098

14 0 0
                                    


As soon as Arianna sent the location, mabilis na nag-ayos si Shaun at wala ng pagdadalawang isip pang gumayak.

Nang makarating sa lokasyong ibinigay ni Arianna ay mabilis pa sa alas kwatrong hinanap ni Shaun ang pakay. Hindi naman ito nabigo at agad nitong nakita sa isang sulok.

Ngunit kaagad na nagbago ang kaniyang ekspresyon matapos makitang may kasama ito. Isang lalaki, habang silang dalawa ay masayang nag-uusap. Kung hindi man siya nagkakamali, ito rin ang lalaki nakita niya noong kasama ni Arianna.

Napasimangot siya at akmang aalis na lamang ng biglang magtama ang mga mata nilang dalawa ni Arianna. Agad na napangiti ang huli saka siya tinawag.

Kung kanina at eksayted pa siyang makita ito, ngayon ay parang nagdadalawang isip pa siya kung lalapit pa ba siya o hindi. Sa pakiramdam niya kasi ay makasasagabal lamang siya sa dalawa.

“Shaun! Here!” pagtawag nito sa kaniya.

Napakamot na lamang siya batok saka naglakad sa kinalulugaran ng mga ito.

Pansin naman niya ang mapanuring tingin ng kasama ni Arianna kung kaya’t tinitigan niya lamang ito ng blangko. At katulad ng inaasahan, ngumisi ito— na nakapagpairita sa kaniya. Ng kaunti.

“Pres,” bati niya rito. Tumango naman ito saka itinuro ang upuang nasa harapan lamang nito.

Magkatabi naman si Arianna at ang kasama nitong lalaki. Hindi niya na lamang pinansin pa ang kasama nito saka walang imik na umupo sa upuan.

“Oh, btw. I've already ordered something for you. Any minute now ay i-seserve na rin ’yon.” pagbabasag ni Arianna sa katahimikan. “Sorry, hindi na kita nahintay. Don’t worry. I know naman magugustuhan mo ’yon. It’s your favorite anyway.” dagdag pa nito.

“Y-you know what's my favorite?” gulat na tanong niya.
Hindi siya makapaniwalang ang nonchalant at cold nilang presidente ay alam kung anong paborito niyang pagkain. Nakakabakla mang pakinggan, pero kinikilig siya.

Napatingin ito sa kaniya. “Of course! It is what you always order.” Arianna answered in a matter-of-fact tone.

Dahil sa sinagot nito ay agad na namatay ang kilig niya sa katawan.

‘Ayan, assuming kasi.’ di mapigilang anas niya sa isipan.

“Go ahead. Talk as if hangin lang ako rito. I don't mind,” biglang singit ng kasama ni Arianna.

Nabaling naman ang tingin niya rito na siya namang nakatingin din sa kaniya. Ngumisi pa ito.

Arianna rolled her eyes and darted her bored eyes with the man besides her. “Oh shut up, kuya. Bakit ka pa ba nandito? You're supposed to be going now, you're getting late!”

“Nah. Don't worry li'l sis. Mamaya pang 10 appointment ko. Besides, I still want to know more about my future brothe-in-law.”

“W-wait. Kuya? Li'l sis?” Agad na napatingin ang dalawa sa kaniya.

“Oh right, hindi ko pa nga pala kayo napapakilala sa isa't-isa.” Ani Arianna saka ngumiti. “Anyway, Shaun. This guy besides me is Casius Alistair Ferrer, my brother. And kuya, this is Shaun.” pagpapakilala nito. “And ah! Don't mind what he said earlier, he's just joking.”

And just that, embarrassment take over him all at once. Sa anong dahilan? Malamang ay dahil ang lalaking pinagseselosan niya, ay walang iba kun'di ang kapatid ng crush niya.

Taming The President | Epistolary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon