Prologue
"I like you," saad ni Rodrigo sa akin. "So much, Mavy."
Narinig ko ang tawa ni Trish sa likod ko. Malamang tawang-tawa siya ngayon dahil pang-lima na si Rodrigo sa lalakeng nag-confess sa akin sa araw na 'to.
"Bakit mo ako gusto?"
Napakalot siya sa batok niya at nabaling ang tingin sa mga barkada. Puta. Nakaka-inis na sila!
"Matalino ka kasi. Nakaka-ganda 'yun sa isang babae." sabi niya sabay tawa ng mahina.
That's it? Matalino? Marami namang matalino diyan sa gilid, ah. Ba't ako pa? At kung gusto nila ako dahil matalino ako ay 'wag nalang sana silang magkagusto! At anong nakaka-ganda sa babae ang matalino?! Mas nakakaganda kaya ang marunong sa gawaing bahay!
I smiled at him and then silently walked away. Sign na siguro ang pag-alis ko na basted siya. I don't wanna entertain guys when I'm still in high school. Ang babata pa namin!
"Gusto kita, Mavy" Trish mockingly said. "Matalino ka kasi."
I looked at her and saw that she acted so disgusted by the way they confessed. Nakaka-disgusto naman talaga kasi ang paraan ng pag-confess nila. May barkada pa silang full support sas kagaguhan nila. Buddies nga naman sila.
"Hay nako, Mavy! 'Wag na 'wag kang papatol sa mga batang 'yan, ha? Jusko! Hindi ko nga sila nakikitang nagbabasa ni-isang libro sa library!" napatawa ako sa pag-ayaw niya sa mga nag-confess sa akin. "Nakita mo kanina si Fuentes? 'Yung pangatlo?"
"Memorize mo pa talaga kung pang-ilan yung crush mo, ha?" I asked her, making fun of her disgusted look when Fuentes went to our table during lunch time. "'Wag kang mag-alala, hinding-hindi ko 'yun magugustuhan! Never!"
"Yes, ganiyan talaga dapat! Hinding-hindi ka dapat sa kanila. Tapos, pa-kopya sa BasCal, ha? Nakalimutan kong gawin, eh!"
Pagkatapos niyang i-motivate akong hindi patulan ang mga lalakeng 'yun ay kokopya na siya! Nice work, Trish!
Pagpasok namin sa classroom ay agad napunta ang atensyon namin sa mesa ni Cuevaz na puno ng letters at chocolates. Galing na naman siguro sa mga die hard fans niya! One time nga ay na-disturbo ang klase namin dahil sa mga tilian sa labas ng classroom. Tili sila ng tili dahil sumagot si Cuevaz sa recitation namin. Tanong ko lang sa mga fans niya ay ano bang nakita nila sa boring at masungit na lalakeng 'to?
It's not like being a volleyball player is that attractive. Also, he's just math smart, not all smart. Kung ako papipiliin, for sure mas gwapo sa akin si Hanz. Matalino, gwapo, kaso nga lang ay hindi ko alam kung straight ba siya. He assured us naman na straight siya but people keep pushing that he is gay.
Kung hindi lang nonchalant itong si Hanz, ay for sure! Habulin 'rin siya ng babae. Sayang nga at sa amin niya lang pinapakita ang corny side niya. Kung nakikita 'yun ng lahat ay matutulala nalang sila sa ka-cornyhan ni Hanz.
"Mr. Cuevaz, this happened thrice today. Today lang." May pagbabanta sa boses ni sir Panzo pagpasok niya. He's our teacher in BasCal. "This thing should stop, Cuevaz, I am warning you. Nakaka-disturbo sa klase ang mga fans mo minsan, at minsan naman ay darating kami ditong maraming kalat ang mesa mo."
Tumayo ang lalake at kumuha ng isang garbage bag sa bag niya. Anong ginagawa no'n du'n? "Sorry, sir. Hindi na mauulit."
"Hindi na talaga mauulit 'yan, and announce it to your facebook account that you won't be receiving anything from now on." sir Panzo said with finality.
He started and all I can say is Basic Calculus is never basic. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang basic sa calculus. Ang tatalino nga ng mga tao noon, kung ano-ano na lang ang pinapangalan nila sa bagay-bagay. I hope that people nowadays are different. Ang hirap-hirap i-memorize ng mga terms at isa pa ang mga formulas na hindi ko alam kung bakit nag-e-exist.