KABANATA V: SA PANIBAGONG PAGLALAKBAY NG WALA KA

14 3 6
                                    


NAPABALIKWAS ng bangon si James, habol ang hininga at basa ng luha ang mga mata. Ilang sandali rin ang lumipas ng mapagtanto niyang wala na siya sa sementeryo at sa halip ay nasa loob na ng isang pamilyar na silid. Inilibot niya ang kanyang paningin hanggang dumako iyon sa isang larawan na nakasabit sa isang bahagi ng kwarto.

It was his and Ellie's wedding photo.

Ibig sabihin ay nasa—nahinto ang takbo ng kanyang isip ng bumukas ang pinto at pumasok si Alexei, ang nakababatang kapatid ni Ellie.

"Oh, you're up. I was just thinking of burying you, you know." Sarkastikong bati nito sa kanya.

"H-how did I end up here?"

"Malamang binuhat kita," pilosopong sagot nito. "Halos isang buong araw ka ring walang-malay dahil sa taas ng lagnat mo. Tch. Ano ba kasing pumasok sa utak mo at natulog ka doon sa mausoleum?"

Natulog siya? Hindi iyon ang natatandaan niya pero hindi na iyon mahalaga.

"Sana ay hinayaan mo na lang ako doon," tahimik niyang saad.

"And then what? Let you die that easy? No way! At sino'ng mag-aalaga sa mga pamangkin ko kung pati ikaw ay mawawala na rin?"

Napakunot-noo siya sa narinig. "Pamangkin?"

Humalukipkip ito at tiningnan siya ng mataman. "Honestly, hindi ko alam kung mapapatawad kita sa ginawa mo sa ate ko, James. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang sa huli ay ipinaglaban ka niya sa amin." Nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Pero wala na si Ate Ellie, at hindi ako makakapayag na pati ang mga bata ay abandonahin mo rin."

"M-mga bata?" manghang tanong niya.

Sa halip na sumagot ay lumabas si Alexei ng kwarto at sa pagbabalik nito ay kasama na nito si Sarah, ang asawa nito at best friend ni Ellie. Pero tila sasabog ang puso niya sa kaba ng tumutok sa kanya ang dalawang pares na bilugang mga mata. Mixed emotions could be seen in those eyes, with curiosity at the top.

"This is Jamie," turo ni Alexei sa batang babae, "at ito naman si Eli," turo nito sa batang lalaki. "Ipinanganak sila anim na buwan pagkatapos mong umalis. Hindi na ipinaalam ni ate sa'yo dahil ayaw na niyang magulo ang bago mong buhay." Muling bumalik ang sarkasmo sa boses nito.

Ngunit wala na siyang pakialam doon dahil ang buong atensyon niya ay nakatutok sa dalawang batang. Tumulo ang kanyang mga luha ng pumasok sa isip niya ang huling sinabi ni Ellie.

"Alagaan mo sila."

Ito pala iyon. Ito pala ang ibig sabihin ng asawa. They had decided before not to have children until their life was stable, pero hindi rin sila agad nabigyan nang maging maayos na ang buhay nila. Halo-halong emosyon ang pumuno sa kanya ng mga oras na iyon. Bumaba siya sa kama at dahan-dahang naglakad papunta sa mga bata. Lumuhod siya sa harap ng mga ito, ngunit nagtago ang mga ito sa likod ng mga binti ni Sarah.

"It's okay, kids. He's your Papa." Marahang wika nito bago iginiya ang dalawa sa harap niya.

"P-papa?" Gagad ni Eli habang nakatingin kay Sarah.

Tinanguan ito ng babae at ibinalik nito ang mga mata sa kanya, muli, mataman siyang tiningnan ng dalawang bata. Wala siyang maisip sabihin kaya naman ibinuka na lamang niya ang kanyang mga kamay. Unang humakbang si Eli at ng makita iyon ni Jamie, ay sumunod na rin ito sa kakambal.

"Papa!" masayang wika ng mga ito.

Bumuhos ang kanyang mga luha ng tuluyan niyang mayakap ang mga anak.

"Huwag mo na sanang sirain ang mga bagay na iningatan ng kapatid ko para sa'yo." Wika ni Alexei bago ito lumabas ng silid kasama si Sarah.

Ellie's love for him couldn't compare to what he promised her. Sobra-sobra ang ibinigay nito sa kanya at habang nasa bisig niya ang kanilang mga anak, wala siyang ibang maisip kung hindi ang ibalik iyon sa abot ng kanyang makakaya. Hinigpitan niya ang yakap sa mga anak. Until the day that he would be able meet her again, he would guide their children to the life she paved for them.

THE END

One Last DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon