Chapter Five ~ Next Day :)

6 0 0
                                    

Michelle's POV

~ Kriing! Kriing! ~

Kaagad naman bumukas ang aking mga mata. Umupo muna ako ng mga 5 minutes sa kama ko and then tumayo na. Inayos ko ang magulo kong kama at pumunta na sa cr para maligo.

After 15 minutes na pagligo at pagkanta sa cr. xD Nagbihis at nag ayos na ako. Maaga pa naman kaya kakain pa ako. Gutom ako e, di pa ko nakakain kagabi.

After ko kumain, pinuntahan ko na si mama, humingi ako ng baon at hinalikan siya sa pisngi. At tumakbo na palabas. E gusto ko tumakbo, angal kayo? =____= Sumakay ako ng tricycle. Yaman ko ba? Mainggit kayo. :D

*SCHOOL

Naglakad lang ako papunta sa school. Nagpababa na kasi ako dun sa kanto, kakahiya kasi kung dun pa sa gate. (_ _)7

Ow, nasa tapat na pala ako ng room namin. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng may nagbukas na. Kaya naman nagkabungguan kami nung nagbukas. Gets niyo? Hahaha. Napaupo siya sa sahig. Dun sa basa pa, malas niya. -___- 

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siya makatayo, di naman niya kinuha. Tinabig lang niya ito at inirapan ako. Luuh? Sabunutan ko to e, arte.

May 2ng babae naman ang lumapit sa kaniya at tinulungan siyang tumayo.

"Uhh. Sorry." - Sabi ko yan ng nakayuko.

Hinawakan naman niya ang mukha ko at iniharap sa kanya..

"Ano magagawa ng sorry mo ha?" - Siya. Di naman ako sumagot. Naiiyak na ko, ang higpit ng pagkakahawak niya sa baba ko e. Dami na din nanunuod.

 "ANO?!!" - Sigaw niya at sinabunutan naman ako. Umiiyak na ko this time sa sakit, di ako makapag salita. Ayoko sa gulo, ayaw ko ng away. At isa pa, nakakahiya na sa mga estudyante dito. Mga teacher walang ginagawa, dinadaanan lang kami. Nubayan! >_____<

"Bitaw." - Pamilyar na boses galing sa likod ng babaeng kaharap ko na sinasabunutan na ko. Lumingon naman siya, si Bhea pala. Kasama yung dalawa, grabe nakakatakot pala siya kapag seryoso siya. I mean, sila.

Inirapan lang nitong babaeng to si Bhea at lalong hinigpitan ang pagkahawak sa buhok ko na siya namang lalong kinaiyak ko.

"Bibitawan mo siya, o pipilipitin ko ang leeg mo nang mamatay ka na." - Bhea, nakakatakot siya. Grabe talaga! Seryoso siya ngayon. 

Binitawan naman niya ang buhok ko at inirapan ako. Nilingon niya si Bhea.

Lumapit naman sakin yung dalawa, si Ange at si Nica. Inayos ni Ange yung buhok ko at inakbayan naman ako ni Nica. Dinala nila ako dun sa likod ni Bhea, yung medyo malayo naman. Pero dinig mo pa din ang mga sinasabi ng mga estudyante sa labas, pati na din yung away.

 "Haaay! Nag aaway na naman ang Bhea and Friends at ang Mean Girls." - Lalaki sa last row. May kasama siyang 2ng lalaki, yung dalawa, tulog. Siya naman, parang kakagising lang at nag uunat pa.

Napatingin naman siya samin, tinitignan kasi namin siya. 

"Hehehe." - Tawa niya na parang nahihiya. Namumula siya, hahaha.

  "Uhh. Yung babae kanina, si Pamela yun. Masama talaga ugali nun, takot yun kay Bhea kaya siya na bahala sa kanila. Kami lang din ang kumakalaban sa kanila. Yung dalawa naman, si Paz at si Judy Ann. Si Paz yung kambal niya, si Judy Ann naman, kaibigan nila. Kilala sila dito, Mean Girls ang tawag sa kanila. Lahat ng estudyante dito, takot diyan. E kasi, lola nila may ari ng school." - Mahabang pagpapaliwanag ni Ange. Tumatango tango naman si Nica.

"Ahh. E ba't sila natatakot? Ano naman kung lola nila may-ari ng school?" - Tanong ko.

"E kasi nga, lahat ng kumakalaban sa kanila, pinapakick out niya." - Sagot niya.

"E ba't sila natatakot makick out? Dami naman school diyan." - Tanong ko naman, curious e. :D

"Isang malaking karangalan kaya sa isang estudyante ang makapag aral dito. Lalo na sa mga mahihirap. Kapag dito ka nag-aaral, ibig sabihin sossy ka. Yun ang sabi nila." - Sagot naman niya sa tanong ko.

"Ahh. E kayo, di niya pinapakick?" - Tanong ko ulit.

"Hmn, lola din kasi ni Bhea yung may-ari ng school na to. Step Twin SisterS niya yung kambal. Namatay kasi yung papa niya. After 3 years lang, nag asawa na ulit yung mama niya. E yung naging asawa nung mama niya, may anak. At yun yung kambal, tinuring na din silang parang tunay na anak ni Tita Empress. Kaya ayun, napabayaan si Bhea, Lagi na lang kasi yung kambal ang kasama niya at yung asawa niya. Si Bhea laging naiiwan sa bahay. Di din daw maganda trato nila sa kanya. Kaya ayun, Yung kambal lang ang pinakilala nilang tunay na anak. Yun ang sabi samin ni Bhea. Kawawa siya diba? Pero matapang yun. Naglayas e, pero mayaman pa din. Sarili niyang sikap yun ah. Kaya ngayon, siya yung pinaka mayaman sa lahat." - Pabulong na sagot niya ulit sa tanong ko. "Kami lang dalawa ang nakakaalam. At ngayon, pati na din ikaw. Ang alam lang ng lahat, may utang na loob ang may ari ng school na ito sa pamilya ni Bhea kaya di siya mapaalis dito." - Dagdag pa niya.

"Ahh. Kaya pala, so kayo ang Bhea and Friends? Hahaha." - Ako yan. Oo, tumawa ako, seryoso kasi e.

"Hahaha. Oo, tawag nila samin yun simula nung kinalaban namin ang Mean Girls. Grade 4 kami nun, naging matalik na magkaibigan yung kambal at si Judy Ann. Dun nila binuo ang Mean Girls na yan, dun sila nagsimulang mambully." - Si Ange yan. oh diba? Tumawa din siya.

"E ba't pinalabas tayo kahapon? Di ba kilala nung teacher natin si Bhea?" - Tanong ko na naman, hahaha.

"Wala siyang special treatment pagdating sa pag aaral." - Si Nica naman yan, sa wakas naman. Nagsalita din siya. Magsasalita sana ulit ako..

"Yo. Nu pinag-uusapan niyo?" - Ang Kabuteng si Bhea. Basta basta na lang sumusulpot e.

"Ba't ka naman ba bigla na lang sumusulpot?" - Ako yan, oo. Matapang ako sa kanila. Sa kanila lang, hahahaha.

"Hehehe. Ano nga pinag-uusapan niyo? Mukhang masaya kayo ah?" - Nakangiting sagot niya.

"Ikaw." - Sagot ni Nica na parang wala sa sarili. Pagkasabi niya nun, para siyang nahimasmasan at tumingin kay Ange, tumingin din ako kay Ange, para siyang kinakabahan, tumingin naman siya kay Bhea, nanlaki naman ang mga mata niya at bigla siyang napahawak sa bibig niya. Parang kinakabahan na din siya. Anu merun? -____-

"Ha? Ahh. Nasabi niyo na pala." - Si Bhea na nakasimangot. "Uhh. Mich, Okay ka na ba?" - Tanong niya naman sakin ng nakangiti. Oo, nakangiti na ulit siya.

 "Oo naman. Uhh, Ba't di ka umupo? Hahaha." - Ako yan, naging seryoso kasi sila simula nung dumating si Bhea.

-

Diyan na muna. May part 2 pa yan. :) Bibigyan ko ng POV si Bhea. ^^

Hmn, nga pala. Yung mga picture sa side, bata pa sila dun. Ipopost ko din po yung mga pics nila ngayon teanager na sila. :))

A Story Of Bestfriends. &lt;3 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon