Chapter 02

2.4K 61 0
                                    

Bumuntong-hininga ako habang palipat-lipat ang tingin kay Farren na lakad doon at dito. Kanina pa siya nagmamadali at parang hindi mapakali dahil sa mga utos ng lola niya. At panay din bulong ng reklamo ang kaibigan ko pero ginagawa naman niya ang iniuutos ng lola niya.

Pagkababa niya mula sa taas ay bumalik siya sa tabi ko at buntong-hiningang ibinagsak ang sarili sa sofa. Suminghap siya ng malakas.

"Nakakapagod! Itong si lola kasi, makakalimutin na." sabi niya nang maging komportable na siya sa tabi ko.

"Nahihilo na ako sayo kanina. Panay ang lakad mo mula dito hanggang sa taas."

"Ang dami kasing utos ni lola tapos ang dami niya lang ginagawa at nadadamay pa kami." she answered again with a long pout.

I elbowed her. "Wala ba siyang maintenance?"

"Mayroon, ang dami pa nga doon sa kwarto niya. Hindi yun mauubusan kasi may pera naman siyang pambili ng maintenance niya."

"Eh ikaw, kayo ni Gigi. Nabibigyan niya ba kayo ng pera?"

Tumango siya pero may pagkaasim ang mukha niya.

"Wala naman problema sa allowance, sa pagkain at sa iba pang kailangan na panggamitan ng pera, ang problema ko lang talaga ay yung pagiging makakalimutin ni lola. Walang epekto yung mga maintenance niya."

"Sa katandaan na siguro yan. May iba kasing mga tao na hindi naman tinatablan ng kahit anong gamot. Relax mo nalang ang sarili mo dahil ang importante ay healthy si lola Aneng."

"Nukaba, always akong chill no." sabi niya.

Inirapan ko siya.

Kinuha ko yung inutang kong five hundred pesos mula sa kanya sa bag ko para ibigay sa kanya. Ito lang naman ang ipinunta ko dito sa bahay nila, ang bayaran ang utang ko. Kahapon ko ito inutang noong dumalaw siya sa bahay para magpatahi ng uniporme ni Gigi at umutang ako sa kanya dahil nagbayad ako ng kuryente kahapon. Kulang yung pera na binigay ni Skim kahapon kaya napautang nalang ako.

Wala din kaming kita kahapon sa pagtitinda dahil wala kaming oras kahapon para magbenta, nasa eskwelahan kaming lahat at pag-uwi ng bahay ay parehas mga pagod.

"So, anong oras ka ba papasok sa eskwelahan bukas? May raket pa ako bukas."

"Anong raket ba yan?" tanong ko.

She rolled her eyes and shrugged. "Ano pa nga ba, maniningil ng mga pautang ni lola. Bukas na yung binigay na petsa ni lola na magbabayad yung mga nang-utang sa kanya."

"Paano kung wala kang may masingil bukas?"

"Edi hindi na sila makakaulit. Ganun lang ang usapan. Kasi kapag nakakautang sila ay madali naman kausap si lola kung may pera. Pero dapat ay sa oras ng singilan ay makakapagbayad dapat sila." sagot nito.

Napatango nalang ako saka kinuha ang isang baso ng strawberry juice na ginawa sa akin ni Farren. Tapos ay binaba ko sa wooden center table nila.

Yung trabaho ng lola ni Farren ay nagtitinda sa palengke. Kahit matanda na ay hindi siya nagpapatinag para lang may pera sila. Si Farren ay scholar sa isang university. Nasa isang private school siya kaya pasalamat nalang at natanggap siya bilang isang scholar doon. Swerte niya talaga.

Nagpaalam na ako kay Farren pagkatapos kong magpahinga ng kunti sa kanila. Dumaan muna ako sa palengke para mamili ng mga kakailanganin para sa pagtitinda namin mamaya.

Nang umaga ay nagtahi ako, tinapos ko lang ang tinahi ko kagabi at binigay ko na agad sa mga nagpatahi sa amin, at mamayang hapon naman ay magtitinda kaming tatlo. As always naman kami nina Sack at Skan mamaya. Hindi naman sumasama sa pagtitinda sa amin sina Safara at Skim but unlike Skim, si Safara ay driver namin papunta sa may kanto.

Leighton (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon