A/N: Heto na klisha! Sorry ngayon lang at ito na muna ang mababasa niyo, ini-edit ko pa kasi eh. Sana mag-enjoy kayo! Thankyouuu:)
Jayden's POV
"Hoy, hoy pre! May bagong chix oh..."
"Sino siya?"
"Bago ata, sis."
"Maganda tol, kaya pala bago lang sa paningin ko."
"Tsk! Lahat naman maganda para sayo bagohan man o hindi!"
"Transferee ata, saang section kaya siya?"
"Wala naman sinabi si Ma'am na may transfer tayo, so baka sa iba?"
"Infairness, maganda siya girl."
Samu't-saring bulongan ng mga taong nakakasalubong ko at napapatingin sakin. Gusto ko man silang pasalamatan sa mga kenemeng papuri nila ay hindi ko na lang sila pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa Section Gang, yun ang section ko.
Hawak ko ngayon ang registration papers ko na ibinigay lang saakin kanina ng registrar office at ang sabi ay ibigay ko raw iyon sa adviser ko.
Pagdating dun, napatigil ako sa tapat ng nakabukas na pinto at wala man lang akong nakitang ibang tao kahit anino man lang nila. As in, wala talaga.
"Asan mga tao dito?" Tanong ko sa hangin at syempre wala akong nakuhang sagot. Malamang! Makakapag-salita kaya ang hangin? Eh, hindi nga natin nakikita makapag-salita pa kaya?
Nandito naman mga gamit ng magiging classmates ko so naisip ko na baka may pinuntahan lang sila saglit.
Hyst! Excited pa naman din ako magpakilala sa kanila!
Napabuntong hininga na lang ako at namili ng pwedeng ma-upo-an. Napag-desisyonan kong maupo na lang sa gitna sa bandang unahan dahil parang doon naman sa parteng iyon ang walang masyadong naka-upo base sa mga gamit nilang mga nasa upo-an nila.
Bahala na! Dito na ko.
Limang minuto din ata ang hinintay ko sa pag-dating nila pero kahit isa man lang sa kanila ay wala man lang dumating.
Saan ba mga classmates ko?
Na-bored na rin ako kaya lumabas muna ako ng room at pumunta sa cafeteria na mabilis ko rin nahanap. Bagohan lang ako pero medyo alam-alam ko na ang pasikot-sikot sa school na to.
"Ano sayo, ineng?" Tanong ni Nanay, may katandaan na rin kasi siya, siguro mga nasa 40's na siya.
"Isang burger po at isang tubig lang, Nay." Sagot ko at dumukot ng 100 pesos sa wallet at ini-abot iyon sa kaniya.
"Pahintay na lang, ineng."
Tipid na tango at ngiti lang ang itinugon ko bilang sagot at inilipat ang tingin sa buong cafeteria. Ang laki ng cafeteria. Medyo kaunti lang ang mga taong nandito at hindi rin maingay, siguro kapag puno, oo.
Mga ilang minuto din bago i-abot sakin ang order ko. "Salamat po." Sabi ko ng ibigay niya sakin ang sukli.
"Bago ka lang dito, ineng?" Tanong niya, titig na titig sakin.
Tumango ako, palihim na nagtataka sa kung paano siya tumitig sakin. "Ahh, Opo. Bakit ho?"
Umiling siya at ngumiti ng malapad. "Wala naman, ineng. Bago ka lang kasi sa paningin ko."
Napa-ahhh naman ako at napa-tango-tango. Aalis na sana ako ng may lumapit na tatlong lalake sakin. Akala ko bibili lang sila pero lumapit sila sakin.
YOU ARE READING
The Only Girl In Section Gang
Teen FictionIsang babae ang nag-transfer sa isang paaralan na nagngangalang Holly Ford International High School. Sa paaralan na ito, merong limang Section. Section A, Section B, Section C, Section D at ang huli ay Section Gang. Noong una talaga ay walang Sect...