nahawakan sa leeg

33 1 0
                                    

ayaw kitang pakasalan dahil Hindi kita gusto, bakit,niligawan ba kita? diba gusto mo ang nangyari kahit alam mong wala akong gusto sayo?" si randy. "pero buntis nga ako sayo at ikaw lang naman ang nakakagalaw sa akin ah" naiiyak na samo ni warla ky randy sabay hawak nito sa kamay nya na iwinaksi naman ng huli. nasa isang sulok sila ng gym na laging pinaglalaruan ng basketball ng magpinsang randy at Erwin at mga kagrupo nito.kakatapos lng maglaro ng grupo ng lumapit si warla Kay randy. "pwede ba tayong mag usap sandali, sana wag dito" sabay tingin sa mga kalaro ng binata, na naintindihan naman ng mga ito kaya sila na ang lumayo at iniwan ang dalawa. " sigurado ka bang ako ang ama ng dinadala mo e Hindi ka naman virgin ng magalaw kita ah, at Malay ko ba kung Hindi lang ako ang gumagalaw sayo no!". isang sampal ang dumapo sa mukha ni randy. "Hindi man ikaw ang nakauna sa pagkababae ko pero Hindi ako nagpapagalaw sa kahit kanino lng ng sabay sabay, bahala ka kung ayaw mong maniwala na ikaw ang ama nito, antayin mo at patunayan ko yan sayo" sabay talikod ng dalaga. Kinaumagahan,kakagising lng ni randy ng marinig nito ang bagong dating na bisita. " Manang reming, inaanak ko din ang biktima kaya nahihiya ako sa  magulang nila" ani tiyahin ni randy na nakaupo sa maliit na bangketo at kausap ang nanay ni randy na kapatid ng Una. "o e ano kung inaanak mo ang malanding yun? pamangkin mo si randy at ayoko sa ugali ng babaeng yun!",galit na bulalas ni aling reming. "akala mo kung sinong mayaman na maganda e kalapad naman ng mukha, may niyugan nga pero tagabantay lng din naman sila..pero Kung umasta ang magulang ng babaeng yun akala mo may Ari ng hacienda. basta ayoko siya para ky randy!". sabay tumingin ang dalawa sa pintuan ng maliit na kwarto kung saan nakatayo ang binata at nakikinig sa diskusyon nila. "o gising kana pala randy" ani tiyahin nito. "Alam mo ba na pinuntahan ako ng magulang ni warla sa bahay kagabi at buntis nga daw ito at ikaw ang ama". Hindi ko naman siya girlfriend auntie at ni minsan Hindi ko siya niligawan, siya lng itong lapit ng lapit sa akin e lalaki din naman ako kaya nagalaw ko siya,isa pa Hindi naman sigurado ako ang ama ng pinagbubuntis nya at Hindi naman ako unang gumalaw dun". pag eexplain ng binata sa tiyahin nito. Ang tiyahin ni randy at Ina ng pinsan nitong si Erwin ang isa sa pinakamayaman sa lugar nila, malaki ang hawak nito na mga niyugan sa lugar at nag nenegosyo ng buy and sell. isa sa mga Suki nito ang magulang ni warla na may hawak din at katiwala ng isang mayamang may Ari ng isang malawak na niyugan. naging inaanak nito si warla sa binyag kaya ganuon na lamang ang pag aalala ng marinig na buntis nga ito at pamangkin pa nitong si randy ang tinuturong ama. "basta pag isipan mong mabuti dong, dahil Hindi maganda na pabayaan ang isang babae pagkatapos mo itong mabuntis, wag kang mag alala at tutulong ako sa gastusin ng kasal",yun lang at umalis na ang tiyahin nito., naiwan ang mag Ina na sabay naupo. "umalis ka nalang dito randy, ibenta ko ang baboy natin ng magamit mo pauwi ng panggasinan,ayokong makasal ka sa babaeng yun anak!". kahit labag sa loob ni randy na umalis sa lugar na yun kung saan madami na ang naging barkada nito Simula ng dumating sila sa lugar na yun dalawang taon na ang nakakaraan galing panggasinan sa lugar ng ama ng binata,wala itong magawa kundi umalis. maaga pa e gayak na ang binata, nagpaalam lng ito sa ama na pupunta sa mga tiyuhin at pinsan ng ama sa cagayan de oro, walang kaalam alam nuon ang ama ni randy sa mga pangyayari at tanging Ina lang nito na si reming at ang binata ang may Plano sa lahat. "pagdating my ng cagayan anak bili ka agad ng ticket sa barko, wag mung sasabihin sa lolo mo ang reason bakit ka babalik ng panggasinan,mag ingat ka anak" si aling reming. apat na oras lang ang biyahe ni randy papuntang CDO, dumating ito sa bahay ng tiyuhin na isang sundalo. "o kmusta na ang apo kung gwapo na mana sa akin,hahaha, kumusta na ang ama mo,tagal na siyang Hindi nakapasyal dito ah" . bungad ng isang matangkad na lalaki na nasa edad 40 mahigit.kita sa tindig nito ang pagiging sundalo.pinsang buo ito ng lolo ni  randy sa ama. "ok lang naman sila lo, ayun si tatang medyo namimiss pa rin nya ang panggasinan,"  " ganyan talaga sa Una pero masasanay din siya dito sa Mindanao, o siya siya, pahinga ka muna at kwentuhan pa tayo mamaya, pupunta muna ako sa campo" sabay tayo nito. nakilala ni randy mga anak ng lolo nya na halos mga tatlo hanggang anim na taon lamang ang agwat ng mga edad nito sa kanya.Hindi nito masyadong nakakausap ng matagal dahil lahat busy sa kanilang mga page aaral sa kolehiyo. makikita sa pagmumukha ng binata ang lab is na selos Hindi sa material na tinatamasa ng mga ito kundi sa kakayanan nilang makapag Aral.pangatlo si randy sa siyam na magkakapatid at sa sobrang hirap nila sa buhay, dalawa sa mga kapatid nito na nauna ang maagang nagsipag asawa at naiwan sa panggasinan.sa ngayon at nakadepende muna sila sa tiyahin nga nito na kapatid ng Ina niya, si aling Minda at  minalas pa na naging ninang ni warla.kinagabihan pagkatapos ng hapunan sa loob ng bahay ng lolo ni randy isaisang nagsipasukan na sa kani-kanilang kwarto ang mga anak ng lolo ni randy.naiwan ang dalawa na wala pang balak matulog. "wala kayang balak magsundalo randy?" biglang nasabi ng matanda sa binata na ikinabigla nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Soldiers loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon