"Dad ayaw ko siyang pakasalan!" galit kong sigaw.
"Why? He's a good man. I know him and he likes you, so there's no reason for you to refuse to marry him." nakangiting sabi ni dad at tumayo para tingnan ang family picture namin.
"But hindi ko siya mahal! I want to marry someone I love and it's not him!"
"Okay, if that's what you want, but don't ever regret this." seryosong sabi ni dad at umalis sa kanyang office.
Napaupo ako sa couch dahil nanghihina ang tuhod ko. I dissapointed my dad. Ayoko talagang pakasalan ang taong kagaya ng lalaking iyon dahil napakaboring niya. Kahit ni isang beses, hindi ko siya nakitang ngumiti o magpakita ng pagkagusto sa akin kaya paanong nasasabi ni dad na gusto ako ng lalaking iyon? Kalokohan.
Dali-dali akong umalis para pumunta sa condo ng friend ko upang makahingi ng suggestion.
Hindi pa ako nakakaalis ay nakita ko na ang lalaking iyon. Nakatalikod siya pero alam kong siya iyon dahil sa kanyang fluffy hair at tangkad may kausap siyang babae. Wala naman akong pake doon dahil hindi ko siya gusto at hindi niya rin ako gusto fair lang. Nakaharap na siya sa akin ngayon dahil itinuro ako nung kasama niyang babae.
Hindi ko na sila pinansin at tahimik na umalis. Naiinis ako, how can he say na gusto niya ako infront of my Dad kung meron na pala siyang babae mga lalaki nga naman.