Part 2

0 0 0
                                    

Girlfriend




Anastasia POV

Nasa loob kami ng classroom, habang nag kwekwentuhan kami ni Talia sa kukunin nyang course ay may biglang pumasok galing sa ibang section.

Pinapapunta nila si Ryu sa Dean office. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalabas sila.


Pinagpatuloy pa namin ni Talia ang kwentuhan namin hanggang matapos ang oras ni Ma'am Adeli.


Lunch break na pero wala parin si Ryu kaya tatanungin ko nalang siya mamaya.


"Wala parin ba si Ryu? Isang oras na siyang wala." Nandito na pala sya, hawak ang isang tray na laman nun ang order namin. Palinga linga si Talia na para bang may inaantay.









"AGHHHH ANDYAN NA ANG BIGFOUR!!!" Sigaw ng kaharap ko habang nakatingin sa likuran ko at sakto namang napalingon rin ako para tignan, pero laging gulat ko ng muntikan ng maglapat ang labi namin ni Ryu!

Napaiwas ako bigla dahil lahat ng atensiyon ay nasa saamin. Hindi ko maiwasan mamula dahil nga't may pagtingin ako sa kaniya.


Sigawan ang mga tao sa loob ng cafeteria, at meron ding bulungbulungan. Hindi ko na yon pinansin at tumayo na'ko dahil nakakahiyang makita nila ang pag mumukha ko na kamatis na ang kulay sa sobrang pula.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil ngayon lang ito nangyari. Buong buhay namin, walang ganon na nangyari at hanggang admire from a far lang talaga ang kaya ko.

You can't express your feelings for him, baka masira ang friendship niyo.

Yan lagi ang pumapasok sa isip ko kapag tinatangka kong sabihin ang nararamdaman ko.


Seeing him with another girl make me jealous, pero anong  karapatan ko? Lahat ng nakakasama niyang babae nagiging ex niya.

While me? Just a friend. Nothing more, accepting the fact na hanggang kaibigan lang talaga ako.



Pero kahit ganon ang sitwasyon namin hindi ako sumuko para mahalin siya ng lubos.



Dami ko ng ginawa para mag pa impress sa kaniya, pero lahat ng iyon balewala lang sa kaniya.


Hindi ko alam kung dama niya ba ang pagmamahal ko o binabalewa niya lang mga clues na gusto ko siya?




Ang manhid ng taong yon, Parang bato. Kapag ibang babae naman nagugustuhan niya, paano naman ako?




Gabi na naman, andito na naman ako sa kwarto ko tinatanong ang sarili kung may kulang ba saakin na hindi makita ni Ryu.



Saksi ng kwarto ko kung gaano ko siya minahal at iniiyakan. Gabi gabi, Pagkaumaga na titigil na.














"Sis pumayat ka" sabi ni Thalia sa tabi ko habang nagdidiscuss si ma'am.


Napansin din pala niya ang pagkabago ng katawan ko? 'Paano papayat eh laging puyat at minsan nalang din kumain sa gabi' gusto kong sabihin yan pero ayoko dahil tatadtarin niya lang ako ng tanong.




"Bakit kaya wala si Ryu?" Basag ko sa katahimikan na bumabalot saamin ni Thalia.



Nandito kami ngayon sa cafeteria, kunti lang ang inorder ko dahil wala akong ganang kumain at hindi ko nakita ang inspiration ko.



"Hindi ba siya nagpaalam sayo?"


Nag-nod ako bilang tugon at sakto namang bumukas ang pinto ng cafeteria. Pag lingon ko ay bumungad saamin ang BIGFOUR. May kasama silang babae... Maputi, maganda, matangkad, blonde hair.



Who is she? Tanong ko sa isip ko habang pinagmamasdan silang pumasok. Doon nagsink in sa utak ko ng mapansin kong grabe makadikit kay Ryu ang babae.


I guess it.


"Don't tell me girlfriend na naman niya yan?" Bulong ng katabi ko.

Hindi ko man lang namalayan na tumabi na pala siya saakin.


"Diba transferee yan?"

"Ganda niya pre"

"Tumahimik ka pre, baka marinig ka ni ryu. Halatang may something sa dalawa eh."

"Ay sayang."

"Siya yung transferee diba? Grabe nabingwit agad niya ang heartthrob."

"How to be you po"



Ilan yan sa mga narinig kong bulungan malapit saamin.


Pumunta sila Ryu sa table namin at nagpakilala ang babae. Kinuha ko na rin ung kamay, nakakahiya kapag hindi no.


"She's my girlfriend guys" at ngumiti ng pagkatamis tamis. Yung babae naman nakangiti lang rin. Halatang model ang atake. Sa aura palang ano laban ko riyan?



Nag nod nalang ako at tsaka ko inubos ang pagkain ko dahil gusto ko nalang maglaho.


Hindi pa nakontento ang ugok at Ina-announce pa sa buong cafeteria na girlfriend nya ung kasama niya. Marami pa siyang sinabi at mga iba roon ay pagbabanta. Sanaol prinoprotektahan.









Swerte nung babae. Sana ako nalang siya:)...






BTW GUYS I'LL ANNOUNCE KUNG SINO YUNG BIGFOUR NA TINUTUKOY NI ANASTASIA.

THERE'S NO LEADER

BIGFOUR MEMBERS:
RYUJIN
LUCAS
KENZO
ZION

SO YEAH THEY'RE THE BIGFOUR. HEARTTHROB SILANG LAHAT PERO MAS LAMANG SI RYUJIN. THEY'RE MEMBERS RIN IN BASKETBALL YON LANG.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until The Rain Stop Where stories live. Discover now