part 9

3 2 1
                                    

gumising ako ng maaga para maligo na at gumawa ng breakfast naming tatlo, later is Christmas Party na rin nila kaya mag papasama pa ako kay Keioz pumunta sa Angels Pizza

natapos rin naman ako maligo kaya ginising ko na si Lakeisha para naman maligo na rin siya, 40-50 minutes din kasi ‘yan maligo, bumaba na rin ako para mag luto na rjn ng kakainin namin

kumuha lang ako sa ref ng pwede kong lutuin, kaunti na rin pala ang stock namin dito, nag labas lang ako ng frozen food at ibinabad ko sa warm water para mawala ang pag ka yelo nito

nag luto muna ako ng kanin actually yung lulutuin ko is sinangag may natira kasing kanin kagabi naparami ang pag saing ko

pag tapos ko mag luto ng sinangag ay nalusaw na rin ang yelo sa mga bacon at hotdog kaya niluto ko na rin ito at dinagdagan ko na rin ng itlog

habang nag luluto ako ay may naramdaman naman akong yumakap galing sa likod ko kaya napa lingon ako, it's Keios. Aga makipag bebe time

"good morning my babe, my love" Saad nito sabay halik sa pisngi ko

"good morning din po lovey!!" Bati ko, sakto at tapos na rin ako mag luto

bumitaw naman sa pag kakayakap si Keios at kinuha na ang mga pagkain at inilagay na niya ito sa lamesa

"love, timpla ka na po ng coffee natin, akayatin ko lang si Lakeisha" Saad ko

"okay loveyy" Saad nito

umakyat na ako at nag tungo sa kwarto namin at sakto kakatapos niya lang maligo

"anak pambahay ka muna, mamaya mo na suotin yung top and skirt mo" Saad ko

"okiii po" Maikli nitong sagot

"anak bilisan mo hmmm, kakain na po tayo" Saad ko at tumango naman ito, bumaba na ako at naka pag hain na pala si Keios

Fast Forward

andito na kami sa school and ibinaba na kami ni Keios

"bye love, see you later" Saad ko sakanya sabay halik, smack lang

"bye daddyyy" Saad ni Keisha sabay beso sakaniya

"bye po mga prinsesa ko" Saad ni Keios

bumaba na kami at nag tungo muna sa room at sakto naandon na sila, binuksan na rin pala ni mommy yung room ko kaya naka pasok sila

inilapag lang ni Keisha yung pizza na dala niya at tinawag ko na silang lahat dahil may morning party kami, sama-sama lahat ang mga junior high school at elementary

nag punta na kami sa gym at marami rami na rin ang mga tao, pina upo ko muna sila sa iisang lugar kasama ang ibang mga sections, pero si Lakeisha lang ang nahihiwalay sakanila nasa gilid kasi naka upo ang mga co-teachers ko and dun din siya naka upo, at sakto rin naman pala na wala ng space para maupo pa si Lakeisha

nag simula na rin naman agad ang morning party at nag palaro rin sila, like bring me, the boat is sinking, at marami pang iba

kalagitnaan ng ceremony ay bigla naman akong nag crave sa fries kaya nag paalam muna ako sa mga teachers na kasama ko na bibili lang ako

"sama na ako" Saad ni Janelle

"tara" Maikli kong sagot

lumabas na kami at luckily malapit lang ang potato corner dito sa school, walk in distance lang kasi kung malayo, ay yari hindi ko dala ang sasakyan ko

nakarating naman kami agad kaya bumili na ako ng para saakin at kay Lakeisha, hindi masyadong mahilig sa fries yung bata na yun kaya regular lang ang binili ko sakaniya

habang niluluto yung fries ay na alala ko naman na hindi pa ako dinadatnan ng dalaw two months na

"shocks... buntis ba ako?" Mahina kong sambit

actually irregular ang menstruation ko NOON, pero one year na rin kasi nag tuloy tuloy na yung mens ko, ngayon lang natigil ulit

"sis dito ka muna, may text si mommy may pinapabili lang" Saad ko at tumango naman ito

buti at katabi lang ng potato corner ang mercury drug kaya mabilis lang ako makabili

pag pasok ko ay bumili na agad ako at hindi lang isa or dalawa, lima na ang binili ko at iba iba pa ang brand para sure lang pero mamaya na ako sa bahay mag t-test

lumabas naman na ako after ko bumili at sakto tapos na rin yung niluluto na fries kaya bumalik na kami sa school at nag tungo agad sa gym

binigay ko na kay Keish ang fries niya at kinain naman na niya ito, kinain ko na rin ang akin habang nakikinig sa mga speech ng principal, assistant to the principal, elementary and high school coordinator

after nilang mag salita ay nag akyatan naman na kami at nuna na ang mga bata maliban kay Keisha

"mga eabab, xylo tayo mamaya" Pag aaya ni Janelle habang nag lalakad kami

"hindi ako pwede, wala tong kasama mamaya sa bahay" I said and refering to Lakeisha

"Keish,  pwede ba namin hiramin mommy mo?" Saad ni Alex

"hindi po ako ang makaka sagot, si daddyyy" Saad ni Keisha na ikinagulat naming lahat, anakkkkk bakit mo ako nilalaglag

nakita naman ni Keisha yung mga reaksyon ng mga tita niya kaya dinugtungan niya ito

"si daddy RJ po ang makaka sagot hehehehe" Saad nito at naka hinga naman ako ng maluwag

"ahhh akala ko kung sinong daddy eh, akala namin may BOYFRIEND mommy mo" Saad ni Janelle at idiniin saakin ang boyfriend, epal HHAHAHA

Fast Forward

naandito na kami sa bahay at nag tungo na agad ako sa kwarto namin ni Keios ibinababa ko ang mga gamit ko ko at kinuha ang mga pt na binili ko at nag tungo na agad ako sa banyo

pag pasok ko ay agad kong ni lock ang pinto at nag test na hinihintay ko ang resulta nito at dalawa ang linya pero ang isa ay malabo kaya nag try ulit ako at ganun pa rin kaya sinubukan ko ulit pero this time malinaw na yung linya

"mygosh.... buntis ako?" naiiyak kong tanong sa sarili ko

hindi ko alam ang mararamdaman ko, masaya na hindi ko maintindihan.. pero bukas ng umaga ay susubukan ko ulit pag gising ko, may napanood kasi ako noon na mas maganda pag bagong gising ka

lumabas na ako at yung dalawamg pt ay itinabi ko muna sa may drawer at yung tatlo ay inilagay ko muna sa bulsa ko

bumaba naman na ako para gumawa ng dinner namin 4:45 pm na rin kasi, tumambay kasi kami kanina sa school

nag luto na ako at mag luluto nalang ako ng adobo dahil ako ay may toyo, charot! nag saing lang muna ako at pag tapos ay nag luto na rin ako

ang mag ama ko naman ay nasa sala nanonood ng barbie, ewan ko ba sa mga yan bakit ayan ang pinapanood

after 1 ene-half hour ay tapos na rin ako mag luto kaya nag hain na ako at tinawag ko na ang dalawa

"Keios, Keisha! kakain na" Pag tawag ko sakanila

agad naman silang nag punta sa dinning table, kumain na kami at sa aming kalagitnaan sa pag kain ay may sinabi ako

"love, Keisha..." Pag tawag ko sakanila sabah lapag ng pt

"loveeee?! buntis ka?" Tanong nito at tumatalon sa tuwa

"mommy totoo??" Natutuwang tanong ni Lakeisha

"opo totoo yan, pero bukas mag tatry pa ulit ako, if positive yung lumabas doon mag papa check up na po ako" Saad ko
.
.
.
.
A/N: Hi madla HAHAAHAHAHA bibilisan ko na ang pag gawa

Meeting You Was A Nice AccidentWhere stories live. Discover now