PROLOGUE

15 0 0
                                    

DISCLAIMER: this story is a work of fiction. Unless otherwise indicated all the names, character, business, places, events and incidents in this books are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental

•••

“Nakaka stress yung mga workers sa Antipolo” Sabi ni Raine pagka pasok niya sa office ko.


“Bakit?” Tanong ko habang nag babasa ng mga papers.


“Hindi nila sinusunod yung sukat, yung hagdan tabingi tapos hindi pantay pantay yung pagkaka lagay ng mga hallow blocks” Stress na sabi niya.


“Nasan ba yung mga engineer?” Tanong ko at tinignan siya. Naka simangot siya at halatang na sstress.


“Wala, sabi ng ibang workers dun umalis daw sila”  Umirap si Raine.


“Ha? may tatlong engineer naka assign dun. Lahat sila umaalis?” I curiously asked.




“Yes, dapat bago sila umalis chineck muna nila yung project.” Naiinis na sabi ni Raine.


“I open nalang natin yan mamaya sa meeting.” Kalmadong sabi ko. Kung sinabayan ko kasi siyang magalit baka lalaki yung gulo.May meeting kasi kami mamayang 2 PM.


Inabutan ko siya ng tubig at pina upo siya sa sofa.



“Punta muna ako sa office ko” Sabi ni Raine at umalis. 



Natapos ko na yung design ng Bahay kaya kailangan kong i-meet yung mag asawa na nag papagawa ng bahay.



“Can you get my purse on the car?” Sabi ko sa Secretary ko at binigay sakanya yung susi ng kotse. Tumango naman siya at pumunta sa parking lot.



Nasa Cafe na daw sila kaya inaayos ko na yung gamit ko bago ako umalis sa office. Nakasalubong ko yung secretary ko kaya kinuha ko nalang sakanya yung purse ko. Walking distance lang naman yung cafe kaya nilakad ko nalang. Wala na ding gas yung kotse ko at malayo yung gasoline station dito.






Pagka pasok ko sa Cafe at nakita ko silang dalawa sa pinaka dulong table. Inaasar ni Mr. Villareal yung asawa niya at halata namang pikon.




Sana ganyan din ako kasaya kapag kinasal na ako.



Ayaw ko pa sana silang istorbohin kaso kailangan dahil kailangan ko pang bisitahin yung project sa tagaytay.



“Hi” Bati ko sakanila.




“Hello, good morning Architect ” Bati ni Mrs. Villareal saakin at ngumiti.




Umorder lang ako ng Strawberry Milkshake bago umupo. Nilabas ko yung Ipad ko at pinakita sakanila yung design. Approved naman sakanila yung design kaya baka next week masisimulan na yung project.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon