LOLO? LOLA?
(SOMEONE POV)
"Franco, kailangan na natin syang dalhin dun. Kumikilos na sila, para hanapin at kunin sya. Mas ligtas sya doon kumpara dito"seryosong turan ng aking asawa.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa kalangitaan.Nakatanggap kami ng balita mula kay master na kumikilos na ang mga nasa kabilang panig.
Masyado pa syang bata para dalhin doon, hindi pa lumalabas ang mga abilidad nya.Masyado pang maaga.
"Hindi pa ito ang tamang oras Linda"
"Ito na ang tamang oras Franco! Hindi ko hahayaang may mangyaring masama pa sa kanya! Kaya sa lalong madaling panahon, kailangan na natin syang dalhin doon!"galit nyang turan sakin.
Naiintindihan ko sya ngunit masyado pang maaga.Wala na akong nagawa kundi pumayag, dahil sa ikakabuti naman nya ito.
"Bukas ng umaga, dun natin sya pasekretong dadalhin sa lugar na iyon"
*****
"SO ARE YOU a prince or what?"kuryusong tanong ko sa kumag na serino.
Ala-una na ng madaling araw ngunit nandito parin ako sa lawa, alam kong kanina pa sya naiinis sa presensya ko ang serino nato pero wala akong pake.
"Yeah, prinsipe ng dagat as you can see"ang plain naman nito sumagot, kala mo naman nabibili laway nya.Amp.
"K, fine."
Naiinis ako kasi hindi ko na naenjoy yung paligid, ayaw pa kasi umalis nitong kumag nato.Kala mo naman makukuha ko yung lawa at mananakaw kung makabantay sa bawat kilos ko.I mentally rolled my eyes.Ugh, nakakaasar.
"What's your name anyway?"bigla nitong tanong.
"Yiee, gusto malaman name ko.Sabi na e, interesado ka sakin.Ikaw ha, kaya pala ansungit sungit mo yun pala crush moko hmm"panunukso ko ngunit seryoso lang ito.Bat ang unfair, ampogi nya parin kahit nakasimangot.Hustisya po.Kapag ako nakasimangot para nakong nanakawan ng ilang ginto e, hindi maipinta yung itsura.Hay.
"Assuming"
"Edi wow! Anyway I am HELL CLARA, you can call me hell or clara. Kahit ano, or pwede din namang love or mine ganun, bahala kana kung anong mas prefer mo"pakilala ko dito.
Naramdaman kong natigilan ito.
"Hell?"tawag nito.
"Bakit?"
"Hell??"ulit pa nya kaya nangunot ang aking noo.
"Bakit nga?!"medyo inis ko ng tanong .Paulit -ulit kasi.
He gulped and cleared his throat.
"I mean hell is your name? Is that your real name or not?"animo'y hindi sya naniniwalang hell ang aking pangalan.
Hindi ko napigilang umirap sa kanya."Paulit-ulit tayo? HELL nga po H.E.L.L po okay? Mukha bang HOLE? HOLY? ganun? amp, naistress ako sayong kumag ka, e ikaw ano ba name mo?"balik kong tanong.
Hindi ito sumagot, nakatingin lang ito sa kawalan animo'y may malalim na iniisip.
"Wag mo sabihing, natatakot ka sa pangalan ko? Hoy, hindi naman ako mangkukulam or hindi naman kita dadalhin sa impyerno porket hell pangalan ko no! Sa ganda kong ito? Hell lang name ko pero angHELL talaga ako haha corny pero atleast maganda"diko alam kung may sense pa pinagsasabi ko pero bahala na, ganun talaga ako wala tayong magagawa.Wag na kayo pumalag, ako na to e.
YOU ARE READING
THE HIDDEN ACADEMY (School of Enchanters)
FantasyShe was adopted. She's so loving and kind. Innocent but dangerous. Funny but when she becomes serious you'd better to shut your mouth up. Don't you ever think to try to hurt her love ones or else you'll see how hell it was. She's HELL CLARA, ang bab...