S I M U L A

2.1K 123 92
                                    

Simula

But seriously, what really can a beauty do?

Madaming nagsasabi na marami. Kapag maganda ka, madaming papabor sa'yo sa kahit na anong bagay. Meron din naman nagsasabi na sumpa ang magkaroon ng kagandahan.

"You're so pretty, ate Cintha." I said with a smile.

My older sister, ate Cintha, ang kinikilala ng bayan namin na pinakamaganda sa lugar namin. She has a soft feature that everybody likes, including me. Mula sa ngiti hanggang sa boses niya.

Bukod don, talagang mabait siya. Minsan na siyang kinausap ni mama na tumakbo bilang kagawad sa susunod na eleksiyon pero palagi niyang tinatanggihan iyon.

Nakangiti niyang ibinaba ang suklay at hinarap ako. "Parehas tayong maganda."

Ilang beses ko nang narinig iyon sa kaniya. Hindi siya pumapayag na siya lang ang nakakatanggap ng compliments, ibinabalik niya 'yon.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa harapan namin. We're both standing in front of the mirror. Nandito lang ako naman ako sa tabi niya para panoorin siya sa pag-aayos.

Palagi ko nang ginagawa 'yon, panoorin siyang nag-aayos.

We share the same blood, pero malaki ang pinagkaiba namin dalawa. Madaming nagsasabi na hindi kami magkamukha. May nagtutukso rin sa akin madalas na baka magkaiba kami ng tatay.

Kaya kahit anong sabi ni ate Cintha na pareho kaming maganda, kahit magbabad man ako kakatitig sa salamin, hinding hindi ko nakikita ang tinutukoy niya.

Hinahangaan ko ang ate Cintha ko. We are proud because we have her and her beauty. I used to believe her. Pero nasira lahat ng paniniwala kong maganda ako nang nagsimulang batuhin ako ng pagdududa ng mga tao.

Besides, I'm a boy. Parang katatawanan sa amin na tawagin na maganda ang isang lalaki. Mas lalong bumaba ang confidence ko. Bakit kaya? Samantalang ang babaeng hinahangaan nilang lahat, tinatawag akong maganda.

Pero wala na akong pakialam don. Ate Cintha is our family's gem. Sabi ni Mama, ako ang lalaki kaya ako ang magpo-protekta sa kaniya.

Maganda siya. Madaming may gusto sa kaniya. So I treasured her well just like how my mother cared for her.

Lahat ng manliligaw niya na pumupunta sa bahay, pinapahirapan ko. Kahit ang anak ng Mayor, inutusan kong mag-igib. Pero syempre hindi alam ni ate ang ginagawa ko. Mabuti nalang hindi rin nagsusumbong sa kaniya.

"Ayaw ko sa kaniya! Sabi nila Myka, madaming babae 'yan sa siyudad. Pangit, ate! Pangit!"

"Ciel! Kailan ka pa natutong manglait?" She said with dismayed. I closed my lips tight.

Bakit bawal? Iyon palagi ang natatanggap ko kapag sinasabi kong kapatid ko siya! Bakit sa iba bawal ako manglait pero pagdating sa akin...

Sumasama lang ang loob ko kapag hindi niya ako pinapakinggan. Halata naman sa mukha ng lalaking--di ko alam kung tao ba o may lahing pato sa tulis ng nguso.

"Magandang umaga, Ciel. Nandiyan ba ate mo?"

"Wala dito." malamig kong sagot.

Tumaas ang kilay ko nang makita silang dalawang magkaibigan don sa labas ng gate. Nagtutulukan pa kung sino ang magsasalita.

"Ah... Saan ang ate mo?"

"Madami na kaming alagang aso, Fidel. Hindi na kami nag-aampon." matalim kong sabi.

Pareho silang natigilan don. Umangat ang labi ko, satisfied sa naisabi ko sa kanila.

"Ang sama talaga ng ugali mo, Ciel. Hindi naman ikaw ang ipinunta namin dito."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once In A Blue Moon (Coquette Boys Series #2)Where stories live. Discover now