Chapter 1
Ever since that happened, everyone kept talking about it. Kahit saan ako magpunta ay usap-usapan kaming dalawa ni Cuevaz.
"Sino ba ang nag-post no'n?" Curious na tanong ni Trish sa akin.
Tumango lang si Hanz sa tanong niya. Miski ako ay hindi alam kung sino ang nag-post noon. Iisa lang sa mga kaklase namin 'yun. Wala namang ibang tao sa classroom namin kung hindi ang mga classmates ko.
Cuevaz is one of the hottest student of our school. Of course walang magsasabing mali ang ginawa niya. Some of them even commented on the post that I was being irrational. Hindi ko man lang daw inintindi si Cuevaz.
That was true, pero that doesn't mean he can insult me just like that. Isa pa, hindi madaling gumawa ng performance video mag-isa. Hindi naman ako octopus para makaya ko lahat ang gagawin. Kailangan ko pang mag-video, umakto, ta's magplano pa sa mga sasabihin. Ako ang mag-e-edit kung gano'n!
He was right about me getting used to doing everything all alone. Yes, I always do it alone because I'm afraid my group mates would make lots of mistakes and I would stress over it again and again. Sumasakit na nga minsan ang likod ko tuwing gumagawa ako ng ppt.
Yet, I've never done a performance video alone. Hindi ko yata kayang pagsabay-sabayin lahat ng gagawin. Even when I was still a junior, may kasama talaga ako sa pag-e-edit at iba pa. Bigyan sana ako ni Dr. Strange ng power para tawagan ang mga Margaret Lavigne Yan sa iba't ibang universe. If only talaga!
"Pagod na akong makita ang best friend kong tulala!" Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Trish sa tabi ko. "Sino ba kasi ang nag-post at ipapatay ko!"
"Hoi, bibig mo!" I warned her.
Natawa lang 'rin ako nang inirapan niya lang ako at tiningnan isa-isa ang mga kaklase namin. Para siyang papatay ng tao dahil hindi siya kumurap hanggang malibot niya ang titig sa lahat ng kaklase namin.
"You look guilty!" Turo niya pa isa naming kaklase na nanahimik sa gilid. Natakot siya sa tingin ni Trish sa kaniya kaya kinuha niya ang libro at nagtago doon. "May pa-tago ka pa!"
Hinawakan ko siya sa palapulsuhan niya at hinila siya papunta sa upuan niya. Pina-upo ko siya doon at natulala lang siya. Ang ingay-ingay niya kasi!
"Hoi, Margaret! Saan ka pupunta?!" Sigaw niya sa akin nang lumabas ako sa classroom namin.
Mamaya pa naman ang klase namin dahil lunch break pa kaya ay pumunta ako sa ground. Umupo ako sa isa sa mga benches doon at nag-isip-isip.
I know that I don't have a choice but to do it alone. I can't bear seeing my name mentioned in some of the comments, hearing my name being badmouthed by this guy's so-called fans. Hindi naman siya artista pero ang mga fans niya ay tinuturing siyang isa.
He was like one of the gods. Para yatang hahalikan ng mga fans niya ang tatapakan niyang lupa. Feeling ko nga minsan ay kulang nalang ng red carpet at artista na talaga siya. I can only agree with the fact that he is handsome. Totoo 'yun.
His hair is long, but not too long. His eyes could kill when he stares at something or someone. Wala iyong emosyon pero pwedeng pumatay. Matangos ang kaniyang ilong, habang perfectly defined ang kaniyang jawline. His lips were...
Wait, why am I thinking about him? Hindi naman ako pumunta dito para isipin siya. Para i-describe siya. At isa pa, anong lips? Hindi ko pa nga siya naka-usap ng matagalan para ma-describe ko kung maganda ba ang hugis ng labi niya.
I stood up and quickly walked back to our classroom. Ang init pa naman, ta's mainit pa ang ulo ko. Bakit ko ba kasi iniisip ang lalakeng 'yu—
My internal monologues disappeared in an instance when I bumped into someone. Nakayuko ako, takot na baka makilala ako nang naka-bangga ko.