Third Person’s POV
Sa mundo ng mga immortal sa kaharian ng Zenthius Kingdom kung saan pinamumunuan ito ni Haring Luxurious at Reyna Lamina na isang makaturungang Hari at Reyna
lahat ng imposible sa mundo ng mga tao ay posible sa mundong ito dahil dito totoo ang kapangyarihan, totoo ang diwata, mga Prinsesa at Prinsipe.
nahahati ang mundong ito sa dalwang antas ang Noble ito ay ang mga Prinsipe at Prinsesa mga anak ng Duke, Marquess, Earl, Viscount at Baron sila ay ang may dugong maharlika na nabibilang sa Noble, habang ang commoner naman ay kinabibilangan ng mga simpling mamamayan, mga walang kapangyarihan at tagasunod ng palasyon.
Sa kaharian ng Zenthius Kingdom sa harden nito ay naroon si Reyna Lamina na masayang namimitas ng kaniyang mga tanim na rosas.
"Flora, tawagin mo ang aking mahal na anak at sabihin mong samahan niya akong mamitas."
malumanay na utos ng inang reyna sa kanyang tagapagsilbi na agad naman nitong sinunod at agarang umalis.
maaliwalas ang kapaligiran, mga huni ng mga ibon at mahinang pag ugoy ng mga halaman. isang kaharian na matiwasay at masagana, dahil narin sa pamununo ng Reyna Lamina at ng kaniyang hari nasi Haring Luxurious na isang magaling na hari.
Matatagpuan ang Zenthius Kingdom sa silangan kung saan malapit ito sa isang matayog na bundok, dahil sa bundok na ito ay pinangangalagaan ni Diwatang Gaia ang ina ng kalikasan.
"Mahal kong ina... pinapatawag mo daw ako?"
nakangiting lumingon ang inang reyna Lamina sa nagsalita at iyon ang kanyang anak na si Prinsipe Axellion isang matikas at matapang na prinsipe ang tagapagmana ng korona ng hari
"Aking mahal na prinsipe halina’t hawakan mo ang aking mga pinipitas... batid ko matutuwa ang iyong nobya pag binigay mo sa kaniyang ang rosas na ito."
Agaran namang lumapit ang prinsipe at kinuha sa kamay ng inang reyna ang ilang tangkay ng rosas
"Napakagandang rosas batid kong maiibigan ito ni Prinsesa Luffera, aking ina."
tumigil sa pagpitas ang inang reyna at hawak ang isang tangkay ng rosas ay inabot nya ito sa anak na may ngiti sa labi
"Nagagalak ako na nahanap muna ang babaeng bubuo at makakasama mo sa pangangalaga ng palasyo anak ko. napakakisig kong prinsipe, tiyak kong sasaya si Luffera pag ibinigay mo any rosas na ito sa kanya... kasing ganda ng rosas ang dalagang yon."
napangiti ang prinsipe at tinanggap ang rosas at inamoy ito
"Batid kong ako lamang ang iniibig ng aking sinisinta... ina kaya mamaya rin ay paparoon ako sa kanluran upang sunduin ang aking nobya."
Kinikilig na namitas ang inang reyna at inilagay ito sa basket na hawak ng tagapagsilbi, dahil ang mga rosas ay lubos na kinahihiligan ng Inang reyna na pitasin tuwing umaga at ilalagay niya ito sa kanyang plurera.
BINABASA MO ANG
Aetherium Academy: Bolt for Freedom
FantasyAETHERIUM ACADEMY COLLABORATION TRILOGY 1 Famarah Faulkner is a Princess in the kingdom of Zenthius. She is one of the eldest triplets of King Axellion and Queen Luffera. She possesses the strongest power that could potentially destroy the world. Fa...