Tears Series Squad (Horror House) - Part One

2.6K 52 58
                                    

A/N: Namimiss n'yo na ba ang Tears Series Squad? Ako rin haha, and sana mag-enjoy kayo sa gift ko. Nandito rin si Dave ^^

I love you, guys! Happy 400K followers! 🤍

|||||||

Nagkayayaan ang Tears Series Squad na pumunta sa horror house. Habang magkakasama sila ay bigla na lang may sumulpot na multo at sinundan sila. Dahil sa takot ay nagtakbuhan sila para lang matakasan iyon.

Hindi inaasahan na magkahihiwa-hiwalay silang magkakaibigan. Ang mas malala pa ay iba na ang ka-partner nila.

Ano na kaya ang mangyayari sa kanila kung iba na ang ka-partner nila habang nasa loob ng horror house?

***

Caleena’s POV

“Okay ka lang ba, Sieana?” nag-aalalang tanong niya. “May masakit ba sa ‘yo? Natapakan ka ba?”

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Madilim ang paligid. Kahit na hindi ko makita ang kasama ko, alam kong hindi siya si Zion.

Magkahawak pa kami ng kamay! Habang nagtatakbuhan kami ay may biglang humila sa akin. Sumama agad ako dahil akala ko ay siya si Zion. 

Nangako siya na hindi na hindi siya lalayo sa akin. Kilala ko si Zion, ginagawa niya ang sinasabi niya. Kaya nagtiwala agad ako sa kanya.

Kahit na masungit ako sa kanya, hindi niya pa rin ako tinigilan. Madali niya akong napapasaya sa simpleng bagay. Bihira akong ngumiti, pero kapag si Zion ang kasama ko. Sobrang saya ko.

Dahil nararamdaman ko na may taong nagpapahalaga sa akin. Simpleng paghawak lang ni Zion sa kamay, pakiramdam ko ay ligtas ako. Siya na talaga ang nagbibigay ng kasiyahan sa buhay ko.

“Hindi ako si Sieana,” usal ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

“What?” gulat niyang tanong. “Who are you?”

Tumikhim ako. “Caleena…”

Nagsimula na akong maglakad. Hindi naman ako natatakot sa ganitong lugar. Nadala lang ako sa kanila kaya nakitakbo ako. Sa katunayan ay mahilig akong manood ng horror movies. Pero mas gusto ko pa rin ang Frozen na maraming beses na naming napanood ni Zion.

Pero mas nauuna talaga ang landian! Kahit na cartoons ang pinapanood namin. Sobrang hilig niyang halikan ako!

“Where's my girlfriend?” muling tanong ni Dave.

“Hindi ko alam,” tugon ko. “Nawawala rin si Zion…”

“Fuck,” he muttered a curse. “Napabayaan ko ang girlfriend ko.”

Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa paglalakad. Mahaba-haba pa ang tatahakin namin. Bukod doon, sobrang lawak din para lang makalabas sa lugar na ito. May ilaw naman na pula, pero ang hirap pa rin makakita.

Nakasunod lang sa akin si Dave. Bigla-bigla na lang may manggugulat sa gilid namin. Hindi ako natatakot, habang si Dave ay naririnig ko ang sunod-sunod na pagmumura. Mukhang hindi siya mapakali.

Bukod sa mga multong biglang susulpot, mayroon din na nakatatakot na tunog. Halo-halo na ang naririnig namin. Pero mukhang kami lang ni Dave ang nasa lugar na ito.

Gusto ko nang makasama si Zion.

“Natatakot ka?” I asked him.

Narinig kong suminghap siya. “H-hindi, ah!”

“Para kang si Zion,” puna ko. “Chikang matapang, pero ang totoo ay takot naman sa multo…”

Kahit na natatakot siya, hindi siya makakapit sa akin. Para bang ayaw niya na may hahawakan siyang ibang babae. Maliban na lang sa nangyari kanina dahil hindi niya alam na ako na ang nahawakan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tears Series (TO BE PUBLISHED UNDER TALKING PAGES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon