4am palang gising na Si Lucan dahil maaga silang susunduin nga van para sa paglipat nila ng bahay. Ginising na din niya Si Kael para makapagayos na ito.
Naghanda siya ng almusal at pagkatapos ay nagayos nadin. Halos mag isang oras ng dumating ang sundo nila. Nag byahe sila ng halos 5 hours ng makarating sa baguio.. doon kasi nakahanap Si Lucan ng kanilang matitirhan malayo sa lugar kung saan mayroon silang di magandang alala ni Kael.
9am sila ng makarating sila sa Baguio wala naman silang dalang mga gamit bukod sa mga damit at gitara, mahahalagang gamit at papeles nila ni Kael.
hindi gaanong kalakihan ang bahay na nakuha ni Lucan may dalawa itong kwarto maliit na sala, kusina at isang cr, tamang tama lang sa kanilang dalawa ni Kael malapit din ito sa trabaho at iskwelahan na papasukan ni Kael kaya nagustuhan niya ito.
Maaga pa naman ng nakarating sila sa bagong nilang tiragan kaya tinawagan ni Lucan ang kaibigan na Si Elle para samahan sila sa iskwelahan na papasukan ni Kael 1 week nalang kasi pasukan na nila. Nakapag enroll naman na Si Kael ipapasa niya nalang ang mga requirements na kailanagan. At ipapaliwanag nadin sa kanila ang tungkol sa sakop ng scholarship nito. Nakapasa kasi Si Kael sa isang sikat na School sa Baguio.
Mabilis lang nakarating Si Elle sa bahay ng mag ama dahil malapit lang ang tinitirhan nito sa kanila. Di nadin naman nag hintay ng matagal Si Elle dahil nakaayos naman na ang dalawa. Bukod kasi sa pag punta nila sa school dadaan din sila sa Mall para bumili ng ilang gamit na kailangan at mga bagong damit ni Kael dahil nagbibinata na ito at mga gamit ni Kael sa school.
Almost 30 minutes lang ng makarating sila sa iskwelahan na papasukan ni Kael sa labas palang ng iskwelahan makikita mo na ang kagandahan at kalakitan nito.. mahahalata mong mayayaman ang mga nagaaral dito. Pumasok sila sa loob at dinala sila ng staff sa office doon pinaliwanag nila ang sakop ng scholar ni Kael. After nila sa school dumiretso sila sa malaking mall.
Pagdating nila sa mall kumain muna sila at pagkatapos ay namili ng damit ni Kael hinuli na nila ang gamit sa bahay at gamit ni Kael sa school. Papasok na sila sa isang store ng mabangga Si Lucan ng isang papalabas sa store na lalaki matangkad ito hindi na ni Lucan nakita ang mukha ng nglalaki dahil tumatakbo ito at mukhang may kausap pa sa cellphone. Papasok na sa loob si Lucan ng mapansin ang isang kumikinang na bagay sa damit niya hindi niya alam kung paano iyon napunta sa kanya kinuha niya ito. Isa itong bracelet na may initial na Letter T. Nilagay niya ito sa kanyang bag.
habang naglalakad Si Lucan sa loob ng shop isa lang ang naisip niya kundi ang lalaking nakabangga niya marahil ay sumabit iyon sa botones ng damit niya ng mabangga siya ng lalaki. Hindi niya nga lang niya alam kung paano maibabalik ang bracelet sa lalaki mukha pa naman itong mamahalin.
Isang oras din ang ginugol nila sa shop dahil sa dami ng tao nawala nadin sa isip ni Lucan ang bracelet. Umalis sila ng shop at lumipat na sa bilihan ng mga gamit sa bahay, buy ng gamit ni Kael sa schoool at pagkatapos ng grocery. Hanggang sa makauwi nalang sila sa bahay.
Gabi na ng makarating sila sa bahay Si Kael nag ayos na at nagpahinga samantalang Si Lucan inasikaso ang mga gamit na binili nila hindi na niya maasikaso pa yun bukas dahil mag start nadin siyang pumasok sa trabaho.
Inilagay na ni Lucan sa mga lagayan ang gamit sa kusina pagkatapos niya itong hugasan. After ng nga gawain pumunta na siya ng kwarto at nagasikaso. Kinuha nya ang bag niya dahil nandun ang cellphone niya pagbukas niya ng bag. Nakita niya ang bracelet.
Naku nakalimutan na ang bracelet paano ko kaya mahahanap ang may ari nito. Bahala na nga
Nilagay ni Lucan ang bracelet sa kanyang drawer bukas niya nalang iisipin kung paano niya maibabalik ito sa mayari. Nahiga na siya sa kama at nagtulog.
End.
BINABASA MO ANG
Our Unique FAMILY
RandomThis is BL Story Romance, family Three stories of three people who suffered pain and hardship in their past. They brought together by fate to change theor destiny The first is Lucan a kind hearted man he feel deeply inlove with his boyfriend, but...