6. My Sweet Girl

630 27 5
                                    

Naunang nagising si Yoko kay Faye. Nakayakap siya rito. Nanatili muna siya sa pagkakayakap at ninanamnam ang pakiramdam non. Nakayapos din kasi ito sa baywang niya at napakasarap sa pakiramdam.

Nang makontento na sa kakatitig sa asawa ay dahan-dahan na niyang inalis ang braso nito mula sa baywang niya , Ngunit nagising ito dahil doon.

"Good morning.'' Bati niya kasabay ng isang napakatamis na ngiti sa mga labi.

Waring natulala naman ito habang nakatitig lang sa kanya bago nagawang sumagot.

"Good morning , bakit maaga ka yatang nagising ngayon?''

"Masarap kasing magpahangin sa hardin ngayon . Preskong-presko pa .''Pagsisinungaling niya. Ang totoo ay maghahanda siya ng almusal nito kaya gumigising siya nang maaga .

"Okay.''

Akmang babangon na si Faye kaya mabilis niya itong ginawaran ng halik sa mga labi . Inunahan na rin niya itong bumangon para bumaba at magpunta sa kusina.

Pagdating niya sa Kusina ay naroon na si Manang Mercedes.

"Goodmorning po, Ma'am.'' Bati nito sa kanya.

"Good morning din po Manang. Wag nyo na po akong tawaging Ma'am, nakakahiya naman po para ko na rin kayong ina eh.''

"Kung ganon ay ikaw ang bahala hija. Ang bait mo talaga.''

Nginitian ito ni Yoko pagkatapos ay nagsangag na siya ng kanin na nilagyan niya ng tocino , hipon at itlog. Nagluto na rin siya ng cornsoup para mainitan ang sikmura ni Faye. Nang maihanda na niya ang mesa sa tulong ni Manang Mercedes ay umupo na siya at hinintay ang asawa. Hindi naman nagtagal ay bumaba na rin ito .

"Kain na kayo, Ma'am Faye. Masarap po iyang sinangag na ko.'' ani Manang Mercedes. tulad ng napag-usapan ay inaako nito ang paghahanda ng agahan.

Umupo nga si Faye at nagsimula nang kumain. Magkasabay na silang dalawa. Ngunit  panaka-naka ay sinusulyapan niya ang asawa at masayang-masaya siya dahil nakapagana nitong kumain.

"wow, Manang! ang sasarap po yata ng mga iniluluto ninyo nitong mga nakaraang araw, ah!Ano po bang inspirasyon natin?'' tanong ni Faye habang hawak-hawak ang tiyan nito tanda ng kabusugan.

"Ginaganahan lang po akong magluto Ma'am Faye, papano bukod sa inyo ay panay rin po ang paghimok sakin ni Yoko na magluto." nakangiting sagot nito.

"Mabuti naman po kung ganoon, paano alis na po ako." anito habang papunta sa sala para kunin ang kanyang gamit.

Sinundan ni Yoko si Faye para ihatid sana ito hanggang sa makasakay sa sasakyan. Ngunit biglang may nagdoorbell. Ilang saglit lang ay may bumungad na sa pintuan nila.

Para silang natulos sa kinatatayuan nang mapagsino ang bisita.

"Hija anak..." bati ni Lili, ang ina ni Faye habang titig na titig ito sa anak.

Hindi nakakilos si Faye mula sa kinatatayuan nito kaya siya na ang unang lumapit sa ginang.

"Tita!" niyakap niya agad ang matanda at gumanti nan iti ng yakap sa kanya.

"Yoko hija.."

"Manang Mercedes? Pakikuha naman po muna ang mga gamit ni Tita." baling niya sa kasambahay.

"Tita halika po. maupo po muna tayo." Inakay niya ito paupo sa sofa. Sumunod naman sakanila si Faye.

"I need to go now," paalam ni Faye sa kanya.
"Yo, ikaw na munang bahala kay Mama."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mag-ina. Nang lumakad na si Faye paalis ay binalingan naman siya ng ina nito.

"Sige na hija. Ihatid mo  na muna siya." mabining sabi ng ginang na may tipid na ngiti sa mga labi.

Faye-rytale of Yo'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon