KABANATA I: SA KANYANG PAGHIMLAY

22 5 0
                                    


TULUYAN ng bumuhos ang mga luha ni James Guevarra habang pinagmamasdan ang pangalang nakasulat sa lapida ng libingang nasa kanyang harapan:

In loving memory of

Elannor 'Ellie' C. Guevarra.

Born: March 17, XXXX, Died: February 14, XXXX.

Love is a light that never dims.

Bumalik siya upang humingi ng tawad dito, upang ayusin ang relasyong sinira niya at kung pahihintulutan nito, ay gusto sana niyang bumalik sa buhay nito upang punuan ang mga naging pagkukulang niya mula ng iwan niya ito. Ngunit hindi niya inaasahan ito. Hindi niya inaasahan na hindi na niya ito muling makikita pa.

Tila sasabog ang kanyang puso sa sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon. He was too late and she died on their wedding anniversary. Napaluhod siya at nabitawan ang dalang bouquet ng Heliotrope, ang paboritong bulaklak ni Ellie at sumisimbolo ng walang–hanggang pag-ibig. Sa walang-hanggang pag-ibig nito para sa kanya.

Ang pag-ibig na binale-wala at ipinagpalit niya sa yaman, kapangyarihan at pansumandaling kaligayahan sa piling ng ibang babae.

Tatlong taon. Tatlong taon ang sinayang niya bago siya natauhan, kasama na ang mga panahong naging masaya sana sila—siya. Napakatanga niya! Isa siyang malaking gago dahil sinaktan niya ang nag-iisang taong nagmahal sa kanya ng walang-anumang hinihinging kapalit. His wails echoed inside the empty mausoleum as he pounded his fists on the marble floor in a display of immeasurable grief.

"Forgive me, Ellie!" Panangis niya.

Sa kanyang pagbabalik ay dama niya ang hinanakit ng pamilya at mga kaibigan nito sa kanya. Inaasahan at naiintindihan niya iyon dahil kahit siya ay hindi niya mapatawad ang sarili sa ginawa niya sa asawa. Subalit wala siyang narinig na panunumbat na lalong nagpabigat ng kanyang nararamdaman, dahil mas tatanggapin niya ang galit ng mga ito kaysa sa pananahimik.

Hindi na niya namalayan ang pagdaan ng oras, ngunit papalubog na ang araw ay hindi niya pa rin magawang tumayo sa kinalulugmukan. Kumilos ang kanyang kamay upang sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling haplusin ang pangalan ni Ellie. Hindi na niya kailanman makikita ang mga ngiti nito, maririnig ang nakakadala nitong tawa, mararamdaman ang init ng mga yakap nito at higit sa lahat, ay ang lalim ng pagmamahal nito sa kanya.

Sa muling pagpatak ng kanyang mga luha ay isang kahilingan mula sa kaibutaran ng kanyang puso ang ibinulong niya sa hangin.

"Kung maibabalik ko lang ang oras, kung mabibigyan lang ako ng kahit isang araw..."

At kasabay ng pag-ihip niyon ay ang pagbalot ng kakaibang katahimikan sa buong sementeryo.

One Last DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon