"Ronron nag igib kana ba ng tubig para makaligo na ang kapatid ko?" Nilingon ko ang kapatid na sampong taon gulang.
"Opo ate nandoon na po sa cr natin" Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
Pinuntahan ko na ang isa naming kapatid na si rinrin para maka ligo na. Limang taon na gulang pa lang siya at sobrang cute din.
"A.ate?" ngumiti ako at pinisil ang pisnge niya. Ang cute na lalo na ang pisngi niyang na paka laki, Mataba rin siya kaya palagi akong nanggigil rito.
"Oo po ako nga po, Maligo kana at para mabango" Hinalikan ko ang pisnge niya at ngumiti.
"Ate papasok na ako pinge po ng baon" Napatigil ako. Pumunta ako sa lamesa at kinuha ang wallet ko,
200 binigay ko kay Rolan at nag talo pa kami kasi okay lang daw na benta. Pero syempre hindi ako pumayag nag tratrabaho kasi para sa kanila para maibigay ko ang gusto nila.
"Ate Wala kaming klase ngayon." Binuhat ko si rinrin at ginulo ang buhok ni ronron
"Pahinga ka kasi wala kang pasok. Ako na bahala sa mga linisin sa bahay."
"Ha? Huwag na ate hindi naman nakakapagod ang pag aaral, Mas pagod ka" Nilapag ko si rinrin at nilapitan ang kapatid nito.
"Kahit na mas malaki ako sayo ikaw madali kang mapagod kay sa saakin."
10am ang pasok ko at maaga pa naman kaya marami akong magagawa sa bahay gaya ng pag luluto pag hahanda nila sa skwelahan. Si rinrin naman ay ibinilin ko lang sa kapit bahay namin, Mabait naman at sobrang gusto nila si rinrin dahil bibo ito at cute. Natutuwa daw sila palagi sa bata.
Hindi naman mababagot si rinrin sa kanila dahil may maliit silang bata na si Drake kasing edad ni rinrin gwapo rin at cute.
Isa lang akong taga hugas ng pinggan sa pagkainan sa kanto namin, Malaki laki rin ang sahod kaya okay na saakin. Tsaka okay naman ang amo ko mabait minsan. linggo rin kasi sahuran kaya mas okay saakin kasi makakabili ako ng ulam at bigas saamin.
"Tate" Niyakap ko si rinrin na tumakbong pumunta saakin. "Bakit po?"
"Gusto po ko kain ng pagkain" Tumango tango ako habang nakatingin saakin.
"Ano bang klaseng pagkain ang gustong kainin ng mahal kong kapatid?"
"Panshytttt" Ngumiti ako ng malapad dahil nakita ko na naman ang bungi nitong ngipin.
"Sige bibili mamaya si ate ha? Behave ka kila drake mamaya tanungin si ate kung hindi kaba iyakin doon sige ka wala kang pancit kay ate mamaya."
"T-tate behave n-naman po si r-rinrin minshan hende k-kashi si drake po" Ngumuso ito habang nag sasalita kaya hindi ko mapigilan halikan ito sa pisnge.
"Oh siya maligo na tayo para makapag ayos na si ate ha?"
"Ron mauna kanang kumain susunod lang kami ni rinrin" Tumango ito at tumayo na rin.
Pagkatapos kong liguan si rinrin ako na rin ang naligo at nag bihis, 9am pa at mahaba pa ang oras pero nag ready na ako para kapag oras na ay diretso na lang.
Tinali ko na lang ang mahaba at makapal kong buhok para hindi sagabal, Ngumiti ako sa salamin dahil nakikita ko kung paano ka aliwalas ang pagmumukha ko kapag nakatali. Sa kakapal kasi nito ay minsan nagiging bruha ako dahil na rin buhaghag minsan.
"Oh Rain nandito kana pala," Tumango ako at nilapag ang bag sa gilid. Pinuntahan ko ka agad si manang at nag mani dito.
"Ang bait mo talagang bata" Ngumiti ako sa kaniya. mabait naman talaga ako sa mga taong mabait rin saakin.