O.S.S

0 0 0
                                    

"Nak, alis na ako, maaga pa akong mamamasada ngayon" Saad ni tatay saakin.

"pero tay birthday ko ngayon eh" reklamo ko kay tatay.

"Oo alam ko nak, wag kang mag alala pag uwi ko mag dadala ako ng pasalubong sayo" ngiting Saad ni tatay.

"sige na nga,Basta tay ah umuwi ka ng maaga para makapag celebrate tayo" masayang saad ko sakanya.

"Oo na, di naman ako makahindi sa prinsesa ni tatay" patawang Saad nito sakin at napatawa din ako at niyakap ito.

"oh sya alis na ako" Saad ni tatay at bumitaw naman ako sa pagkayakan at ngumiti.

"sige tay, ingat po kayo" Saad ko at ngumiti habang nag lakad di tatay palabas at umalis na.

isa kasing tricycle driver si tatay at araw araw syang namamasada upang matustusan ang pangangailangan namin lalo na't kolehiyo na ako.
Wala na kasi akong nanay,sumama na sya sa ibang lalaki kasama ang isa ko pang kapatid at naiwan ako kay tatay.

mahirap lang ako pero mayaman naman sa pagmamahal ng isang ama.

[FF]

hapon na ngayon kaya naman ay nag simula na akong mag luto ng simpleng hapunan namin ni tatay at handa para sa aking kaarawan.

nag luto ako ng pancit, pritong manok, lumpia at syempre adobo na paborito ni tatay.....

mag aalas 9 na ng gabi pero hindi padin umuuwi si tatay kaya nag antay muna ako baka kasi mayroon pa syang hinatid na mga pasahero.
hindi maiwasan ang pag aalala saakin bilang isang anak...
iniisip ko padin Hanggang ngayon kung anong pasalubong ang dala niya sa saakin kaya excited na ako na umuwi ito.

maya maya pa ay may kumatok sa pinto kaya agad Naman akong tumayo at pinagbuksan ito nang naka ngiti.

"tay,naka uwi kan-" hindi pa natapos Ang sasabihin ko nang hindi si tatay ang nasa pinto kundi mga pulis.

"Ikaw ba ang anak ni Ramon Reyes?" Tanong ng ng manong pulis.

"O-Opo bakit po?" tanong ko at iniabot naman nito ang isang kahon ng cake at isa pang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman.

"p-para saan po ito? asan tatay ko?" kinakabahan akong nag tanong baka kasi dinakip nila ito.

"Ipinapabigay sayo. Wala na ang tatay mo iha" Saad ng pulis.

"p-po?" utal na Saad ko at naluluha.

"naaksidénte ang tatay mo kanina, nabángga sya ng isang truck habang papunta sa pinag orderan nya daw ng cake para Sayo ayun sa kasamahan niyang driver na mag hahatid sana sayo ng cake at regalo dahil hindi makaka uwi ng maaga Ang tatay mo dahil sa dami ng pasahero" mahabang saad ng pulis na ikinatulo ng luha ko.

"p-pero s-sabi nya u-uwi sya ng maaga  para mag celebrate ng birthday ko eh! hindi pwede to! hindi pa patay ang tatay ko" hagulgol ko at hindi makapaniwala na nangyari...

dinala ako sa isang silid sa hospital at at ang walang buhay na katawan ni tatay na duguan kaya nanlumo ako at humagolgol. tumakbo ako at niyakap ang bangkay ni tatay habang umiiyak...

medyo kumalma na ako pero 'di parin mawala ang luha sa mata ko.
naalala ko ang kahon kanina kaya kinuha ko ito at binuksan...
isang magandang dress ang laman nito at isang letter kaya binuksan ko ito at binasa...

"nak, happy birthday ha sensya na kung ito lang muna regalo sayo ni tatay, wag kang mag alalala nak babawi ang tatay sayo.
alam kong graduating ka at wala kang masuot kaya yan nalang binili ko para sayo, sana magustuhan mo.

di muna ako makaka uwi ng maaga ha madami kasing pasahero eh sensya na. mahal na mahal ka ni tatay. bukas nalang tayo mag celebrate ulit promise.
Basta tirhan mo ako ng ulam ha? hehe" Saad sa sulat na ikinatulo ng luha ko.

"kaso wala nang bukas tay eh....wala nang bukas na kasama ka....hindi mo man lang tinupad pangako mo" Saad ko habang humihikbi at naka tingin sa kawalan.

"sayang di kana makaka abot sa graduation ko. di mo ako makikitang grumaduate at di na kita maisasamang pumaso... mahal na mahal din kita tay, pangakong isusuot ko itong bestida sa graduation ko" Saad ko at naka ngiti ng mapait.

~END~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A FATHER'S LOVEWhere stories live. Discover now