hawak ko

Nginitian kolang sya ng slight pero lumabas parin ang dalawa kong lubog na dimple"Hindi naman po masyado,konti lang"nakangiti kong sagot at medyo naiilang dahil titig n titig sya sakin

"Kayo poba?"tanong kodin agad nman syang umiling"Hindi ako mahilig sa ibon,pero alam mo kung san ako mahilig?"bahagya pang napa taas ang kaliwa kong kilay

"Sa tahong"

nagsalalubong ang dalwa kong kilay sa sinabi nya sya nman ay tumawa ng mahinhin at bahagya pang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kanang kamay

"Bat nman po napunta sa tahong ang usapan?"Maang kong tanong

"Sa lahat ng lamang dagat tahong ang pinaka favorite kong kainin"agad nman akong napalunok ng sariling laway sa sinabi nya

Tahong talaga??eh yun nga yung pinaka ayokong pagkain na lamang dagat pag nakakakita palang ako ng shell nun parang sumasama na ang timpla ng bibig ko

"Eh sa mga animal poba mayhilig kayo?"pag iiba ko ng tanong

"Yes,mahilig ako sa snake hindi sa taong snake"napa maang naman ako sa sinabi nya habang sya ay mahinhin paring tumatawa

"I'm joking Ms.Pascual masyado ka dyang seryoso"natatawa parin nyang pahayag at bahaya pang naiiling

Sa dami ng pedeng kahiligan sa ahas pa talaga?katakot naman

Pero inferness ang sarap nyang titigan habang tumatawa dahil sa sarili nyang kalokohan

cute nyang pagmasdan

Napansin nya yatang nakatitig lang ako sa kanya kaya bahagya syang napa ayos at sabay tikhim pero hindi parin nawawala ang ngiting nakakatunaw nya

"By the way may lahing ibang bansa kaba?ang ganda kasi ng face mo"agad nman akong napailing sanay nako sa tanung nayan

"Nope po pure Pilipino po ang mga magulang ko..siguro maayos lang ang pagkakagawa ni Papa kaya ganto kaganda ang--"hindi kona natapos ang pagsasalita ng tumawa na nman sya habang takip ng kamay ang mukha

Buti nalng nas pinaka dulo kami ng library kung hindi kanina pa kaming naka alis dito

Lagi nila akong tinatawanan pag ganyan yung sagot ko,wala nman mali

PROMISEWhere stories live. Discover now