CHAPTER 27 - RESTRAINT

106 9 0
                                    

KEN

I AM back.

Wala pa sana akong balak bumalik, kahit si Pablo at mga kagrupo ko hinayaan akong magpahinga muna after ng nangyari samin ni Vien.

Hindi ko sya kayang makita.
Hindi ko pa talaga kaya.

Pero dahil sa pangungulit ni Amber at pagsundo nya sakin sa Pagadian napabalik ako ng wala sa oras.

"Ang sweet naman ni Amber. Talagang dinayo mo pa Pagadian para sunduin si Ken." Ngiti ni Stell.

Kakatapos lang namin kumain kaya nagpapalipas na lang kami. Dinaanan ko din si Amber kanina para makasama ngayon sa dinner, buti na lang pumayag.

"No, it's fine. Nakapag vacation din ng wala sa plan. And the place is really nice, and also Ken's parents are so kind." Ngiti ni Amber.

Totoo na enjoy nya yung lugar namin sa Pagadian. Nilibot ko din sya sa ibang lugar dun para sulit ang pagpunta nya.

"Ang bilis ah, may getting to know na agad? Hahahah" tawa ni Josh.

"Loko." Ngiti ko sa kanila. I see naman na nagblush si Amber.

Di naman kasi ako manhid at nalaman ko rin na may feelings sakin si Amber dahil kay Vien.

Speaking of her,
sya lang ang di sumama.

"E sana nga kayo na endgame. Wag kana kasi linga ng linga, Ken." Ngiti ni Justin.

Isa pa to.
Akala ko support samin ni Vien, pero mukhang kay Amber papanig.

"Ba't pala wala si Vien?" Mahinang tanung ni Liv kay Pablo, kahit nasa kabilang table rinig ko sila. Lalo na pag si Vien ang pinag uusapan.

"Niyaya naman ni Josue pero may part time daw." Sagot ni Pablo. Kahit may usapan dito sa mesa namin, hindi ko maalis ang pandinig ko sa pwesto nila Pablo.

"Saan? Sa bar pa din? Wala syang sched ngayon alam ko e." Tanung ni Liv.

"Tsk. Malay ko ba, Love. Sabi lang ni Josue kanina. Saka alam ko maraming binabayaran yung kaibigan mo kaya sinusulit ang 24hrs. Gusto ata tumagos sa pader." Biro ni Pablo kay Liv.

"Loko ka. Sabi mo kasi kasama si Vien kaya sumama ako, ginigigil mo na naman ako, Nase."

"Sorry na. Malay ko ba? Saka andito naman ako."

Di ko na pinakinggan ang iba nilang usapan bukod sa pagiging clingy ng usapan nila.

Binabayaran?
Anung binabayaran nya?

Di na nawala sa isip ko ang tungkol kay Vien, siguro nga mali ko na di ko sya kinilala at inalam lahat ng tungkol sa kanya. Bagay na alam ko wala din syang balak sabihin sakin.

Pinilit ko ang sarili ko na sa bawat araw na makikita ko si Vien ang di sya tingnan, ni sulyapan.

She broke my heart.
And hanggang ngayon, masakit pa rin ang ginawa nya.
For not trusting and fighting for me.

I want her to feel sorry for what she did,
Pero alam kong bagay na di nya gagawin.

"Tuloy na album promotion nyo sa Japan ni Amber, na resched na din ni Ate Leah ibang promotion nyo dun for one week." Sabi ni Pablo, nandito kami sa office nya para ireview yung calendar namin.

"Thanks, Pau."

"Ang problema na lang yung isasama nyong sound mixer.. loaded din ni Josue." Alam ko san patungo tong sinasabi ni Pablo kaya di na ko kumibo.

Nakatingin din sakin yung tatlo na nag aantay sa magiging reaction ko.

"Pwede namang maghire tayo ng freelancer para sa sched mo" suggestion nya.

HARMONY'S BETRAYAL || SB19 KENWhere stories live. Discover now