Closer
"Benj, handa na ang agahan."
Kahahatid lang namin kay Jennifer sa labas ng gate kung saan nag-aabang ang sundo nito at iyon na kaagad ang salubong ni Ate Merly sa akin nang bumalik kami sa loob. Tumango ako dahilan para kaagad ring umalis si Ate Merly. Habang si Rael naman ay dumiretso sa sala kung nasaan ang dalang bag niya. Sumunod ako at naabutan siyang may kinukuhang libro.
"Kumain ka na ba?" I strike a conversation. Hindi naman ako ganoon ka petty para hindi siya tanungin at yayaing kumain. "We can eat first before we start our session..." I drawled out lazily.
Hay. Kung naririnig lang ako ngayon ni Jen ay siguradong tatamaan at maiinlab iyon sa akin. Gusto ko tuloy mapangisi nang wala sa oras pero pinigilan ko lang ang sarili.
"Tapos na akong mag-agahan..." Tahimik na sagot niya habang tila ay may hinahanap sa libro. His brows furrowed as he scanned a page.
Bakit Rael? Nandiyan ba 'yong nawawalang Yamashita treasure at sobrang busy mo diyan sa hinahanap mo?
Napatingin ako sa wall clock. It's already ten in the morning. Pwedi naman na siyang sumabay sa akin. Kumbaga ay gawin na lang namin na early lunch para tuloy-tuloy na kami mamaya.
Pero hindi naman ako martyr para mamilit.
Kung ayaw niya, e, 'di wag.
Bahala siya. Kakain muna ako.
"Early lunch?" Pilit ko pa. Syempre, last chance kumbaga.
Napaangat siya ng tingin. Nakakunot na ang noo. Come to think of it. Diba ako ang iritado sa kanya? Bakit kung makatingin siya ngayon ay ako ang may atraso sa kanya?
"What?" I asked defensively.
Kung makatingin siya sa akin ngayon ay parang sobrang bobo ko na tao. Oo, hindi ako matalino pero sobra naman yata 'yang panghuhusga sa mga mata niya?
"I didn't come here to eat, Ferrera." Malamig na sagot niya.
Hah. Bakit? Akala niya ba talagang gustong-gusto ko siya makasalo sa pagkain? Hindi ba siya marunong ng basic human decency? Kaplastikan lang 'to no!
"Fine. Sabi mo, e." Kaagad ko siyang tinalikuran.
Halos magmartsa ako patungong dining area. Nakakairita talaga. Ako na nga itong nagmamagandang loob tapos gano'n pa? Pwedi naman siyang tumanggi sa maayos na paraan. Pero hindi! Mas gusto niyang pakuluin ang dugo ko!
Ayos na sana, e. If he just answered me politely, baka kinalimutan ko na ang inis ko sa pagdidikit-dikit niya kay Jen. Pero dahil siya pa itong nagmamatigas, pwes, bahala siya sa buhay niya!
So, I took my time. Mabagal akong kumain na halos abutin ako ng isang oras doon sa hapag. At nagawa ko pa talagang manghingi ng dessert kay Ate Merly.
"Ah, Benj, kanina pa yata naghihintay 'yong kaklase mo..." Si Ate Merly na parang concern na yata kay Rael.
"Hindi ko 'yan classmate, Ate..." Sagot ko.
Wow. Ang sarap naman yata nitong avocado icecream?
"Pero kanina pa 'yan naghihintay. Baka magalit sa'yo?"
Nagkibit-balikat lamang ako. "Hayaan mo siya."
At hindi nga ako nagpatinag. Nakailang bowl pa ako ng icecream bago ako nagpasyang tumayo na.
Napaangat ng tingin si Rael nang dumaan ako sa sala. Bahagya pang napaayos ng upo. Akala siguro ay sa wakas ay tapos na ako. Pero diyan siya nagkakamali.
I secretly smirked.
"I'll just take a shower..." Paalam ko habang mabagal na umaakyat ng hagdanan patungo sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker Benj Ferrera came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met his number one hater, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor for the school...