Caroline's POV
Nandito ako ngayon sa isang store, tumitingin-tingin ng gamit para sa bago kong apartment. Gusto ko kasi lagyan agad ng design dahil napakalungkot ng apartment ko kapag walang palamuti.
Mag-isa lang ako ngayon dahil busy si Mitch, pero okay lang dahil nagkaroon ako ng me time. Ngayon ko lang narealize na masaya rin pala mag-ikot-ikot sa mall mag-isa.
Ngayon, nagtatrabaho na ako bilang isang architect at masasabi kong successful na ako sa buhay. Nabibili ko na mga bagay na hindi ko na kailangan tignan pa ang price. Until now, hindi ako makapaniwala. Dati, wala akong alam maliban sa mag-aral, pero ngayon, masaya ako kung anong meron ako at mga bagay na nagawa ko.
Paglabas ko sa store dahil wala akong mahanap na bagay na trip ko dito, nadaanan ko ang isang bookstore. Naisipan kong pumasok para bumili ng bagong librong pagkakaabalahan.
Naglakad-lakad ako sa loob habang tinitignan ang mga libro, binabasa ko ang mga title para kapag nagustuhan ko, bibilhin ko na lang agad. Pagkatingin ko sa taas, nandun lahat ng mga bet ko kaya sinubukan kong abutin. Pero kahit nakaheels na ako, hindi ko pa rin maabot.
"Do you need help?" Tanong ng isang lalaki sa gilid ko, pero hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil sa libro pa rin ang atensyon ko. Bilang isang independent girly, dapat abot ko 'to.
Ilang minutong pilit kong inaabot, napagdesisyunan ko nang huminto, nagbuntong-hininga, inayos ang damit bago tumingin sa lalaking nasa gilid ko na may hawak na libro para sana magpatulong. Pero bakit biglang huminto ang mundo ko?
Siya ba talaga 'to? Lalong nagmukhang matured, lalong pumogi, lalong tumangkad. Gaano na ba katagal mula nang huli kaming nagkita? Bakit hindi ko napansing sa kaniya pala ang boses na yun?
"Zeke?" mahina kong sabi, parang hindi pa rin makapaniwala na nagkita ulit kami.
Ngumiti siya, yung ngiti niyang matagal ko nang hindi nakikita. "It's been a while, huh?"
"O-oo nga," sagot ko, pilit na iniisip kung ano nga bang sasabihin sa kanya.
"How have you been?" tanong niya bago ibigay sa akin yung libro kinukuha ko kanina, walang kahirap hirap niyang nakuha ito.
“Eto, okay naman,” sabi ko, pilit na pinipigilan ang kabang nararamdaman. "Architect na ako ngayon."
Ngumiti siya ulit, "You're really good."
“Ikaw, kumusta ka na?” tanong ko, kahit alam kong halos wala akong alam sa buhay niya ngayon.
"I'm doing fine, a lot has changed too," sagot niya, pero sa mata niya, parang may mga alaala pa ring naglalaro.
Ilang minuto rin kami magkatingin bago niya naisipan na magpaalam na sa akin kaya ngayon nakatingin nalang ako sa likod niya habang papalayo siya sa akin. Nakaformal attire siya halatang CEO na siya ng company nila.
Nakakamiss pala bumalik sa pagkabata matapos ko siya makita.
BINABASA MO ANG
My Palagi
RomanceThis is about two people who met when they were young. Meet Caroline Tolentino and Zeke Gomez, two kids who unexpectedly crossed paths and fell for each other. Is this a story of 'Right person, wrong time,' where their love happened at the wrong mom...